Mindy (POV)
It will be my second time doing some charity with them. I saw Clifford sitting on the side of his car. Patiently waiting. Nauna kasing natapos ang klase ng mga ito habang ako ay pinasukan pa ang Geography class ko. Like the usual, sasakyan na naman nito ang gagamitin namin. I scan the entire car. Hinahanap ng mata ko si Fhilea. Masyado kasing tinted ang salamin ng sasakyan nito kaya hindi makita ang nasa loob.
"Where is she?" tanong ko nang nakalapit.
"Inside. Sleeping. Tagal mo kasi." anito na kunwari naiinip pero nakangiti naman.
"Same drill." dagdag pa nito na agad kong sinunod. I make my way on the passenger seat. Nakaupo na ako at saktong nagsi-seatbelt ng malingunan ko si Fhilea na nag-uunat sa likuran. Like the usual. Sleepy.
"Good morning!" bati ko ng mapatingin ito. Tumango lang siya.
"Let's go?" tanong ni Cliff ng makaupo sa driver's seat at nagsi-seatbelt. Hindi sumagot si Fhilea kaya ako na lang ang tumango.
Nakalabas na kami ng parking ng school. Naeexcite na akong makita si Bernie. Napaka bibo kasi nito at hindi nauubusan ng mga tanong.
Aaminin ko, alangan ako ng una akong nagpunta sa lugar. Nagbago lamang ito ng nakasalamuha ko na ang mga tao doon at kung gaano kakilala si Fhilea sa lugar. All the kids there, love her. Doon ko din ito nakitang unang ngumiti. It was not that wide but it was real. Hindi pilit at natural.
Seeing all the kids there na walang mga muwang sa mundo. Makes me happy. Yung tipong hindi sila namomroblema araw araw. Masaya at kuntento. Yung parang kahit ano mang problema, ngingitian lang nila.
I look at Fhilea at the back. Nakatingin lang ito sa rearview mirror. Kung pagbabasehan mo talaga ang mukha nito aakalain mung wala itong pakilam sa paligid nya. Yung tipong kahit hangin, hindi nage-exist. Ni hindi mo rin ito pagiisipan na mahilig sa mga bata.
"Do you know that Honda Civic behind us?" biglang tanong nito kay Cliff.
"No." sagot naman nito. Tumingin din siya sakin na nagtatanong din.
"I dont know that either." taka ko ding sagot. Malapit na kami sa tulay ng bigla ulit itong magsalita.
"Drive straight!" anito na pinagtaka naming pareho ni Clifford. Hindi agad nakakilos si Cliff at nilingon muna ito.
"Just do it!!" singhal na nito na agad namang nagpasunod sa nagmamaneho.
"What's going on?" taka paring tanong ni Cliff ng nalagpasan na namin ang tulay. Atubili itong nagmaneho at hindi na malaman kung san na patungo.
"That car has been following us since we left the school." sagot naman nito na nakapako parin ang mga mata sa rearview mirror.
"What now?" agad na tanong ni Clifford na hindi na alam kung saan pupunta at manaka-naka narin natingin sa rearview mirror.
"Just drive straight! Ihinto mo sa hindi masyadong matao na lugar." utos nito.
Nagumpisa na akong kabahan. Walang nakakaalam sa amin kung kaninong sasakyan iyun. Ni hindi din namin alam kung anong dahilan ng pagsunod nito sa amin.
Mukhang ganun din si Clifford na tumitingin-tingin sa sideview mirror sa kanyang kaliwa. Tiningnan ko ang nasa bandang kanan ko. There's the Honda Civic. Hindi ito ganun kalayo sa amin.
"Turn left on the corner." utos ulit ng nasa likod na agad sinunod ni Cliff.
"Shit!" mura ni Cliff ng mapansin na kumaliwa din ang nakasunod na sasakyan.
YOU ARE READING
LOVELY MESS
General FictionHunted by her past, Fhilea ended up in a university back in the Philippines. Thinking that she could start over with a clean slate, she went back to her studies at Aberdale University. A University located in a place where two families rule. Startin...