.
-Batang Sadako 2-
.
.
Nasa tapat na ako ng lumang bahay ng parang may tumatawag sa akin na lumingon ako, kinakabahan man pero diko ginawa nilalabanan ko, ginawa ko na ang lahat wag lang lumingon, pero wala pa dn ako nagawa, kaya napalingon ako sa bahay, pero sana diko na pala ginawa kasi paglingon ko pa lang ay kinilabutan ako sa nakita ko, tumayo lahat ng balahibo ko, nahihilo ako na parang nanghihina ako, gusto kong tumakbo pero parang napako ang paa ko, diko magalaw sa di malamang dahilan, sana pala di ako tumingin sana pala di na ako tumuloy, dahil tang ina, may batang nakatayo sa harapan ng pinto, mahaba ang buhok nya hanggang tuhod na nakalugay sa harap nya kaya diko kita mukha nya nakaputi dn sya na gutay gutay na parang si sadako sa The ring, napakadilim ng paligid pero nakikita ko sya. Kasi para syang kumikinang sya sa paningin ko na parang malinaw sa akin ang boung gayak nya kahit madilim, nong una di sya gumagalaw kaya medyo nabawasan ang kaba ko pero maya maya lang ay gumalaw sya naglalakd sya papunta sa akin, sa sobrang takot ko ay diko namalay na tumatakbo na pala ako pabalik, walang lingon lingon akong kumaripas ng takbo pabalik, ng makarating na ako sa malapit na bahay na may drier ay huminto ako, tinanaw ko kung sinundan ako nun bata, at tama nga ako sinundan nya ako pero hanggang oaktree lang sya, nakatayo lang sya dun at bigla syang nawala. Grabe yun takot ko that time, Oo di ako takot sa ibang multo at elemento, pero kay sadako sa the ring ako pinakatakot, lalo na at gumagapang sya pabaliktad at nasa harap pa buhok nya. Nun unang napanood ko nga sya sa movie ay binangungot pa ako. Dahil sa kanya, kaya diko masisisi ang sarili ko sa naging reaction, nagmukha akong duwag sa nangyari pero wala akong magagawa kasi sya ang pinaka worst nightmare ko.. Kaya di na ako nakatuloy sa jogging at hinintay ko na lang sila, eksakto 4am nang matanaw ko na pabalik na sila, medyo maliwanag na dn kasi kaunte at malapit na dn sila kaya nakahinga ako ng maluwag, pagdating nila ay nagtanong pa sila kung bakit di ako tumuloy ang nasabi ko na lang ay tinamad ako, kaya di na sila nagtanong. At di ko na dn kinwento ang nangyari baka pagtawanan pa nila ako.
-
nagtapos ang praktis namin ngayon araw na wala ako sa mood. At pagsapit nga ng gabi ay nilagnat ako, nakatulog ako ng maaga pero binangungot pa ako, lahat ng nangyari nun umaga ako umulit sa panaginip ko. Pero sa sitwasyon na yun ay di daw ako nakatakbo, kaya naabutan nya ako at pinagkakalmot sa boung katawan, gusto ko pang lumaban pero di ako makakilos at makagalaw, buti nagising ako, pawis na pawis pa nga ako kahit may lagnat ako, pagkabukas ay pinahilot ako, at sabi ng hilot ay may sumama daw sa akin na nilalang kaya nilalagnat ako.. pero nagawa naman yun paalisin ng hilot, buti napagaling nya ako kaya nawala yun lagnat ko,.
-
sa sunod na araw ay nagimpake na ako at nagback out na ako sa liga, syempre nagpaalam ako sa coach namin, sabi ko babalik na ako sa manila sa bahay ng tita ko, di na dn sya nagtanong kung anong dahilan na pabor dn sa akin, nagpaalam dn ako sa parents ko, bumili ako ng ticket sa PAL at nxtday ang kinuha ko na schedule nun una walang bakante pero nagawan ng paraan kasi may nagpaadjust ng schedule, unang flight nakuha ko kaya pagkakinabukasan ulit ay dipa nagtatanghali nasa manila na ako, bumalik agad ako kunwari para sa work, pero ang totoo ay sobra ang takot ko dun sa nakita ko kaya napaaga ang alis!
.
.
.
The end
BINABASA MO ANG
Kwento Ni Nanay
De TodoStill in #4 spot (12/12/22)Highest Rank #1 (8/14/2020) #1(12/7/18)(10/14/19) (6/29/20) in Scary stories.A spine-chilling Suspense/Horror. Based on true events.