Fhilea (POV)
"Ate!!" panggi-gising sa akin ni Bernie. Dahan -dahan akong nagmulat ng mata at napabaling sa wall clock. 8am.
"B-akiit?" naguunat kong tanong sa bata na prenteng nakaupo sa may kaliwa ko at nakamasid lang sa akin.
"Sila Inu Yasha kanina pa galit sa baba." pamamalita nito sa akin. Napangiti ako sa sinabi niya. It's funny how kids can be exaggerated sometimes. Rinig kong tumatahol lang naman ang mga aso sa baba pero para sa kaniya, galit na ang mga ito.
I tap his head at sinimulan ng bumangon. Dumiretso ako sa banyo at maya maya pa ay niyaya ko na siyang bumaba.
Nasa huling baitang na kami ng hagdanan ng marinig kong may nag door bell. Kunot noo akong napatingin sa labas at pasimpleng sinulyapan ang salamin na bintana.
Hindi kita mula sa loob ang tao sa labas kaya napakibit balikat na lamang ako. Baka isa na naman sa magkapatid na Kitton ang naroon, pipiliin kong paghintayin sila.
Nagtungo kami ni Bernie sa may kusina at tinimplahan ito ng Milo at hinalo sa koko krunch na siyang paborito niya. Saktong paglapag ko nito sa harapan niya ay siyang pag tunog muli ng door bell.
'Who the F!?' asar na isip ko.
Iniwan ko sa counter ang ginawa kong kape at nagsimulang naglakad patungong labas.
"Ubusin mo yan at wag kang lalabas ah!" bilin ko dito at sinagot lang ako ng "opo".
Dumiretso ako sa gate at ng buksan ko ito ay tumambad sa akin ang tatlong unipormadong pulis. Kunot noo ko silang tiningnan isa isa at nagulat na lamang sa nagkaluskos sa aking likuran. Tiningnan ko ito at hindi ako nagkamali na ang mga alaga kong aso na nagpupumilit lumabas.
"Sentar!" sigaw ko sa mga ito at agad namang nanahimik.
Tiningnan ako ng isang pulis mula ulo hanggang paa at napansin kong napalunok ito. Hindi naman ako nakapantulog. Walang kahalay halay sa suot kong malaking T shirt na hanggang sa tuhod ang haba. Problema nga lang, nakalimutan kong mag bra.
'Perv' anang isip ko at diretso siyang tiningnan. Mabilis na nagiwas ito ng tingin at napakamot sa kaniyang ulo.
"Goodmorning po Miss, SPO1 Jeason po ng presinto otso." pakilala ng kalalapit lang na pulis at naglahad ng kamay na mabilis kong inilingan. Alanganin nitong binawi ang kamay at napangiti na lamang.
"Ahmmm.. Nakatanggap po kasi kami ng report kaninang alas sais ng umaga. May isa po kasi kayong kapit bahay na lumabas ng ganung oras para magwalis. Hindi nga lang po natuloy dahil may nakita po siyang mga dugo sa kalsada malapit sa bahay ninyo." mahabang litanya nito.
Nangunot ang noo ko sa narinig. Matiim ko itong tinitigan bago nagtanong.
"Dugo? May bangkay?" wala sa mood kong tanong rito. Napakamot ito sa kaniyang batok at naiilang akong tiningnan.
"Yun nga po eh! Wala pong bangkay na natagpuan pero nasisigurado po naming dugo ito ng tao." paliwanag nito na animo hirap na hirap magpaliwanag.
"Eh anong kinalaman ko?" sarkastiko kong tanong sa kanila. Ramdam kong nilibot nila ako ng tingin mula ulo hanggang paa kaya taas kilay ko silang tiningnan at nagsalikop ng braso sa may dibdib.
"Eherm. May cctv po kasi Mam na naka assigned diyan sa may kanto." anito at tinuro ang camera sa may kaliwa ko. Kung titingnan, nasa magandang pwesto ito kung saan makukuhaan ang buong lugar.
'Anong konek?' anang isip ko.
Hinintay ko ulit siyang magpaliwanag at hindi naman ako nabigo.
YOU ARE READING
LOVELY MESS
General FictionHunted by her past, Fhilea ended up in a university back in the Philippines. Thinking that she could start over with a clean slate, she went back to her studies at Aberdale University. A University located in a place where two families rule. Startin...