Clifford (POV)
I just got in on my car when I received a reply from Fhilea. Agad ko itong binuksan at binasa.
Ate Fhil: I just did what's necessary.
Sagot nito. I asked her about what happened yesterday. Simula kasi ng lumabas ito mula sa Admin's office ay dire-diretso ito sa field. Hindi ko naman siya nagawang sundan dahil sinabihan niya na agad ako ng, "Not now, Clifford. You're brother can fill you in." kahapon. That's what I like about her, pag galit siya, galit siya. Hindi mo na kailangan magtanong kasi siya na mismong magsasabi. Nung tinanong ko naman si Kuya ay wala din naman nakwento ito.
Agad akong nagtipa ng ire-reply pagkabuhay ko ng makina ng kotse.
Me: Is everything okay now? Can we take our lunch together tomorrow?
Reply ko. Simula ng nangyari sa kanila ni Marcus ay napagpasyahan na namin na iwasan muna ang isa't isa. It's a good thing na may cellphone dahil kahit papano nag kakausap parin kaming tatlo. I like this kind of friendship. Yung feeling na may Ate ako on Fhilea's presence and a younger sister on Mindy dahil napaka inosente nito. Hindi man sila ganun kadami, at least I know that this one is real.
My phone alerts again that I received another text. Binuksan ko ito habang nagse-seatbelt.
Ate Fhil: We're about to know and see.. After a week maybe?
Reply nito. Hindi ko na magawang magtanong pa kung ano bang ginawa niya, baka hindi pako kausapin nito pag naging mausisa ako.
Me: Next week is not that long, I guess. See you then.
Sagot ko na lang at minani obra na ang sasakyan sa garahe. Nasa bukana na ako palabas ng gate ng maabutan si Kuya. Binusinahan ako nito at nagbaba ng salamin ng magpantay ang sasakyan namin.
"What time will you be home?" tanong nito.
"My last class ends at 7pm." sagot ko. Tumango naman ito at minuwestra ang daan para paunahin ako.
Tahimik akong nagmaneho hanggang sa nakarating ng school. Dahan dahan akong nagpark sa parking sa labas ng school at nagtaka naman ako na kasunod ko parin si kuya. Nagpark ito sa bandang kanan ng mismong pwesto ko.
'He's parking here?' pagtataka ko. Kinuha ko ang aking bag sa may passenger seat at agad na lumabas. Kunot noo kong tiningnan si kuya na kaka-baba lang ng sasakyan niya.
"What's wrong with the Gym's parking?" tanong ko dito nang humarap sa pwesto ko. Tiningnan naman nito ang pinag paparking-an namin at nagkibit ng balikat.
"For a change?" balewalang sagot nito. Nagkibit balikat na lang din ako at sinabayan siya papasok ng school.
"What's your class?" tanong nito ng nalagpasan na namin ang guard sa gilid na gate.
"Econ at 1:30, dadaan lang ako ng library." sagot ko sa kaniya na tinanguan naman nito. Tinapik ako nito sa balikat ng nasa dulo na kami ng hallway.
"Study well." anito at kumaliwa patungong Admins office. Kumanan naman ako patungong library. My phone notify me again that there's a text.
Ate Fhil: Someone's bein babysit ☺️
Agad ko itong hinanap at nakita ko siyang nakatayo hindi kalayuan sa pwesto ko. Nakangisi itong nakatingin sakin at napadako ang tingin kay...kuya?
Ito siguro ang tinutukoy niya. Napangiti naman ako at nailing. Ramdam kong namula ang aking mukha sa simpleng biro niya. Kinawayan ko lang siya at nagpatuloy na sa paglalakad.
YOU ARE READING
LOVELY MESS
Aktuelle LiteraturHunted by her past, Fhilea ended up in a university back in the Philippines. Thinking that she could start over with a clean slate, she went back to her studies at Aberdale University. A University located in a place where two families rule. Startin...