Mindy(POV)
Bakas parin sa mukha ni Marcus ang gulat. Nanatili itong nakatingin sa pinto na nilabasan ni Fhilea. Animo nakikita niya parin dito ang babae. Biglang nagbago ang naging ekspresyon nito ng mapansin na lahat ng tao sa cafeteria ay nakatingin parin sa kaniya.
"What the hell are you looking at!!?" sigaw nito na akala mo tigreng galit na galit. Nilibot ko ng tingin ang lahat ng tao, lahat ata ng mga ito ay napatigil sa naging eksena kanina. Madaliang nagsibalik ang mga ito sa kanilang ginagawa sa naging pag sigaw ni Marcus.
Ramdam ko ang paghila sakin ni Clifford papuntang counter.
"Bumili ka na ng pagkaen natin, hahanapin ko si Fhilea." anito ng tingnan ko siya."Saan ko naman dadalhin?" tanong ko dito. Hindi naman namin alam kung saan ito dinala ng kuya niya.
"Sa field na lang." sagot nito at agad naman akong tumango. Umalis na ito at dumiretso naman ako sa counter na may estante ng pagkaen. Umorder ako ng aming makakaen. Pansin kong nagsidatingan ang iba pang bata ni Marcus kaya madali akong lumabas ng Cafeteria.
Fhilea is so brave. Nagawa niyang ipahiya si Marcus sa harap ng maraming tao. Wala pang nakakagawa dito nun, bukod tanging siya lang. Minsan iniisip ko kung paano niya ba nagagawang umakto ng ganun. Saan ba niya nakukuha lahat ng tapang niya at yung lakas ng loob. Yung sana ako, meron din. Hindi ko maiwasan na hindi makaramdam ng inggit. Kung gaano siya ka confident, na parang sisiw lang lahat sa kaniya.
'How I wish She's my sister!' pananalangin ko.
I am making my way on the quadrangle ng may marinig akong naguusap sa may bench sa gilid.
"Do you know the new girl?" wika ng isang babae na kung hindi ako nagkakamali ay mga graduating students. "Yeah. She just snapped Marcus!" sagot naman ng isang kasama nito. "Goodluck na lang sa kanya." maarteng wika naman ng isa pa.
'Goodluck din sa Marcus nyo!' asar na bulong ko at inirapan sila.
Malapit na ako sa field ng makakasalubong ko si Vladimir Kitton. Hindi maipinta ang mukha nito. Dire-diretso lang ako nitong nilagpasan.
'What happened?' tanong ko sa isip ko. Mukhang nanggaling ito sa field. Doon din siguro nito dinala si Fhilea kanina.
Naabutan ko si Clifford at Fhilea sa paborito nitong puno.
"I brought us food!" paga-announce ko. Tinanguan lang ako ni Clifford, yung isa naman, parang wala lang narinig na naka Indian sit sa paanan ng puno.
Maingat kong nilapag ang dala kong pagkaen. "Let's eat?" nagaalangan kong tanong. Agad na kinuha ng babae ang burger na para sa kaniya. Binuksan niya ito at agad na isinubo. Maang kaming nagtinginan ni Clifford sa naging asta ng babae. Naiiling naman si Clifford at hindi napigilang magsalita.
"Hey! Slow down!" pagaawat nito.
"Kung gusto nyo na umayos ang mood ko, LET ME EAT!" malamig na wika nito.
Naalala ko ang sinabi sakin ni Magnus noon tungkol sa kaniya. She gets grumpy when she's hungry. Mukhang ito din ang dahilan kung bakit nasagot niya si Marcus kanina.
'Hangry Princess' natatawang bansag ko.
Wala pang tatlong minuto ay naubos niya na agad ang burger habang kami naman ni Clifford ay maguumpisa palang. Pansin kong mabilis talaga itong kumaen. Sa tuwing nakakasabay ko ito, ay lagi siyang nauuna.
She made a loud... burffffff. Agad kaming napalingon sa kaniya. Hinihimas-himas pa nito ang kaniyang tiyan. "Thank you,lord!" pasasalamat pa nito na tumingala saglit sa langit. Natawa si Clifford sa naging gawi niya, agad naman siya nitong nilingon na nakakunot ang noo. Nagkibit balikat naman ang isa. Napabuntong hininga na lang si Fhilea at tiningnan kaming dalawa.
YOU ARE READING
LOVELY MESS
General FictionHunted by her past, Fhilea ended up in a university back in the Philippines. Thinking that she could start over with a clean slate, she went back to her studies at Aberdale University. A University located in a place where two families rule. Startin...