Mindy (POV)
Mabilis na natapos ang ang fourth quarter at tambak ng sampung puntos ang kalaban. Sumakit na ang lalamunan ko sa kakasigaw at mukhang worth it naman ito. Ina-anunsiyo na ng host ng laro ang pagkapanalo ng 'Rockets' at hindi na natigil ang pagsigaw ng mga estudyante ng Aberdale sa pagkapanalo ng kanilang mga players. Naubusan din yata ako ng boses kakasigaw kay Fhilea kanina kaya lalong sumakit ang lalamunan ko.
Unti-unting nabawasan ang mga tao sa Court. Maya maya pa ay tumayo si Fhilea na inakala kong aalis na kami kaya agad din akong napatayo.
"Stay there! C.r lang ako, wag tayong sumabay sa buhos ng mga tao!" pigil nito sa akin na agad ko namang tinanguan. Hinabol ko lamang siya ng tingin. Maya maya pa'y sumunod din sa kaniya ang mga manlalaro ng aming school na mukhang gagamit rin ng banyo. Nilingon ko si Clifford at minamasdan lamang nito lahat ng nagsisilabasan na mga estudyante.
"This is co-ol! We should do this more o-ften." aniya ko sa kaniya na hindi naiwasang pumiyok ang boses. Natawa naman ito sa narinig niya kaya napatango na lamang ito. Napansin kong naghahanda na din ang kabilang grupo sa paguwi pero yung Star player nila ay mukhang may hinihintay pa. Nakaupo ito at mukhang may hinahanap dahil manaka-nakang sumusulyap sa gawi namin. Napakibit balikat na lamang ako.
Makalipas ang sampung minuto ay natanaw ko na si Fhilea na nagmula sa pintuan kung saan patungo ang CR. Kasunod lang nito si Vlad, Brad at Ken na nasa likuran niya. Agad kaming tumayo ni Clifford para salubungin na ito at maghanda na sa paguwi. Nagulat na lamang kami ng biglang tumakbo sa direksyon niya ang lalaking napahiya niya kanina.
"Are you free tonight?" rinig naming tanong nito kay Fhilea nung nakalapit kami. Nilingon ko si Clifford na may nagtatanong na mukha. Tiningnan lamang ako nito na parang sinasabi niyang hindi niya din alam ang nangyayari. Binalik ko ang tingin sa babae at nakatingin lang ito sa lalaking nagtanong.
"We're having a celebration and I just want to invite you to join us." nangingiti pang aya nito sa babae.
"Celebrating the lost? That's new!" sarkastikong sagot ni Fhilea na agad naman kinailang ng lalaki. Kinagat ko ang dila ko para mapigilang matawa. Kahit kailan talaga walang preno magsalita ang babae na ito. Nilingon ko si Clifford sa kanan ko at tikom na tikom din ang bibig nito ngunit nangingiti ang mga mata.
"Hehe.. Ahmm. Thinking you might want to.. you know.. Enjoy? Just for tonight?" nangingiting sagot ulit ng lalaki na binalewala ang pambabara ng babae.
Nangingisi at nangingiti naman sila Brad, Vlad at Ken sa likod ni Fhilea nang marinig ang naging paguusap nila.
"I'll pass." tipid na sagot ng babae rito at nagbawi ng tingin. Walang anuman na tinali ng babae ang kaniyang buhok at hinubad ang suot-suot na jacket.
"Ow! You're Kitton's girl!?" wika ng lalaki ng mapadako ang tingin sa jacket na hinubad ni Fhilea at nagbaling ng tingin kay Vlad na nasa likuran lamang nito. Magsasalita sana si Vladimir ng tumawa ng pagak ang babae bago nagsalita,
"There's two Kitton's here, sino ba tinutukoy mo?" nangingising sagot ni Fhilea rito. I heard the guy growled and clear his throat.
"Nevermind. I think they won't mind if I barrow you just for tonight?" ngisi-ngising wika ng lalaki kay Fhilea.
"What!?" mabilis na sagot ni Vlad at mukhang lalapit na ng lingunin siya ni Fhilea. Nagtitigan saglit ang mga ito at agad naman binalik ng babae ang kaniyang tingin sa lalaki sa kaniyang harapan.
Seryosong tiningnan ni Fhilea ang lalaki at ngumisi ito na alam kong iba ang dating.
"I'm not up for a booty call!" makahulugang sagot nito at nilagpasan ang lalaki. Inabot nito kay Clifford ang jacket ng mapadaan ito sa harap niya. Nauna itong maglakad at mukhang hindi pa nakakabawi ang lahat ng bigla itong sumigaw.
YOU ARE READING
LOVELY MESS
Ficción GeneralHunted by her past, Fhilea ended up in a university back in the Philippines. Thinking that she could start over with a clean slate, she went back to her studies at Aberdale University. A University located in a place where two families rule. Startin...