Chapter 52 Puzzles

35 4 0
                                    

Vlad (POV)

Kunot noo kong tiningnan si Brad sa kaniyang sinabi. Kakahatid ko lang kay Ashley sa room nito at dumiretso na rito sa Cafeteria dahil nandito nga daw sila.

Agad akong umupo sa harapan ni Brad at diretsong tiningnan ito. Bakas sa mukha nito na malalim ang iniisip kaya maging ako ay nagtataka narin.

This is not the normal Brad. The way he looks is disturbing.

"What exactly do you mean by that?" kunot noo na ding tanong ni Ken sa lalaki.

"I'm not really sure. But there's something..--" hindi matapos tapos na sasabihin nito at napatingin sa malayo.

"Brad! What is it?" may diing tanong ko sa kaniya at agad naman itong napatingin sakin.

"I think there is someone else." bitin na sagot nito at tuliro kaming tiningnan dalawa ni Ken.

"Can you be more specific? Please!" Ken retort as he scratch his nape.

Brad exhales as he shove up some hair that covers his face.

"Haven't you notice Rwanda lately?" tanong nito samin. Nagtinginan kami ni Ken.

I know exactly what he mean by that. Presence of Rwanda is suddenly on the air. But what about it?

"And?" inip kong tanong sa kaniya.

"D'you also notice her being around with Mindy?" patuloy na tanong nito.

"Yeah. Nakakapagtaka nga. But.. What about it?" inip na tanong na din ni Ken sa kaniya.

"I confronted her before you came. We all know she was about to hit Mindy before, right?" tanong nito sa amin na agad naming tinanguan.

"Then all of a sudden, they're friends?" dugtong nito.

Agad kong narealized kung ano ang pinupunto niya, pero anong kinalaman noon sa amin? Sa aming dalawa ng kapatid ko.

"So?" naasar ng tanong ni Ken sa kaniya.
Umayos ng upo si Brad at inilapit ang ulo sa amin ng bahagya. Animo ayaw nitong iparinig sa iba ang kaniyang sasabihin.

"I asked her what's her deal. I warned her not to do anything on Mindy, well.. Fhilea asked me to look after her while she's away. But you know what's intriguing?" mahabang kwento nito at taas ang kilay na naghintay kung magtatanong kami. Hindi kami nagsalita ni Ken at naghintay lang sa sasabihin niya.

"She was ordered to look after Mindy as well!" sagot nito.

"By Fhilea?" tanong ni Ken at agad umiling si Brad dito.

"That is the question. By whom? Fhilea and her wasn't able to talk after the scene you had here the other day." kontra nito sa sinabi ni Ken.

"Then who is it?" naniningkit ang matang tanong ko rito.

"That I'm trying to find out. Rwanda said, that bitch is more scarier than me. So what's that mean?" litong tanong nito sa amin.

Sandali kaming nanahimik at inalisa lahat ng sinabi niya. Hindi ko parin makita ang koneksyon sa kaso naming magkapatid pero nakakabagabag lang na may taong gustong ingatan ang batang Montejo.

That kid doesn't really have friends. Kung tutuusin si Clifford lang at Fhilea ang madalas na kasama nito. Wala naman akong narinig na naging kaaway nito maliban na lang doon sa panti-trip ng grupo ni Britney sa kaniya. Pero huling balita ko ay tinigilan na siya ng mga ito. At yun ay dahil kay Fhilea.

'Was it Marcus?' tanong ko sa isip.

Pero bakit si Mindy ang dapat bantayan? Hindi ba dapat si Fhilea kasi siya ang may ginawa sa mga ito? I never hear anything from Marcus since that day na kinompronta siya ni Fhilea. Pagkatapos din noon ay hindi na masyadong gumagawa ng gulo ang grupo nito. Kataka taka ngang medyo nanahimik ang school mula noon.

LOVELY MESSWhere stories live. Discover now