Chapter 41 'Ally'

50 5 0
                                    

Vlad (POV)

"Hon! It's okay!" nakangiting wika ni Ashley sakin. 

"Are you sure?" naiilang na tanong ko sa kaniya. Tumango tango ito at hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa lamesa. Marahan niya itong pinisil at mas nginitian ako ng matamis. 

"Nawawalan na din naman ng silbi yung driver namin!" sagot nito na natatawa pa.

Kinausap ko siya tungkol sa mga mangyayari sa susunod na mga araw. Sinabihan ko siya na medyo hindi ko muna siya maihahatid at sundo minsan dahil kailangan kong bantayan si Clifford. She's quite aware of what's happening kaya magiging apektado ito. Hindi na naman ako nagaalala sa kalagayan ngayon ni Clifford dahil kasalukuyan itong nasa eskwelahan.

Wala kaming pasok pareho at nakapag decide ako na kausapin na siya patungkol doon. Sinamahan ko siyang mamili ng mga kakailanganin niya at nang napagod ay nagpasya kaming kumaen muna. Nabanggit ko na nga ang tungkol dito at laking pasasalamat ko ng maunawaan naman niya.

"I'm glad you understand." wika ko at hinalikan ang kaniyang kamay. Napangiti naman ito. "That's your brother! He's your responsibility." sagot niya at hinawakan ang mukha ko. 

It's one of the reason why I like her. She's not the type of girl na magmamaktol agad pag hindi nasunod ang gusto. She's always understanding. Ni hindi ito nagdedemand ng kahit anong marangyang bagay. Kung sabagay, isa ito sa mga nagustuhan ko sa kaniya. Kilala siya sa pagiging friendly at mabait. I'm so lucky to have her though. 

Nasa ganun kaming tagpo nang mag ring ang cellphone ko na nakapatong sa lamesa. It's Brad. Dedeadmahin ko na sana ito ng mapansin din ito ni Ashley. 

"Answer it!" natatawang wika nito. Napansin siguro niyang wala akong balak sagutin. "It might be important!" pamimilit niya pa. Atubili man ay kinuha ko ang cellphone at pinindot ang answer button.

"What the hell Brad!?" angil ko sa kabilang linya. Napansin ko naman na nangingiting umiling si Ashley sa naging bungad ko.

"Can't you even say hello?!" sagot naman ng nasa kabilang linya. Mas lalong nangunot ang noo ko sa tono ng boses niya. Animo iritable itong napatawag.

"What is it?" tanong ko na lamang. 

"Ken had a date with Fhilea!" dismayadong wika nito. "And?" kunot noo kong tanong. 

"And this asshole is not even sharing what they'd talk about!" asik nito. Mukhang katabi niya lamang si Ken dahil narinig ko pa ang pag tawa nito sa kabilang linya. Bahagya akong napaisip, 

The last time I saw Ken was yesterday. I remember he's with Fhilea nung nagkaklase kami. Di ko naman maisip na date matatawag iyun dahil bukod sa nabasa ko ang text niya Kay Clifford na inallergy ito, nabasa ko din na may 'baby' sa text na iyun. Kaya impossible. Maybe Brad is just overreacting.

"Is that all?" iritable kong tanong sa kaniya. Rinig ko ang pag buntong hininga nito. "She will watch our game this weekend." wika nito. 

"What!?" gulat kong tanong. 

Naalala ko na minsan na itong niyaya ni Brad pero hindi ito pinaunlakan ng babae. Pero nung si Ken na ang nangyaya ay pumayag ito?

'There must be something' anang isip ko sa biglaang pagbabago.

Nangunot ang noo ni Ashley sa naging reaksyon ko. 

"Let's talk about that later, have you seen Clifford?" pagiiba ko ng topic. 

"Not yet!" sagot naman agad nito. "Kita na lang tayo mamaya!" sagot ko at tinapos na ang tawag. 

"May bibilhin ka pa ba o gustong puntahan?" tanong ko kay Ashley at sinipat ang aking relo. Agad naman itong umiling pagkasulyap sa mga naka paper bag na aming pinamili.  "I have everything I need! Thank you!" pasasalamat nito.

LOVELY MESSWhere stories live. Discover now