Clifford (POV)
It was 4:45pm when my Society Class ended. I'm making my way to school's parking when I saw Fhilea across the hallway. Parang malalim ang iniisip na naglalakad ito at walang pakialam sa paligid. Bigla itong napatingin sa akin. On que, napayuko ako.
"What's your next class?" tanong nito na hindi ko namalayan na nakalapit na pala.
"Wala na." nahihiya kong sagot at nagiwas ng tingin.
"Let's talk about the layout. Hintayin mo na lang ako sa Parking, may kukunin lang ako." anito at kumanan papuntang Admin's office.
Sinundan ko lamang siya ng tingin. Ilang sandali pa ay nawala na ito sa paningin ko.
Pumunta na agad ako ng Parking lot sa gilid ng labas ng school. Pinili kong hintayin na lamang siya sa hood ng aking sasakyan. Two minutes pa lang naman akong naghihintay so I decided to wait a little longer. I checked my watch and it's past five minutes na.
Nawala ang pagiisip ko sa oras ng may dumating na sasakyan at tumigil sa hindi kalayuan sa pwesto ko. Umibis dito ang tatlong lalaki at diretsong lumapit sa akin. Dinaklot ng naunang lalaki ang aking kwelyo at ganun na lang ang aking gulat ng bigla ako nitong sinapak. I fell on the ground.
"Ang batang Kitton!" wika nito. Hindi pa ako nakakatayo ng sipain naman ako ng isa pang lalaki sa aking tiyan. The pain is excruciating. Ramdam ko ang nanunoot na sakit sa parteng tinamaan ng sipa. May nalasahan din akong parang kalawang sa gilid ng labi ko.
"Ano bang kelangan nyo sakin?" tanong ko sa pagitan ng pagdaing. Two guys pulled me up at hinawakan sa magkabilang braso. Hinarap ako nito sa lalaking nanapak sa akin.
"Mahirap lapitan ang isang Kitton kaya ikaw na lang!" anito na nakangisi pa.
"Ano bang ginawa ko sa inyo?" sigaw kong tanong. Akmang susuntukin ako nitong muli ng..
'Wiwwweeet!' isang sipol ang kumuha ng kaniyang atensyon. Tiningnan naming ang pinang-galingan noon. Nakita ko si Fhilea na nakatayo sa di kalayuan. Nasa gilid nito ang isang Skateboard?
"Stay back!" agad na wika ko na winasiwas 'pataboy' ang aking kamay. Tinapunan lang ako nito ng tingin.
'What?' anas ko at maang na tiningnan ito. Walang gana nitong tiningnan ang tatlong lalaki na ngayon ay nakaharap na sa kaniya.
"May homework kami ng binubugbog nyo, baka pwedeng sa ibang araw na lang yan." suhestisyon nito at pinasahadan kaming lahat ng tingin.
'Is she serious?' naguguluhan kong bulong sa sarili. Agad kong nilingon ang mga lalaki at naghintay sa isasagot ng mga ito.
"Pasensya na Miss, hindi pwede eh!" nangingiting wika ng nasa harap kong lalaki at maangas na nagayos ng suit na polo.
"Pag hindi kami pumasa? May magagawa ka?" seryosong tanong ni Fhilea at taas ang kilay na naghintay ng isasagot ng lalaki.
"Gusto mo ba ako na lang tutulong sayo pagtapos namin dito?" nagpapacute na suhestisyon ng lalaki. Bahagya akong binitiwan ng dalawang lalaki. Nanghihina naman akong napabagsak sa lupa. Tiningnan ko si Fhilea sa magiging reaksyon niya at nangisi lang ito.
"Mukhang bobo ka, baka maging repeater pako" sagot naman nito at nangibit balikat.
Pinigilan kong matawa. Ever since, hindi na nawala ang pagiging sarkastiko nito. Nawala naman ang ngiti sa mukha ng lalaki at dahan dahan itong lumapit kay Fhilea.
"Fhilea!!! RUN!!!" sigaw ko dulot ng pagaalala.
Akma akong sisipain ng lalaki na malapit lang sa akin ng may biglang lumipad sa ulo nito na... Skateboard? Napalayo ito sa akin ng bahagya at agad na hinawakan ang ulong natamaan. Dumugo agad ang sentido nito at agad bumaling sa pinanggalingan noon.
YOU ARE READING
LOVELY MESS
General FictionHunted by her past, Fhilea ended up in a university back in the Philippines. Thinking that she could start over with a clean slate, she went back to her studies at Aberdale University. A University located in a place where two families rule. Startin...