Chapter 56 Smoldering Face

48 2 0
                                    

Clifford (POV)

Pasimple ko siyang nililingon habang nakatingin sa harapan.

'Something's wrong' anang isip ko sa nagiging asta niya.

I'm checking out Fhilea and I noticed that there's something that bothers her. She's a quite type but this one looks different. Hindi na natanggal ang mariin niyang titig sa lahat ng kaniyang tinitingnan. Wala din ni bakas ng amusement sa kaniyang mga labi kahit nakakatawa ang nangyayari sa may harapan.

Gusto kong isipin na normal na ganito siya pero may iba akong pakiramdam. This is not something na pwede ko siyang matanong dahil sigurado akong hindi rin naman ito sasagot.

Pasimple ko siyang sinulyapan at mula kanina ay seryoso lang itong nakatingin sa harapan. Prente itong nakasandal at nakasalikop lamang ang mga braso sa kaniyang dibdib.

"You okay?" diko napigilang itanong.

Sinulyapan lamang ako nito saglit at binalik din sa unahan ang tingin.

"Yeah. Why?" simpleng sagot lang nito.

"Seems like you're not enjoying what's happening in front?" kibit balikat kong tanong sa kaniya.

Saglit itong napabuntong hininga at nilingon ako. Tinitigan ako nito bago nagsalita,

"Who would enjoy that? First one is yelling. Second is crying. Third? God! Feels like there's something that was pulling his ass from behind. D'you guys even screen them?" mahabang lintanya nito.

I snort. God knows how hard I tried not to laugh real hard with her answers. Ganun na lamang din ang gulat ko ng humagalpak ng tawa sila Mindy at Brad sa may gilid niya. Si Ken naman ay nangingisi lang at amuse na nakatingin kay Fhilea. Naiiling na lamang ako.

"Fhilea! That's rude!" natatawang wika ni Mindy sa kaliwa nito.

Walang emosyon siyang nilingon ni Fhilea. Nagkibit balikat lang ito at ibinalik sa unahan ang paningin.

"I'm rude." simpleng sagot lamang nito at muling sinandal ang likod sa upuan.
Kunot noo akong tiningnan ni Mindy na animo nagtatanong kung bakit ganun ang inasta ng babae. Nagkibit balikat lamang ako at sumenyas na wag na lamang pansinin. Nakuha naman nito ang gusto kong iparating kaya binalik na lamang niya ang tingin sa harapan.

Nagpatuloy ang patimpalak at mistulang naging concert ang auditorium ng sumali ang isang 3rd year student na mukhang kilalang kilala sa school.

"Avery!!!! Avery!!!! Avery!!!! Avery!!!"

Sigaw ng lahat ng naroroon. Tinuon ko ang paningin sa entablado at doon naglakad ang akala mo model na magandang babae. Animo rumarampa ito sa isang fashion show ng huminto sa gitna. Nagsihiyawan ang mga tao ng hawakan na nito ang mikropono.

Napansin kong umayos ng upo si Fhilea sa gilid ko at nagsalumbaba na tumingin sa unahan. Mukhang nakuha ng babae sa harapan ang atensyon niya. Pumailanlang ang isang tugtugin na madalas kong marinig sa kalsada. Kasabay nito ang hiyawan ng mga manunuod. Bahagyang nanahimik ang mga ito ng sinimulan na ng babae ang intro ng kanta.

🎶 Pasensya na.. Kung papatulugin na muna.. Ang pusong napagod.. Kakahintay.. 🎶

Nilingon ko ang babae sa gilid ko at napakunot noo ako ng mapansin ko itong napapikit. Mukhang ninanamnam niya bawat liriko ng awitin. Nagulat naman ako ng bigla siyang dumilat kaya agad akong nagiwas ng tingin.

Marahas itong napasandal sa kaniyang upuan na siyang kinagulat ni Mindy.

"She's good." wika ni Mindy at nilingon si Fhilea. "Don't you think?"

LOVELY MESSWhere stories live. Discover now