Chapter 83 Rifle's Bitch

24 1 0
                                    

Vlad ( POV )

"Are you ready?" tanong ko sa kapatid ng makitang pababa na ito ng hagdanan.

Mabilis itong tumango at pasakay na sana sa Driver's seat ng pigilan ko ito.

"Ashley will join us." alangan kong wika at nilingon ang likod. "Hi" bati ng babae kay Clifford. Kunot noo naman itong tumango-tango na lang at pumwesto na din ito sa likuran.

Ashley call me last night and asked kung pwede siyang makisabay. She even mentioned if we could get back together and worked it out which I hesitantly agreed with. Though I made it clear to her that if it doesn't work, wag na namin pilitin at tinanggap naman nito iyon.

It's our outreach program. It was scheduled today at ang usapan ay magkikita-kita na lamang kami sa labas ng Campus. Mindy took care of the Van. Siya na din ang nag asikaso lahat ng pwedeng dalahin para sa mga bata. Tinulungan namin ito si Clifford, Antoinette at Gladys.

Nakakahiya nga na ang ambag lang namin ay pera. Nagtanong naman ako kung anong pwedeng itulong ngunit tumanggi naman ang mga ito at sabing kaya na naman daw nila. Tahimik akong nagmaneho at ilang sandali pa ay nasa parking space na kami ng school.

Karamihan sa kanila ay nanduon na at mukhang kami na lamang ang hinihintay. Nakatambay ang mga ito sa labas ng Van at mukhang may hinihintay pa. Agad kong kinuha ang bag pack na nasa trunk ng sasakyan at mabilis na ipinasok ito sa loob ng Van.

"Me, Clifford and Fhilea will be at the back." anunsiyo ni Mindy na nakatingin sa piraso ng papel. "Next row will be Antoinette, Gladys and Ashley?" alangang tanong nito at tiningnan si Ashley.

Napalingon sa gawi ko si Ashley at manapay napatango na lang. "Maluwag tayo since wala si Rwanda." anunsiyong muli nito.

"Ken will be driving so who's with him? Kaw na lang?" tanong nito sa akin na nakapatong sa ilong ang ballpen.

"Ako na!" suhestisyon ni Brad at agad naman umupo sa unahan.

"She's here!" wika naman ni Ken. Sinundan ko ang tinitingnan nito at na si Fhilea iyon. Papalapit ito sa amin sakay ng kaniyang Skateboard. Naka hoody lamang ito at itim na pantalon at tinernuhan ng sneakers na as usual, PUTI. Hawak hawak niya sa isang kamay ang bag pack na itim din.

"Wow! It's fix?" nangingiting bati ni Clifford rito na nakatingin sa Skateboard ng babae. Tinanguan lamang siya nito at mabilis na nilingon si Mindy.

"Where shoud I sit?" aniya animoy pagod na pagod. Itinuro ni Mindy ang magiging pwesto nito at wala pang ilang segundo ay nauna na itong pumasok sa Van at umupo sa dulong bahagi katabi ng bintana.

Agad naman nagsisunudan ang iba at ilang sandali pa ay pinainit na ni Ken ang makina.

"Do you want me to play some music, Princess?" nakangiting tanong ni Brad at nilingon si Fhilea sa pinaka likod. "I'm going to sleep." tipid na sagot ng babae at agad tinalukbong ang hoody ng suot na jacket sa mukha. Kibit balikat lamang ang naging tugon nito sa inasta ng babae.

Ken and Brad is having conversation sa unahan at nagulat na lamang ako ng lumipat si Ashley sa tabi ko sa may gitna. Nilingon ko ang iba at maging ang mga ito ay parang si Fhilea na nagtakip din ng mukha at mukhang magsisitulog din.

Aabutin ng mahigit dalawang oras ang biyahe sa aming pupuntahan. I'm not familiar to the place. Maging ang lahat ay ganun din ngunit alam ni Ken ang daan papunta doon. Ilang sandali pa ay hindi ko din namalayan na nakatulog din ako sa biyahe.

Gulat na lamang ako ng marahan akong tinatapik ni Ashley sa braso para magising. "We're here" mahinang wika pa nito at tipid na ngumiti.

Mabilis kaming nagsibabaan ng Van. Sinuyod ko ng tingin ang buong paligid at mukhang nasa gitna kami ng kagubatan. Puro talahiban ang unang bumungad sakin. Paglingon ko sa kanan ay may isang malaking bahay na aakalain mong eskwelahan sa itsura nito.

LOVELY MESSWhere stories live. Discover now