Eugene (POV)
'That bitch!' anang isip ko sa babaeng makakasalubong.
Diretso itong nakatingin sa daraanan na akala mo walang nakikitang tao. Hindi ko maiwasan hindi makaramdam ng pang gigigil sa tuwing nakikita ko siya. Sa tuwing inaalala ko lahat ng mga pagpapahiyang ginawa nito sakin ay umaabot sa langit ang galit ko. Maging si Marcus ay nagawa niyang ipahiya at miski ito ay nagulat sa kaniyang nagawa.
Alam sa buong eskwelahan kung sino at ano kami dito. Iniilagan. Kinatatakutan. At hindi ko lubos maiisip kong saan nakukuha ng babaeng ito ang tapang niya. Kung hindi lang sa mga naging kwento sakin ni Marcus ay malamang kung ano na ang nagawa ko dito sa babaeng ito. Pero sa tuwing inaalala ko ang naging paguusap namin ni Marcus nung araw na pinahiya niya ako sa quadrangle, at magkwento ito tungkol sa pamilya ng babae ay nagdadalawang isip ako.
"Urgh! Tangina talaga ng babaeng yun!!" sigaw ko at binato ang nahawakan kong bote sa pader. Dito kami dumiretso ni Aries at Paulo sa hide out namin.
"Ano ba sabi ni Montejo sayo?" tanong sakin ni Paulo. Tukoy siguro nito sa pagpunta ko sa Admin's Office matapos ang nangyari sa Cafeteria.
"Ewan ko ba dun sa matanda na yun! Tinanong ako kung ano daw ba ang ginawa ko ba't ako ginanun?! Tanga ba sya?? Bakit ko naman sasabihin!!???" nang gigigil kong kwento sa kaniya.
"Bilib din naman ako sa babae na yun ano? Malakas ang loob!" wika ni Aries na umiling iling pa.
"Sa tingin mo? Papayag ako na ganun lang!!??" galit na sigaw ko kay Aries. Natahimik naman ito.
"Pero mukhang may laman ang mga sinabi nya. Parang totoo na hindi mo maintindihan." komento naman ni Paulo na mukhang nagiisip.
Kung iisipin mo, may tama siya. Wala sa itsura ng babae na kaya niyang gawin lahat ng sinabi niya. Pero nung tiningnan ko ang mga mata nito ay nandun ang kakaibang banta. Hindi ko maiwasan hindi kabahan ng mga oras na yun. Nang hinampas niya ako ng tray ay masasabi ko pang lahat ng babae ay kayang gawin yun. Pero sa paraan ng pagbabanta niya? Iba. Imposible. Hindi kapani-paniwala. Hindi niya kayang gawin yun.
Dinampot ko ulit ang isang bote.
'Hindi ako papayag na hindi man lang makaganti!!!' gigil kong kumbinsi sa sarili ko bago ko ulit ibato sa pader ang bote.
"What's happening here!!?" galit na tanong ni Marcus. Tiningnan nito lahat ng nabasag na bote. Taas kilay itong tumingin sa akin na nagtatanong.
"Napalaban boss!" nagaalangang sagot ni Paulo ng hindi ako sumagot.
"Oh? Eh ano pang ginagawa nyo dito? Bakit hindi nyo pa puntahan?" takang tanong nito na tiningnan kami isa isa.
Nagtinginan si Paulo at Aries. Mukhang walang sasagot sa mga ito.
"Babae, Marcus!" nagpipigil sa galit kong sagot.
"Babae? Eh anong ginagawa nila Britney?" nangunot noong tanong ulit nito.
Malamang nagtataka na ito. Sa tuwing babae kasi ang napagtitripan namin ay kala Britney na lang namin pinapagawa.
"Hindi kinaya bila Britney boss eh! Umiiyak pa si Britney nun nung bumalik samin." pagkukwento ni Aries.
"Paanong?... May dapat ba akong malaman Eugene!!!????" galit ng tanong nito at tiningnan ako.
"Yun yung bagong estudyante na nang istorbo nung binugbog ko si Mark." panimula ko. "Pinaasikaso ko na kay Britney pero hindi din pala kaya ng 'Bitch' na yun!" dagdag ko.
YOU ARE READING
LOVELY MESS
General FictionHunted by her past, Fhilea ended up in a university back in the Philippines. Thinking that she could start over with a clean slate, she went back to her studies at Aberdale University. A University located in a place where two families rule. Startin...