Ken (POV)
"Someone wants to know me!" anang babae pagkalapit ko. Ganun na lang ang naging gulat ko sa sinabi niya. Sinulyapan ako nito at napangisi.
Hindi ko naman alam kung papano ako magrereact sa sinabi niya. Ayokong isipin niya na tama ang hinala niya kaya nag isip ako ng pwedeng idahilan.
Naiilang akong ngumiti. Bahagya ko siyang nilapitan at tumingin sa kawali.
"I remember the line you used on Eugene. I'm just kinda wondering if it's bad or not?." palusot ko sa kaniya. Tiningnan ko siya at ngumisi naman ito. Hindi ko tuloy alam kung pinaniwalaan ba ang alibi na ginawa ko o hindi.
"What for?" tanong nito habang tinusok ang isang kulay orange na bilog at sinubo.
"Curiosity?" kibit balikat kong sagot. Nagulat na lamang ako ng bigla niyang inabot sakin ang pagkain na hawak niya.
"Feed your curiosity then!" anito at kumuha ulit ng plastic cup at tumuhog ulit sa kawali. Pinanuod ko siyang lagyan iyun ng orange ulit na kulay at hinaluan ng bilog naman na puti. Wala akong ideya kung ano yung mga yun pero mukhang sarap na sarap ito. Dahan dahan niyang nilagyan ng konting suka ito at hinaluan ng sawsawan na maraming sili. Napansin siguro nito ang pag mamatyag ko kaya agad akong nilingon.
"Hindi mo malalaman kung hindi mo titikman." wika niya na tiningnan ang hawak kong baso.
Nagaatubili man ay tinikman ko ito. Masarap. Kung hindi ako nagkakamali ay itlog ito ng pugo, hindi ko lang alam kung ano yung orange na nakabalot dito. Tinikman ko rin ang hugis bilog at hindi din naman masama ang lasa. Napansin ko siyang naglakad patungo sa gilid ng booth at sumandal sa hindi kataasang pader. Sinundan ko siya at gaya niya ay sumandal na din ako doon.
"So, how is it?" tanong nito ng nilingon ako. Binalingan ko naman siya ng tingin at agad na tumango.
"It's good. This is my first time eating this kind of street food. Dati nakikita ko lang to sa kalye ngayon, natikman ko na." sagot ko sa kaniya na hindi ko naiwasan mapangiti.
"So, masarap yung mata ni Eugene?" anito na kinaubo ko.
'What the hell?' anang isip ko sa babae. Hindi ko alam kung paano niyang nagagawang ipasok yung ganung bagay sa isang senaryo. Natawa naman ito sa naging reaksyon ko kaya agad akong napalingon. Tiningnan ko siya ngunit hindi man lang nagbago ang itsura nito. Ni hindi man lang umabot sa mata niya ang kaniyang ngiti. Hindi ko tuloy maintindihan kung totoong tawa ba iyun o hindi.
"There's some things na hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan." wika niya at sinulyapan ang kinakaen ko. "May mga bagay din naman na kahit bawal, hindi mo mapigilan." makahulugang wika nito na agad na kinakunot ng noo ko.
"What do you mean?" taka kong tanong sa kaniya. Ngayon ko lang siya narinig na nag tagalog. Maganda din palang pakinggan pag nagtatagalog siya.
"I'm allergic to quail eggs." anito na inubos ang laman ng kaniyang baso at ininom ang sauce nito. Hindi ko napigilan na mapangiwi sa ginawa niya. Napansin siguro nito ang pagtingin ko kaya napangisi na lamang ito.
"Then why are you still eating it?" takang tanong ko sa kaniya na kinakibit balikat lamang nito.
"I already have my medicine. I'll be dealing with this the whole day so iisa-hin ko na lang." sagot nito at kinindatan ako.
'Cute!' anang isip ko sa naging asta niya. Nangiti na lamang ako.
"Why did you come with me, anyway?" biglang tanong nito at nilingon ako. "Aside that it was your fault, accompanying me to School's clinic is actually enough." aniya nito at lumapit ulit sa kawali at kumuha na naman.
YOU ARE READING
LOVELY MESS
Ficción GeneralHunted by her past, Fhilea ended up in a university back in the Philippines. Thinking that she could start over with a clean slate, she went back to her studies at Aberdale University. A University located in a place where two families rule. Startin...