Mindy ( POV )
8:00 PM.
Everyone is wrapping up. Nilibot ko ang tingin sa paligid at kaniya-kaniya ng ligpit ang bawat booth na nasa quadrangle. Hindi na din ganun karami ang mga tao kagaya kanina.
"Mindy!!!" tawag ni Gladys sa akin at sinenyasan ako nitong lumapit sa kanila.
Ilang metro lamang ang layo nito mula sa aking kinakatayuan kaya mabilis akong makakalapit rito. Hinanap ng mata ko si Fhilea at nakitang kasama ito ng tiyuhin at ng ama.
Hindi ko na lamang ito pinansin at nagtungo na lang sa kinaroroonan nila Gladys at ramdam si Clifford na nakasunod rin sa akin.
Siya naman kunot ng noo ko ng makalapit sa mga ito. Abot ang langit ang ngiting nakatingin ang dalawa sa akin.
"Guess what!?" aniya pa na mukhang kinikilig. Minuwestra nito ang drop box ng kanilang booth at nanlaki ang aking mata ng makita ang laman noon. Puro tag iisang libo ang naroroon.
Pinaka mababa yata ay limandaan at ang iba ay naka tseke pa.
"We total it and we have P100,000!!" ani ni Antoinette na mukhang kinikilig pa nga.
"Oh my god!" tanging nasabi ko at napatakip sa bibig. Napatingin ako kay Clifford at nangingiti rin ito sa nangyayari.
"Fhilea also won P20,000 so we have now P120,000" ngising dagdag pa ng lalaki at sinuring maiigi ang laman ng box.
"Kanino ako may atraso?" Napalingon na lang kami sa pinang-galingan noon at medyo nagulat ng makita si Fhilea sa aking tabi.
"Fhil-----" bulong ko na agad pinutol nito "I heard you guys" anito at kinindatan ako.
Tiningnan nito ang naturang box at sinulyapan sila Gladys. "Kanino nang-galing yung tseke?" tanong nito sa dalawa.
"Sa tatlong yun!" sagot ni Gladys at nginuso ang tatlong magkakaibigan na papalapit sa amin.
"Yung isa hindi ko kilala yung lalaki." kibit balikat na dugtong pa nito. Tiningnan lang ito ni Fhilea bago kinuha ang tseke at binasa ang nandoon.
Nakalapit na lamang ang tatlo ay hindi parin nito binibitawan ang tseke at animo may iniisip.
"How much did we have?" nakangiting tanong Brad ng makalapit at aakbayan dapat nito si Fhilea ng iumang ng babae ang braso rito.
Pinakita ko na lang dito ang computation ni Antoinette at namilog ang mata nito. Magsasalita pa sana ito ng biglang mag-aya ang babae.
"Let's eat." aya ni Fhilea. Nang makita nito na hindi pa tapos magligpit ang dalawa ay tumulong na rin ito.
Mabilis din agad kaming natapos dahil halos lahat ata kami ay tumulong na maligpit iyon. Iniwan na lamang namin ito sa may gilid at ipapahakot na lamang bukas ng umaga.
"San tayo?" tanong ni Brad at pinatong na ang huling monobloc na nakakalat. Lahat kami ay nakatingin kay Fhilea. Ang huli naman ay samin lang din nakatingin na parang na sa amin rin ang sagot.
"I suggest Chinese Resto?" mungkahi ko at agad naman nagsipagtanguan ang mga ito. Mukhang wala din naman silang ibang choice.
Sabay sabay kaming nagtungo lahat sa Parking. At kaniya-kaniyang sakay ang mga ito.
I'm with Clifford. Antoinette is with Ken. Gladys is with Brad so malamang Fhilea will be with Vlad.
Agad na sumakay ang babae sa sasakyan ni Vlad. Maging kami ay ganun rin.
"Something's off" wika ni Clifford ng kami ay makasakay na. Diretso itong nakatingin sa unahan ng makita si Fhilea. Binaba nito ang salamin ng bintana at sinesenyasan kaming mauna na sa pagmaniobra.
YOU ARE READING
LOVELY MESS
Ficción GeneralHunted by her past, Fhilea ended up in a university back in the Philippines. Thinking that she could start over with a clean slate, she went back to her studies at Aberdale University. A University located in a place where two families rule. Startin...