Clifford (POV)
Lihim akong natatawa sa naging itsura ni Kuya. No one could really get into his skin maliban kay Fhilea. Though minsan napipikon din ito sa akin maging kay Brad at Ken pero iba ang pikon nito pag dating sa babae.
Fhilea is just being herself pero iba ang dating nito sa kaniya. Kahit marinig lang ang pangalan nito ay automatic na kukunot ang kaniyang noo at magbabago and mood.
Inalis ko ang tingin sa kanila at inilipat kay Rwanda. Iritable itong naglalatag ng papel sa lamesa ng kanilang booth para sa gustong magparehistro sa kaniyang contest. Halos kalahati ata ng kalalakihan ang sumali sa kaniya.
'Yeah. It's not this exciting last year!' sang ayon ko pa sa sinabi ng isang babae kanina.
Marahil kala Brad o Ken kaya naging ganito pero hindi maipagkakaila na dahil din kay Fhilea.
Halos lahat ng lalaki ay dinig kong sasali dahil sa kaniya. Kesyo para malaman daw kung hanggang saan ang kakayahan nito o dahil babae daw kasi whatever that means.Napatingin ako saking relo at napansin na pasado ala una na ng hapon. Mabilis kong kinalabit si Mindy at ipinakita ang relo rito.
Gulat ang mukha nito at agad binalingan ang mga kasama.
"History Class!" anunsiyo niya na nagpasimangot kay Brad at kay Kuya.
Mukha namang walang alam si Ken sa nangyayari dahil ng magtanong ito sa naging reaksyon ng dalawa ay tinalikuran lamang ito.
Napailing na lamang ako at nangiti. Agad din naman akong sumunod kay Fhilea na nagpatiunang lumakad papunta sa susunod na klase matapos makapag register. Unti-unti din naman nagsihulasan ang ibang estudyante at nagpunta na sa kanilang mga pakay ng oras na yun.
"Do you think they will do it?" gulat ako sa pagbulong ni Mindy at umangkla pa sa aking braso.
Natawa naman ako sa sinabi niya kaya pinilit kong magkibit balikat na lamang. Ilang sandali pa ay nasa tapat na kami ng room. Prof is already there kaya agad din kaming pumasok. Like the usual, Fhilea sat at the back while we sat on the middle row. Sila kuya naman ay sa kabilang row sa likuran.
Brad used to sit with Fhilea kaya doon ito naupo sa tabi ng babae. Ilang sandali pa ay napuno na ang classroom ng mga estudyante sa klase na ito.
"I'm really sorry for putting you on hold guys!" panimulang paumanhin ng Professor. "But today, I decided to at least, make your life easier!" bawi nito at nginitian kaming lahat.
"I just want you to complete all the reports and research papers I assigned the entire semester. I know some of you are completed so all you need to do is get your grades and clearance narin." paliwanag nito at pinakita ang isang page ng papel.
"All the names are written here for those of you who have completed it. Pa sign na lang!" anito at binigay sa estudyante na nasa harapan ang papel. "For those who have not, you can complete it while we're here!" habol niya pa at abot muli sa isang pang papel.
Isa-isang naglabasan ng mga laptop ang ibang kaklase at kaniya-kaniyang mundo na ang mga ito. Habang ako naman ay hinihintay lamang ang papel na magdako sa amin at makapirma na.
Ganun din malamang si Mindy at Fhilea dahil hindi man lang sila kumilos at nasalumbaba lamang ang huli.
Inikot ko pa ang paningin at mukhang si Brad lamang ang nakita kong naglabas ng laptop sa grupo nila Kuya.
Marahil dahil ito sa naging issue niya ng nakaraan kaya medyo nahuli ito sa pagpasa ng mga kakailanganin.
"Gagawin ba talaga nila?" muling bulong ni Mindy sa akin. Nilingon ko ito at pasimple nitong tinitingnan si Kuya at Brad.
YOU ARE READING
LOVELY MESS
General FictionHunted by her past, Fhilea ended up in a university back in the Philippines. Thinking that she could start over with a clean slate, she went back to her studies at Aberdale University. A University located in a place where two families rule. Startin...