Mindy (POV)
I saw Fhilea walking out from the Cafeteria. Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko. We separate ways kanina at sigurado ako na hinanap nito si Marcus. From the moment she left ay nagtanong tanong ako about Marcus whereabouts. And from what I gathered, nasa Cafeteria raw ito na siyang nilabasan niya.
'Did they talk!?' tanong ko sa sarili ko. She is making her way to the field. She was always like that when she's pissed or feeling something bad. Gustuhin ko man siyang sundan at tanungin pero mukhang kailangan nito ng katahimikan.
'One of her rules, Mindy!' saway ko sa sarili ko. Hinabol ko na lamang siya ng tingin hanggang sa mawala ito sa paningin ko.
Laking gulat ko naman ng kasunod niyang lumabas sila Eugene at Paulo na bitbit bitbit si Aries?
"What happened?" diko naiwasang itanong sa estudyante na napadaan sa harap ko na naka sunod sa kanila. Kunot noo naman itong tumingin sa akin.
"Your new friend did that!" angil nito at umalis na.
'What?!' anas ko. I don't know exactly what happened but I do have this feeling that it was because of me. Hindi ko alam kung paano ako magre react sa nangyari. Hindi ko rin alam kung paano ko iisipin. Kung dahil ba sakin kung bakit niya nagawa yun, eh Hindi ko din naman alam kung anong nangyari sa kanila sa loob. Minsan iniisip ko kung tama pa ba yung distansya na hinihiling niya kung ganito din naman ang mangyayari.
My phone beeped. I checked it out to see and it is a message from Clifford.
Clifford: Pumasok ka na. We'll talk about it later.
Text nito na medyo nagpagaan ng loob ko. Hinahanap ko siya at nasa hallway lang ito ng Medicine building. Nakatingin ito sakin. Sumenyas agad ito na bilisan ko kaya napagpasyahan kong sumunod na lang. We will have our same class later, baka sakaling doon matanong ko man lang ang babae sa kung anong nangyari.
Napag desisyunan kong pumasok na lang. Walang naging laman ang utak ko buong klase kundi si Fhilea. Kung anong napagusapan nila, kung anong nangyari kay Aries, kung okay na ba ang lahat, kung hindi na ba namin kailangan umiwas. Mabuti na lang at may pinapagawa ang professor namin kaya ayos lang na hindi makinig. Malamang wala akong maisasagot kung magtanong ito.
Nasa ganun akong pagiisip ng may kumatok sa pinto, lahat kami ay napalingon doon.
Sumilip si 'Mang Oscar' sa may pintuan. Ang messenger ng school.
"Pinapatawag po si Ms. Mindy sa Admin's Office." wika nito.
Nagtataka man ay agad akong tumayo at nagpaalam kay Prof.
"Bakit daw kuya?" agad kong tanong kay Mang Oscar ng nakalabas na ako ng room. Nagkibit balikat lang ito. Mabilis akong nagtungo sa opisina ni Dad. Nagtaka naman ako na nanduon din si Clifford sa labas na mukhang gusto rin pumasok sa loob.
"What happened?" nagaalalang tanong nito ng nakalapit ako.
"Hindi ko rin alam." sagot ko lang sa kaniya. Hindi ko naman talaga alam. Mukha naman wala itong magagawa kaya napailing na lang.
"Fhilea is inside. Balitaan mo na lang ako. Please." bilin nito na agad kong tinanguan. Nilampasan ko na siya at pumasok na sa loob.
Blankong mukha ni Fhilea ang bumungad sa akin pagka bukas ko ng pinto. Sa tapat nito ay si Britney, Missy at Audrey. Sa harap naman ni Dad ay si Aries.
Naiilang akong pumasok sa loob dahil sa itsura ng tatlong babae. Feeling a bit guilty kasi ako ang may gawa noon. Lahat ng mga ito ay nakayuko na akala mo mga maamong tupa.
YOU ARE READING
LOVELY MESS
General FictionHunted by her past, Fhilea ended up in a university back in the Philippines. Thinking that she could start over with a clean slate, she went back to her studies at Aberdale University. A University located in a place where two families rule. Startin...