Vlad (POV)
"That's what she said." huling wika ni Brad bago ininom ang alak na nasa kaniyang baso.
Pinapunta ko sila sa bahay kinagabihan matapos ng nangyari. Nakwento na nila sakin ang mga sinabi ni Fhilea tungkol sa taong nasa likod ng tangkang pagpatay sa akin maging sa kapatid ko.
Nalaman ko din na binalak ni Ken na pamatyagan ang babae na siya ding kinasira ng mood daw nito. Maging ang katotohanan na para sa akin daw talaga ang bala na nasayang lamang kanina.
It's hard to admit but I'm thankful that Fhilea was in there. It hurts my ego, yes. Pero kung hindi siguro dito malamang pinaglalamayan na ako ngayon ng wala man lang akong ka-alam alam.
"What's your plan?" seryosong wika ni Ken at nagsalin na din ng alak sa isang baso na nasa kaniyang harapan.
Diretso ko siyang tiningnan at nilagok ang natitirang alak sa baso bago siya sinagot,
"I need to move and I need to start it now." seryoso kong sagot sa kaniya.
Pinatong ko sa lamesa ang baso at mabilis na tumayo. Taka akong tiningnan ng dalawa ng dumiretso ako patungong hagdanan at iwanan sila.
"Where are you going?" ngiwing tanong ni Brad ng malingunan ko ito.
"I'm getting all my answers!" simpleng sagot ko na agad kinakunot ng noo ni Ken.
"You already have it." alanganing sagot nito at kunot noo paring nakatingin sakin.
Napabalik akong muli sa kanila at nakapameywang silang tiningnan dalawa.
"I know who's after me and I already have plans for that. I don't want to involve you two here so I'll be moving alone." paliwanag ko sa kanila.
"Wait, what are you planning anyway?" kunot noong tanong na din ni Brad.
"I will discuss that soon. For now, I need you both to keep our closest friend safe. Especially, Clifford and Ash." pagpapatuloy ko. Taka kong tiningnan si Brad na napangisi sa kaniyang kinauupuan.
"You don't really need to worry about your brother, he's safe with Fhilea. All of us actually" natatawang wika nito na napakibit balikat na lang.
Gustuhin ko mang kontrahin ito pero aminado akong tama siya. This happens to be the second time she saved us. Can't say it's a coincidence but luckily she's always there. It's an insult for a man. But somehow, it's fascinating.
"I know but we can't get used to it, aren't we?" I rebutted.
They've been quite for a couple of seconds when I decided to spill some beans.
"I will talk to Edison personally. Not only about my plans but to get some answers about our so-called hero." I stated with angst on the last word.
Bahagya akong nilapitan ni Ken at nanunuri ang mga matang hinuli ang tingin ko.
"Why do you hate her?" naniningkit ang matang tanong ni Ken. Matiim niya akong tiningnan at ramdam kong maging si Brad ay ganun din.
Pasimple akong nagiwas ng tingin bago nagsalita,
"I don't. We just can't rely everything to her." palusot ko sa kaniya.
Alangan akong nagbalik ng tingin sa kaniya at bakas sa mukha nito na hindi ito naniniwala. Mas lalo pang naningkit ang mata nito at pabulong na nagtanong,
"Is that really it?" mahinang tanong nito. Kunot noo ko siyang tiningnan at mas piniling hindi na lamang sagutin ito. Tinalikuran ko na lang silang dalawa at nagpatuloy sa paglalakad patungong hagdan.
YOU ARE READING
LOVELY MESS
Ficción GeneralHunted by her past, Fhilea ended up in a university back in the Philippines. Thinking that she could start over with a clean slate, she went back to her studies at Aberdale University. A University located in a place where two families rule. Startin...