Chapter 30

3.3K 88 16
                                    

DENNISE

"Ate Jus! Ate Jus!" Sigaw ni Mosh pagpasok namin ng kwarto. Tumakbo din agad ito papasok sa mismong bedroom dito.

"Ang ingay mo unggoy." Sabi naman sa kanya ni Justine. "Ano ba yon at parang ang saya-saya mo?"

"Pina-drive sa akin ni Ate idol yung Bugatti Veyron niya!" Tuwang tuwa pang sabi nito.

"Oo nga pala. Ikaw bata ka saan ka natutong magmaneho aber?" Singit ko sa usapan nila. Piningot ko pa ng bahagya yung tenga ni Mosh.

"Aray ate." Sabi nito at humawak sa tenga niya. "Yung owner-type jeep nila Patrick pinagpapractisan namin."

"Aba't"

"Teka ate. Papa naman niya nagsabi na pagpraktisan namin yon. Para na din daw matuto si Patrick. Kaya nakisali na din ako." Pagpapaliwanag nito nang akmang babatukan ko naman siya.

"Sinasabi ko sayo Mosh ha. Isa pa, oo mabait si Alyssa sa atin pero bunso wag mo naman abusuhin." Sabi ko lang dito. Mahirap na din kasi. Alam niyo naman ang utak ng mga tao ngayon. Alam niyo din naman siguro kung ano ang pinupunto ko.

"Hindi ko naman inaabuso ate 'wag kang magalala. Kahit naman na ganon ako natutuwa sa mga sasakyan ni Ate Idol, alam ko naman limitasyon ko." Pagsisiguro sa akin ni Mosh at nag-thumbs up pa.

Ngumiti lang ako sa mga kapatid ko. Naiintindihan din nila siguro yung sinasabi ko. Sabay-sabay kaming napalingon sa pinto nang may kumatok. Binuksan ko agad iyon at isang babaeng staff dito ang nakita ko. May dala dala itong isang malaking box na kulay puti at binalutan ng kulay blue na ribbon.

"Ms. Lazaro para po sa inyo." Nakangiting sabi nito at inabot sa akin yung kahon.

"Kanino daw to galing?" Takahang tanong ko habang inaabot yung kahon sa kanya. Hindi siya sumagot at nginitian niya lang ako. Humakbang siya patalikod at ngumiti ulit bago tuluyan tumalikod at umalis.

Pumasok ako sa kwarto at inilapag yung kahon sa couch. "Wow ate. Kahon pa lang maganda na. Ano pa kaya yung nasa loob niyan?" Sabi naman ni Justine.

Binuksan ko yung kahon at may isang envelope ang nasa loob non. "Wear this dress for tomorrow's event my love. It will be perfect for a gorgeous lady like you. Goodnight. I love you to the moon and back hon. -ACV"

Napangiti na lang ako ng malaki nang mabasa yung sulat. Sa sobrang tamis ni Alyssa baka maging diabetic na ako. "Uy si Ate kinikilig. Galing kay Ate Idol to no?" Sabi naman ni Mosh.

Nakangiting tumango lang ako. Napansin ko naman na may kinuha pa si Justine sa loob ng kahon. May isang maliit na papel pa pala ang nakaipit doon. "Ms. Dennise Lazaro, your photo was sent to me by one of my closest friend. I made this dress just for you as requested by her. I hope you like it. Michael Cinco." Malakas na basa ni Justine at napatingin sa akin. "Ate! Gawa ni Michael Cinco yung damit na susuotin mo bukas?!" Sigaw pa nito.

"Oo? Sabi naman dyan di ba?" Takhang sagot ko dito.

"Oh my! Ate hindi mo ba kilala kung sino yon?" Gulat na gulat pang sabi nito. Dahan-dahan umiling ako. Wala naman kasi akong idea kung sino yon. I am not into fashion thing. Isa pa, paano ko pa maisisingit sa schedule ko yung panood at pagbabasa ng mga kung ano anong balita di ba? "You really are a stone age woman." Sabi pa nito. Lumapit sa ito sa akin at inabot yung papel. "He's the one who made Marian Rivera's wedding gown for pete's sake ate! Isa din siya sa mga sikat na designer! Jusko ka."

"Ano bang malay ko dyan. Alam mo naman na hindi ako nagbabasa ng mga tungkol dyan no. Isa pa, kasal na pala si Marian?" Takhang tanong ko pa dito.

The Bachelorettes: The Sweet CharmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon