Chapter 73 Reborn

49 1 0
                                    

Rwanda (POV)

Evilly cute!

That's the only word I can describe her. I look at her again and she's now back on her pokerface.

I accepted the test paper without looking at our professor. I make myself busy looking at Fhilea na aburido sa kaniyang katabi. She looks like a normal girl in my eyes. To everyone's eyes to be precise.

I take a glimpse on the sheet of paper and so sure I can answer all of then in no time. Nilingon ko ulit ang babae at nakayuko na ito sa kaniyang papel.

I just stare at my paper for a few minutes until the memory of what happened two weeks ago bring back again.

Nanghihina kong kinalampag ang pintuan ng clinic. Laking pasasalamat ko na ang lahat ng estudyante ay nasa kaniya-kaniyang mga classroom at wala masyadong makakapansin sa paghihirap na dinaranas ko ngayon.

Muli ang paghampas ko sa may pintuan at nakahinga ng maluwag ng ito'y bumukas. Nakangiting mukha ng magandang babae ang bumungad sa akin na agad din namang nawala nang makita ako.

Mabilis ako nitong dinaluhan at inakay patungo sa upuan sa harap ng lamesa. Bakas sa mukha nito ang pagaalala nang tiningnan ako.

"What are you feeling?" mahinang tanong nito.

"I'm looking for Serena." bagkus ay tanong ko. Kita ko ang gulat sa kaniyang mga mata at manaka-nakay nililingon ang paligid.

"Who asked you to come here?" bakas parin ang pagtataka sa kaniyang mukha.

Nagtataka man sa kaniyang inasta ay nagawa ko pa siyang sagutin.

"Fhil....ea" nanghihina kong sagot. Mas lalong nangunot ang noo nito at mabilis akong tiningnan mula ulo hanggang paa. Napaungol ako sa sakit nang mahawakan nito ang aking braso.

Agad naman niya itong tiningnan at napamura sa kaniyang nakita. Rinig ko pa itong umangil at sandaling lumayo para may kunin sa drawer ng lamesa at napagtanto kong cellphone iyon. Sandali itong nagpipindot doon at agad na nilagay sa kanang tenga niya.

Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya sa kausap dahil sa sobrang sama ng pakiramdam ko. I feel so weak. My eyes will shot any minute now but I keep my eyes on her. It feels like my spine is not cooperating anymore dahil kita kong dahan dahan akong natutumba sa aking kinauupuan at nagpasalamat na lamang na mabilis akong nasalo ng babae gamit ang kaliwa niyang braso.

Tangan parin nito ang cellphone sa kaniyang tenga at may galit na maipipinta ang mukha. Ilang saglit pa ay binulsa niya iyon at gulat akong nabuhat nito sa kaniyang likod.

Isipin ko man kung paano niya nagawa iyon, ay siya namang pagdilim ng paningin ko.

I heard a commotion from the distance. I am sure that it is a girl base on their voice. She keeps on cursing for some reason kaya dahan-dahan kong dinilat ang aking mata.

What prompted me is a colored white ceiling. In the middle of it is a dim light bulb. I tried to move at nagulat na lamang nang maigalaw ang katawan ng medyo maayos. I still feel so weak but I can manage to move now not like before. I feel light. Clean. Cured maybe?

Kunot noo akong bumangon at tiningnan ang paligid. I am inside a room. Sa bandang kanan ko ay ang pinto at kahilera naman nito ang salamin na bintana kung saan may dalawang babaeng naguusap.

Nasisiguro kong ang nakatalikod na isa ang tumulong sakin base sa tindig at buhok nito. Tanging mata nga lang ng isa ang nakita ko dahil nahaharangan siya ng babaeng nakatalikod.

LOVELY MESSWhere stories live. Discover now