Mindy (POV)
We are having our Algebra Class ng pansamantalang putulin ang klase. May importante daw na ia-annouce sa quadrangle.
"Gordova, Kitton and Montejo pinapatawag kayo sa Admin's office." wika ni Miss Sandra ng basahin ang note na inabot sa kaniya ng nag announce.
Nagtinginan kami ni Clifford. Napakibit balikat na lamang ito at agad na tumayo ng mapansin na agad ring tumayo si Fhilea para lumabas. Madali akong sumunod sa mga ito. May karamihan na ang estudyante sa quadrangle ng narating namin ito. We are halfway to Admin's office ng harangin ni Brad si Fhilea.
"Hi!" panlalandi nito. Yes! Panlalandi. Ilang babae na kasi ang nilandi nito. Halos lahat ata ng magaganda dito sa school ay pinormahan nito. Mukhang ang magiging next target naman nito ay si Fhilea. Niyayaya niya ito sa magaganap na Acquaintance party.
"I don't do parties." sagot naman ng babae dito.
'Wahahahahaha barado!' pagbubunyi ko. Napaikot naman ang mata ko sa sunod na sinabi ng lalaki.
"I'm not into boys, I'm into men." makahulugang sagot ulit ng babae. Napansin kong nagpipigil ng tawa si Ken. Kaibigan ng mga ito. Kasama rin ng mga ito si Ashley at ang kuya ni Clifford. Bakas sa mukha ni Vladimir ang pagka-amazed kay Fhilea. May iba ding ning-ning ang mga mata nito na nakatingin sa babae.
'Di kaya may crush to kay Fhilea? No Mindy! May girlfriend siya! Kasama niya nga oh!' pagtatalo ng isip ko.
Nawala ako sa ganung pagiisip ng lagpasan ni Fhilea ang mga ito. Parang walang nangyari itong nagpatuloy sa paglalakad. Mabilis akong humabol at nang malapit na kami sa Admin's office ay mukhang makakasalubong namin si Eugene at ang grupo nito.
Nakaramdam ako ng kaba habang papalapit sila ng papalapit sa isa't isa. Pabilis naman ng pabilis ang naging tibok ng puso ko ng ilang metro na lang ay magpapanagpo na ang dalawa.
Two meters.... One meter... ng..
'What just happened?' tanong ko ng hindi magpansinan ang mga ito. Nilagpasan lang ng babae ang lalaki na animo hindi ito nakita. Si Eugene naman ay sinulyapan lang ang babae na akala mo hindi niya ito kilala. The thought of me being asleep is running in my mind. Pasimple kong kinurot ang braso ko, nagbabakasakaling nananaginip nga ako.
Malabong mangyari ang ganito. There is something wrong. Eugene is not the type of guy, well as far as i know him, hindi niya basta basta palalagpasin ang isang bagay. Lalo na kung napahiya ito sa harap ng maraming tao. Si Fhilea naman, normal lang sa kaniya ang mag mistula kang hangin sa paningin niya. Pero may mali. Halatang may mali.
Nagulat na lamang ako at nawala sa ganung pagiisip when I heard Clifford talk.
''You okay?" tanong nito pagkapasok namin ng Admin's Office. Hindi ko na din pala namalayan na nandito na kami. Tinanguan ko lang ito.
Pabagsak na naupo si Fhilea sa isang single na sofa at nag de-kwatro. I noticed Dad sitting on his chair and on the right side of him is Magnus? Anong meron at pati kami kailangan dito?
"Are you okay?" tanong nito kay Fhilea. Tumango naman ang babae na sumandal sa kinauupuan at pumikit.
"Dad, why are we here?" inip na tanong ko dahil mukhang lahat sila ay na kay Fhilea ang paningin.
"It's about the Acquaintance Party!" paguumpisa ni Dad. "What about it?" agad ko namang tanong.
"Are you guys coming with Fhilea?" tanong naman ni Magnus na tiningnan kaming dalawa ni Clifford. Hindi agad kami nakasagot.
Hindi pa namin napapagusapan ang bagay nato. To be exact, wala nga kaming ideya na may magaganap pala na Party. It's not that the party is not being held every year. We just have no idea that the 'kailangan sa Admin's Office' is about that.
"I want you to call me guys if there's anything or something happen." anito sabay abot sa amin ng calling card. Nagtataka man ay agad naman naming kinuha ni Clifford ito at itinago.
"And one more thing, if things comes to worst, stay away from her!" pahabol pa nito na tinuro si Fhilea.
"Hajima, Samchon!" ani ni Fhilea sa malamig at madiin na tono.
* Stop, Uncle! ( Hangul )*
'Ano daw? If i'm not mistaken, that's hangul? hindi ko nga lang maintindihan kung anong ibig sabihin'
Tiningnan ko si Fhilea at may pagbabanta na dala ang uri ng tingin nito kay Magnus.
"I am not coming." tunog pinal na sagot nito na hindi man lang nakurap sa pagkakatingin sa tiyuhin.
"But hija... " sagot ni Magnus na nakipagsukatan ng tingin sa naturang babae. Mukhang sumuko naman ito dahil bigla na lamang itong napabuntong hininga.
"Alright!" he said. Defeated. "But still, don't hesitate to call me if anything happens, anytime, Okay?" surrender nito. Tiningnan ko si Fhilea na muling pumikit. Mukhang pati ata sa pamilya nito ay gumagana yung mga rules niya.
"She speaks Hangul?" na-amazed na biglang tanong ni Clifford.
"She speaks different languages, hijo." nakangiti namang sagot ni Magnus.
"Would that be all?" biglang tanong ni Fhilea na mukhang ayaw ng pahabain pa ang pagku-kwentuhan ng dalawa. Bigla itong tumayo at lumapit sa kaniyang tiyuhin. Humalik ito sa pisngi ng lalaki.
'Sweet. But cold. And Weird.' komento ng isip ko.
Agad na lumakad si Fhilea sa kinaroroonan ng pinto ng pigilan ito ni Magnus.
"No meterse en problemas, Fhilea." habol ni Magnus sa ibang lenggwahe na kinakunot ng noo ko.
'Wala nabang ikaka-weird pa ang dalawang ito??' nagtatalo sa isip ko.
Una. Bakit ganun na lang siya mag abiso patungkol sa babae. Pangalawa, alam naman namin na pinapalayo kami ni Fhilea sa mga alanganing bagay pero bakit parang ito alam na agad ang posibleng mangyari. Pangatlo, hindi ko sila maintindihan sa pinagsasabi nila.
'Naguguluhan na ako!!!' suko ng utak ko.
Nagwasiwas lang ng kamay ang babae ng walang lingon at lumabas lang ng pinto.
Hindi ko na alam kung anong dapat isipin ko. Yung pagtataka sa inasta nila ni Eugene kanina. Yung warning ng tiyuhin niya. Yung hindi niya pagpunta sa Party. Yung kailangan ipaalam kay Magnus kung anumang mangyari. At sa babaeng naging sentro ng lahat.
Kay Fhilea.
'It's okay to trust her, hija!' parang narinig ko na naman ang mga sinabi sa akin ni Magnus before.
'Urghhh! Bahala na nga.' suko ko.
*no meterse en problemas - stay out of trouble (Spanish)
xXx Thank you so much for reading guys 😘 I appreciate it a lot ☺️ Mas masaya if you vote and share 😁 LoveLots mga ka-Messy Mwuahhugs Umingats 💋💜 xXx
YOU ARE READING
LOVELY MESS
General FictionHunted by her past, Fhilea ended up in a university back in the Philippines. Thinking that she could start over with a clean slate, she went back to her studies at Aberdale University. A University located in a place where two families rule. Startin...