Chapter 53 Brother's Resentment

26 4 0
                                    

Clifford (POV)

It was the last day of our most terrible week and finally, it'll be a long weekend. It is the end of our Mid term exams and it's a good thing that this school always have a week break after all that hardwork.

Kalalabas ko lang ng room ng huling klase ko ng tumunog ang cellphone ko at makita ang pangalan ni Mindy sa screen. Agad ko itong sinagot at masaya ako nitong binati sa kabilang linya.

"I just got home. Bernie gain weight!" bungad nito na natatawa pa.

"Im planning to drop by. Akala ko nandun kapa." sagot ko sa kaniya at tiningnan ang aking relo.

Alas tres pa lang ng hapon pero ang aga na niyang nakauwi. Isa lang ang klase nito every Friday kaya siguro maaga itong nakapunta kay Fhilea.

"Fhilea pushed me away. Bukas na lang daw ako tumambay since long weekend naman daw." anito sa kabilang linya na mukhang naeexcite.

"Oh! Sige dadaan na lang muna ako." manapa'y sagot ko sa kaniya.

"Okay. Ingat." tipid na sagot nito at tinapos na ang tawag. Mabilis akong naglakad patungong hagdanan. Pahakbang na sana ako ng tumunog ulit ang cellphone ko. Sa pagaakalang si Mindy ito ay agad akong huminto para mabasa.

Kuya: What time are you going home?

Text nito sa akin na agad kinakunot ng noo ko. Pinili kong hindi siya replyan at nagpatuloy sa pagbaba ng hagdanan. Tinahak ko ang daan patungong library para isauli ang mga librong ginamit ko ng tumunog ulit ang cellphone ko. Tamad ko itong tiningnan at nalaman na si kuya ulit ito.

Kuya: Clifford?

Text ulit nito na hindi ko na naman pinansin. Hindi ko alam pero may iba na akong napapansin kay kuya nung mga nakaraang araw.

Una, hindi niya ako pinayagang madalaw man lang si Bernie kahit saglit. Pinanga-ngatwiran nito, ay kailangan kong magaral para sa darating na exams so I did. Tiniis kong hindi pumunta ng ospital at nagtiyagang makibalita na lamang kay Mindy at Fhilea sa nangyayari kay Bernie.

Pangalawa, lahat ng lakad ko kailangan alam niya. Kailangan alam niya kung anong oras ako uuwi. Kung sino ang kasama ko at kung saan pupunta. I'd tried to think that he's just doing his brother's duty but as the time goes by, it's way too much.

Pangatlo, there's one time that he ask me about Fhilea. Kung gano ko ba daw ito kakilala. Bagay na never niyang ginawa sakin mula pa nung bata ako. Yung parang lahat ng magiging kaibigan ko kailangan kilala niya.

Brother's duty is getting overboard if that is the case. Ayoko man bigyan ng ibang meaning ang kaniyang ginagawa pero nagiging sobra na. Hindi na naman ako bata para bantayan ng ganun.

'I'm 18 for Pete's sake!!' maktol ng isip ko.

Narating ko ang library ng hindi ko namamalayan. Mabilis akong lumapit sa librarian at ibinigay ang mga libro. Pumipirma ako ng log sheet ng biglang tumunog ang cellphone ko. Agad akong tiningnan ng masama ng librarian kaya madali akong nanghingi ng paumanhin at lumabas roon.

Kuya calling...

Atubili man ay sinagot ko ito.
"Kuya?" walang gana kong sagot sa kabilang linya.

"Why aren't you replying!?" asar na tanong nito.

"I'm at the library?" sarkastiko kong sagot sa kaniya at napabuntong hininga naman ito.

"Your last class just ended, are you heading home?" tanong nito sa akin.

'Here we go with the update, Cliff!' wika ko sa isip at napakamot na lang sa noo.

LOVELY MESSWhere stories live. Discover now