Mindy (POV)
I received a text from Dad that he already have the results. I asked him if he could update me about Fhilea's score for Midterm. We talked about it at home and since he wants me to go to his office, I'm pretty sure he already have it.
I am on the last block when I bumped into Clifford. Nakangiti itong lumapit sakin kaya hindi ko na din siya napigilang ngitian din.
"What's up, Mind?" bati niya nang huminto sa harapan ko.
"I'm going to Dad's office to see Fhilea's score." balita ko sa kaniya na alam kong tunog excited na naman.
"Wow! That's cool! Balitaan mo ako ah!" anito na nangingiti.
"Isn't it your vacant?" takang tanong ko rito pagkasipat sa relo.
Pareho ang schedule namin nito every Tuesday kaya ganun na lamang ang pagtataka ko na mukhang hindi ako nito masasamahan kung sakali.
Naiiling naman ito bago ako sinagot,
"I want to join you but graduating students will be having a debate on our sociology class and our professor wants us to be there. You know, to be familiarize." mahabang paliwanag nito na mukhang nanghihinayang pa na hindi ako masasamahan.
"Oh! I tell you later then." ngiwing sagot ko lang sa kaniya.
"I have to go. Don't forget to tell me huh!" pahabol nito at tinalikuran na ako.
I choose to continue walking until I reached Dad's office. I was about to knock when the door just open and his secretary went out. Nginitian ko ito at agad naman itong umalis.
"Hija!!" bungad sakin ni Dad ng makapasok ako. Hinila nito ang drawer na nasa ilalim ng kaniyang lamesa at may kinuha doon na brown envelope.
Mabilis akong naupo sa silyang nasa harapan niya at nagabang na lamang na iabot niya sakin iyon.
"How is it?" hindi ko napigilang itanong sa sobrang excitement. Napangiti lamang ito at inabot na lamang sa akin ang envelope.
Tinitigan ko pa siya bago nagiwas ng tingin at buksan ang envelope na nasa kamay. Masusi ko itong tiningnan at napalaki na lamang ang mata ko ng makita ang lahat ng resulta doon.
"She aced all of it. Without one wrong answer." anas ni Dad na manghang-manghang nakatingin sa papel na hawak ko.
"Why do you want to know that anyway?" manaka'y tanong nito ng mapansin na tulala parin ako.I cleared my throat as I look at him.
"Just wanna know Dad if the notes been helpful." nangingiting sagot ko sa kaniya. Napailing ito saglit at natawa.
"She don't need that actually. Well, for refresher maybe but as far as I know her, she don't really review before any exams." nakangising paliwanag ni Dad.
"How I wish I can be like that." I hopelessly stated that make Dad laugh.
"I never question your grades, hija! As long as you're learning, that's okay with me." natatawa pang sagot nito.
"But hers is different Dad! It's like, lahat ng bagay madali sa kaniya. Parang lahat.. alam na niya eh." napapanguso ko pang reklamo rito.
Napahalakhak na lamang si Dad habang nasasaksihan akong nagmamaktol.
"You want to watch a debate, hija?" ilang sandali pa'y tanong nito.
Agad kong naalala na baka ito rin ang debate na panunuorin ni Clifford kaya agad naman akong napatango.
Binalik ko ang tangan na papel sa loob ng envelope at pinatong ito sa lamesa ni Dad. Pansin ko itong tumayo at naglakad patungong pinto.
"Where will it be anyway?" tanong ko ng makatayo at sumunod sa kaniya palabas ng pinto.
YOU ARE READING
LOVELY MESS
Fiction généraleHunted by her past, Fhilea ended up in a university back in the Philippines. Thinking that she could start over with a clean slate, she went back to her studies at Aberdale University. A University located in a place where two families rule. Startin...