Chapter 77 Foundation Day

28 0 0
                                    

Mindy (POV)




I just got into the University when my cell phone vibrated inside my pocket. Mabilis ko itong inilabas at tinanguan lang ang driver namin na pinag buksan ako ng pinto.

"Hija!" bungad ni Dad nang sagutin ko ang tawag. "Have you arrived?" sunod na tanong nito.

"Yes, Dad!" sagot ko rito at inipit ng balikat at tenga ang telepono. Sinukbit ko sa kabilang balikat ang aking shoulder bag at nag umpisa nang maglakad papasok ng campus.

"I have a problem." nagaalalang sagot nito. Napahinto ako sa paglalakad at mabilis na nagtanong. "What's wrong!?"agad kong tanong sa ama.

"I totally forgot! Today is the Foundation Day!" wika nito at napabuntong hininga. Lihim akong napanatag sa naging sagot nito.

'Akala ko naman kung ano na!' anang isip ko.

"What about it?" manapa'y tanong ko at nagpatuloy ulit sa paglalakad. Napagpasyahan kong dumaan sa opisina nito. Baybay ang hallway papunta roon ay namataan ko si Fhilea at Clifford na patawid sa quadrangle kaya kinawayan ko ang mga ito at sinenyasan na lumapit.

"I haven't prepared anything!" ungol ni Dad sa kabilang linya.

"I'll be there in a bit!" sagot ko na lamang at binabaan ito.

"Hey!" ngiting bati ni Clifford nang makalapit.

Nag iinarteng mukha ang sinagot ko sa kaniya. Nginusuan ko ito at pabirong inisnaban.

I just heard na kumain sila sa labas nung weekend. Take note! Hindi ako kasama!!

"Look, I'm sorry! Hindi naman namin sinadya! Nanalo lang kami sa pustahan kay Kuya!" mabilis na paliwanag nito at nilingon si Fhilea.

Mukhang wala naman balak makipag usap ang babae dahil may ngina-ngata itong Choco-choco at mukhang hindi kami nakikita sa ayos nito. Basta lang siyang tumayo sa tabi ni Cliff tinanguan ako at hindi na namansin.

All I know was Fhilea will train him that time. I also excuse myself cause I need to finish a report dahil Clearance today kaya hindi din ako pumunta.

It's not a big deal tho. Gusto ko lang mag inarte today. *Evil laugh*

"Forget it, I need help!" balewalang sagot ko na lamang rito. "It's Foundation Day today and it seems my Dad forgot about it!" malamya kong dagdag na laglag ang mga balikat.

"Tell Oscar to gather all the Clubs to prepare for their booth there!" sagot ni Fhilea out of the blue. Tinuro pa nito ang dinaanang quadrangle kanina. Matapos yoon ay muli itong bumalik sa pagkain ng tsokolate.

Nagliwanag naman ang mukha ko sa minungkahi nito. Hindi ko napigilan hindi pisilin ang kaniyang mukha at mabilis na hilahin ito papunta sa opisina ng ama.

Ramdam kong nakasunod naman sa amin si Cliff kaya dire-diretso akong pumasok sa Admin's Office.

Hindi na nagulat si Dad ng makita kaming tatlo na pumasok roon. And as usual guys, ang Fhilea diretsong sumalampak sa single sofa na naroon. Her favorite spot!

"We have an idea Dad!" bibo kong bungad sa ama. Nagliwanag naman ang mukha nito nang marinig iyon. Agad nitong kinuha ang kaniyang pinakamamahal na ballpen at akmang magsusulat na nang pigilan ko ito.

"We don't need that! We just need Mang Oscar!" sagot ko nang taka itong nakatingin sa akin. "What for?" tipid na sagot niya.

"We don't have much time left! Call him!" magalang kong utos sa ama.

LOVELY MESSWhere stories live. Discover now