Chapter 43 Dab Chick

57 5 0
                                    

Brad (POV)

Lahat ng manunuod ay nanahimik. Mukhang hinahanap nila ang pinang galingan noon at lahat ay nagpabaling baling sa kabi-kabilang direksyon. Nilingon ko ang lalaki na nasa gitna at diretso itong nakatingin sa babae sa aming likuran. Tiningnan ko rin ang ibang manunuod at lahat ng ito ay mukhang sinundan ang kaniyang tingin. Nilingon ko ito at hindi nga ako nagkakamali na kay Fhilea nga sila nakatingin. Mukhang sa kaniya nga nang-galing iyun dahil nakatutok sa kaniya ang megaphone at mukhang walang kaalam alam ito.

Lahat na ng manunuod ay nakatingin sa kaniya. Mukha naman itong walang pakilam na nilibot pa ng tingin ang buong paligid ng mapansin nasa kaniya na ang atensyon ng lahat ng manunuod.

Lumapit bahagya sa amin ang Star player ng kabilang grupo. Na may apelyidong 'Thomas' base sa jersey na suot nito. Tiningnan nito ang babae at maya maya pa'y napangisi.

"Was that you?" tanong nito kay Fhilea na nakangiti. Nilingon namin ang naturang babae at blangko lang nitong tinitingnan ang lalaki sa harapan.

"You said I'm a GAY?" paguulit ng lalaki nang hindi siya sagutin ni Fhilea. Rinig kong napabuntong hininga ang babae at nginisian ang lalaki.

"Yeah. Aren't you?" sagot nito sa lalaki na kinasamid ko at ng buong ka-team ko. Nilibot ko sila ng tingin at animo nag pipigil lang ng tawa ang mga ito.

'Here comes Fhilea' anang isip ko.

Napangisi naman ang lalaki at lumapit pa ng konti sa pwesto namin. Nagpameywang itong tumayo sa harap ng babae at ngumiti.

"What makes you think I'm gay?" tanong nito na may nakakalokong ngiti.

Kiniling ni Fhilea ang kaniyang ulo at hinawakan ang megaphone,

"What makes you think you're not?" balik tanong nito sa mas malakas na tinig gamit ang megaphone.

I heard some of the audience snorted. Mukhang ganun din naman ang ibang nakarinig pa.

"Wooooh!" kantiyaw pa ng ibang nakarinig. Mabuti na lamang na karamihan na nasa pwesto namin ay mula din sa school. Kaya malamang natutuwa pa ang mga ito sa ginagawa ng babae.

"You're staring at him like you want to see him naked, so..-" wika nito na nilingon si Vlad at nagkibit balikat.

Pilit na tumawa ang naturang lalaki. Nangaakit nitong tiningnan si Fhilea bago nagsalita,

"Do you wanna play with me?" tanong nito sa babae na may bahid ng panlalandi.

"Are you Zach Lavine?" tanong ulit ng babae gamit ang megaphone. Sinulyapan ko si Clifford at maging ito ay nagpipigil na lang din ng tawa.

"No!" sagot ng lalaki na mukhang wala pa yatang alam kung sino ang tinutukoy nito.

"Then NO!" kibit balikat na sagot lang ng babae at nagiwas ng tingin.

Malakas na tumawa ang lalaki at nilibot ng tingin lahat ng manunuod. Animo nanghihingi ito ng simpatya sa nagawa sa kaniya ng babae.

"This girl right here, says I'm a gay!!!" sigaw nito sa crowd.

"Shoot!" "Shoot!" "Shoot!" "Shoot!" sagot ng crowd sa sinabi niya.

"Shoot!" "Shoot!" Shoot!" "Shoot!" "Shoot!" "Shoot!"

"Whats that mean?" taka kong tanong kay Coach at hinintay ang magiging sagot nito.

"That's a challenge!" sagot naman nito na naiiling pa. Nilingon ko ulit si Fhilea at taas kilay itong nakatingin sa lalaki na nakangisi. Si Clifford naman ay naiilang sa atensyon na nakukuha nila habang ang batang Montejo ay mukhang kararating lang mula sa kung saan. Kunot noo itong tumingin sa paligid at narinig ko pang nagtanong ito kay Clifford kung anong nangyayari.

LOVELY MESSWhere stories live. Discover now