Chapter 1

6.9K 127 4
                                    

DENNISE

"Ate Den." Sabi ng kung sino at kinakatok ang kwarto ko. "Ate Den, gumising ka na daw dyan sabi ni mama." Dagdag pa nito habang patuloy sa pagkatok sa pinto ng kwarto ko.

"Oo. Tatayo na!" Sagot ko lang dito pero nakapikit pa din ako.

"Dennise! May klase ka pa di ba? Ano hindi ka pa tatayo?" Ayan na po ang nanay ko. Minulat ko ang mata ko at tumingin sa orasan. Nagising ang diwa ko nang makita kung anong oras na. It is already 7:00 A.M. and I have my first subject at 8:00 A.M.

"Shit!" Mahinang bigkas ko. Tumayo agad ako sa kama at kinuha yung twalya ko. Bumaba ako at dumiretso sa banyo.

"Ayan! Sinasabi ko na nga ba sayong bata ka e. Maaga ka namang natutulog pero lagi kang nahuhuli sa paggising." Sabi ni mama pagkapasok ko ng banyo. "Ano bang meron yang kama mo at hirap na hirap kang tumayo?"

"Good morning din po ma." Sigaw ko mula sa loob ng banyo at nagpatuloy sa pagligo.

"Nako kang bata ka. Hindi ko na alam kung ano pang gagawin sayo." She frowned and I can feel it. Ganyan lagi si mama sa umaga kapag ginigising ako.

Ano bang magagawa ko e masarap matulog. Yung tipong pipikit ka lang tapos mawawala lahat ng iniisip mo at makakapagrelax ka pa.

Well, hindi din kasi alam ni mama na may trabaho ako pagkatapos sa eskwela. Kaya ang akala ni mama, hindi ako nagaaral pero ang totoo, kaya medyo late na akong gagraduate kasi, kokonting subject lang ang kinukuha ko para may oras magtrabaho kahit na scholar pa ako.

Ayaw niya kasi akong magtrabaho, sabi niya magaral lang daw ako. E, tatlo kaming nagaaral, wala naman yung magaling na asawa ng nanay ko. He left us when I was only 10 years old. Tapos si mama na yung nagpursigeng itaguyod kami. Kaya, I chose to be a working student. Ayoko din nang nahihirapan si mama. Kung ano-anong raket na nga ang ginagawa niya makahanap lang ng dagdag na pera panggastos namin.

Ga-graduate na din naman ako. After this semester, I will have my on-the-job training then graduation after. I am taking Bachelor of Science in Business Administration Major in Marketing.

Nagpatuloy lang ako sa pagligo at nararamdaman ko na nagaayos na si mama ng lamesa para sa aming almusal. Pagkatapos maligo, lumabas agad ako ng banyo at tumakbo pa-akyat ng kwarto. Baka masermonan na naman ako ni mama e.

We don't have uniform so, I chose to wear a simple dark skinny jeans, a plain pink v-neck shirt, and my doll shoes.

Bumaba din agad ako para kumain. "Ikaw Dennise, kailangan ka bang lagi na lang kinakatok sa umaga para magising ha?" Sabi ni mama pagkaupong-pagkaupo ko.

"Ma naman. Pagod lang ako kahapon kaya napasarap ang tulog ko." Sagot ko na lang dito at kumuha ng kanin.

"Saan ka naman napagod aber?" Patuloy ni mama sa pagsermon sa akin. Tinignan ko lang ito ang ngumiti. "Lalo akong tumatanda dahil sa iyong bata ka." Hindi na lang ako sumagot at nagpatuloy sa pagkain.

"Ate, kailangan ko po ng pera pambili ng project." Sabi naman ng bunso kong kapatid. Si Mosh. I just glared at him and stepped on his foot. Napa-peace sign lang siya sa akin. Sikreto nga kasi naming magkakapatid yung pagtatrabaho ko. Ako ang nagbibigay paminsan ng baon at pambili ng mga kailangan sa school sa mga kapatid ko.

"Oh e bakit ka sa ate mo nagsasabi?" Biglang sabi ni mama. Ayan na po. Malalagot talaga tong unggoy na to sa akin e.

"May extra pa naman kasi ako ma, kaya sabi ko kay Mosh na kapag may kailangan siya, sa akin siya magsabi para hindi ka na mapagod at magisip kung saan hahanap ng pambili ng ibang gamit niya." Pagpapaliwanag ko dito. Buti na lang lumusot at hindi na nagsalita pa si mama.

The Bachelorettes: The Sweet CharmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon