Chapter 24

2.9K 80 3
                                    

DENNISE

"Denny!" Biglang sigaw ng kung sino. Teka isa lang ang kilala kong tumatawag sa akin ng ganon ah.

"Kimmy!" Sigaw ko nang makita ko kung sino yung tumatawag sa akin. Mabilis akong tumayo sa kinauupuan ko at tumakbo papunta sa kanya. Niyakap niya ako ng mahigpit. "Namiss kita!" Sabi ko pa.

"Namiss din kita. Lalong gumaganda ah." Nakangiting bati pa nito sa akin. Nagkibit-balilat lang ako at nag-flip ng buhok bilang sagot. Tumawa na lang siya sa ginawa ko. "Hindi na nagbago ano ba yan."

"Hindi naman talaga ako nagbago no. Sadyang hindi ka lang nagpapakita." Sabi ko pa dito na may himig nang pagtatampo.

"Sus, nagtampo pa." Sabi nito at kiniliti pa ako. Natatawang hinuhuli ko yung kamay niya.

"Isa Kim tigil." Natatawang sabi ko. "Halika ipapakilala kita sa mga boss ko." Dagdag ko pa at hinila siya papunta sa pwesto ng mga kaibigan ko.

"Ahem. Selos." Tikhim ni Ara pagdating namin ni Kim. Nilingon ko si Ella pero inginuso lang niya si Alyssa. Tumingin ako sa pwesto nito at ayon, busy siya pagkakalikot ng cellphone niya which she rarely does. Hindi niya kasi talaga madalas gamitin yung phone niya unless may kausap siya or malamang kapag magkatext at magkausap kami.

"Ah Kim mga boss ko pala. Actually kaibigan ko na din." Nakangiting sabi ko. "Sina Ella, Ate Fille, Mela, Jia, ate A, ate Gretch, Ara, Bea, at yung busy sa cellphone, girlfriend ko si Alyssa." Sabi ko pa at itinuro sila isa isa. Kumaway sila pare-prehas at ngumiti pero mukhang hindi nga narinig nung isa yung sinabi ko kasi busy pa din siya sa cellphone.

"Hon." Tawag ko kay Alyssa pero hindi niya ako pinapansin.

"Hindi ka yata narinig Denny." Bulong naman sa akin ni Kim.

"Hon." Sabi ko ulit pero mas nilakasan ko na yung boses ko. Hindi pa don niya ako pinapansin. Anong problema nitong nilalang na to?

"Marunong pala magselos si Baldo?" Takhang sabi naman ni Ate Fille kay Bang.

"Ngayon ko lang nakitang ganyan yan ate Fille kaya mo din akong tinatanong." Kibit-balikat na sagot ni Bang.

"Alyssa." Si Ara naman ang tumawsg sa kanya pero deadma pa din. Lumapit ako dito at kinuha yung cellphone niya.

Napa-angat ito ng tingin sa akin at tipid na ngumiti. "Hon, may kailangan ka?" Sabi pa nito. Nasabi ko bang pawis na pawis yung ilong niya at namumula pa yung pisngi niya. So, nagseselos nga siya?

"Valdez, kanina pa kita tinatawag. Hindi mo ba ako naririnig?" Striktong tanong ko dito at humalukipkip sa harap niya.

"Ay sorry hon. I was just engrossed on reading something in my phone." Tipid-ngiti pa ding sabi nito. "Ahm tapos-" she said and cleared her throat. "Tapos na ba kayong magusap nung Kimmy?"

"Well yes, and I just introduced you to her but it seems like you didn't hear anything." Sagot ko na lang dito. Syempre kahit na ramdam ko nang nagseselos siya, hindi ko ipaha-halata. I want to see more of her reaction if she's jealous.

"Oh. I'm sorry." Sabi nito at tumayo. Sinundan ko lang ito ng tingin at inobserbahan yung gagawin niya. Inilahad nito yung kamay niya kay Kim. "Alyssa. Alyssa Valdez." Sabi nito kay Kim at tipid na ngumiti.

"Kim Fajardo." Sagot ni Kim at inabot yung kamay ni Alyssa.

"Ahem. Selos na selos." Natatawang sabi naman ni Bea. Sinamaan siya ng tingin ni Alyssa bago ito bumalik sa kinauupuan niya.

The Bachelorettes: The Sweet CharmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon