ALYSSA
Kanina pa ako paikot-ikot dito sa hinihigaan ko pero hindi talaga ako makatulog. Sanay naman ako humiga sa lapag kasi hindi naman ako maarte pagdating sa hinihigaan o tinutulugan. Humiga na lang ako ng maayos at tinitigan ang kisame ng kwarto ni Dennise habang pinakikinggan ang pagpatak ng ulan sa bububong ng bahay nila.
"Ahm Alyssa?" Pagtawag ni Dennise sa akin. Gising pa pala siya.
"Yes?" Mabilis na sagot ko baka isipin niya tulog na ako e.
"Hindi ka ba makatulog? Gusto mo palit na lang tayo ng higaan." Sabi naman nito.
"No. I'll stay here. Baka namamahay lang ako kaya hindi ako makatulog." Nakangiting tugon ko kahit na alam kong hindi naman niya nakikita ang mukha ko.
Naramdaman ko na gumalaw siya sa kama niya at sumilip sa hinihigaan ko kaya napatingin ako dito. Nginitian ko naman siya. Nagulat ako ng biglang hawakan niya nang malambing at masuyo yung mukha ko.
"Why did they hurt a person like you?" Malungkot na sambit nito. Napatigil ang kamay ni Dennise sa pisngi ko. She caressed my cheek using her thumb.
Napangiti lang ako at hinawakan yung kamay niya. "Hindi ko din alam e." Sabi ko at baghagyang tumawa. "Maybe I deserve those? Maybe God is testing my faith and trust on Him? Baka tinuturuan lang ako ni God ng mga life lesson? O baka isang paraan din ni God para alisin yung mga taong hindi nararapat sa akin at para bigyan ng space yung mga taong talagang para sa akin." Seryosong sagot ko habang nakatingin sa mga mata ni Dennise.
"Bakit ba kasi napakabait mo?" Parang naiinis pang sabi nito at kinurot yung pisngi ko. Nagkibit balikat lang ako sa kanya at ngumiti ng matamis. Magagawa ko? Ganito talaga ako haha. "Pwede ba tayong hindi pumasok sa opisina bukas?" Biglang tanong nito.
"I don't have any important thing to do tomorrow so I guess I can make it possible." Sabi ko na parang nagiisip pa. "Why?"
"Naisip ko lang kasi na, you've let me see and enter your world. Yung kinalakihan mo. Maybe now is my turn to let you see my world. Yung mundong kinalakihan ko." Nakangiting sabi ni Dennise.
"Sure." Nakangiti din naman na sagot ko. "Sasabihan ko na lang si Bang para sabihan din niya si Jhoanna na hindi ka makakapasok."
"One more thing." Sabi nito at tumingin sa akin. "Dito ka na lang sa tabi ko matulog para hindi ka mahirapan dyan. Kasya naman tayo dito e."
"Are you sure? Baka hindi ka sanay na may katabi sa kama." Sabi ko at umupo.
"Yes I am sure." Nakangiting sabi ni Dennise. Umurong siya papunta sa may pader at tinapik yung space sa tabi niya.
Hindi na ako nagdalawang isip pa at tumabi na sa kanya. Aarte pa ba ako? Yung mahal ko na yung nagsabi na tabihan ko siya e.
"Good night Alyssa." Nakangiting sabi nito at hinalikan ako sa posngi na ikinagulat ko. Hindi agad ako nakaimik sa ginawa niya.
Napangiti na lang ako ng matamis at napakagat sa labi. "Good night Dennise." Nakangiting tugon ko pero nakatalikod na sa akin si Dennise. "You are making me fall for you deeper Ms. Lazaro." Mahinang dugtong ko pa bago tuluyang pumikit at natulog.
Nagising ako kinabukasan at isang maamo at magandang mukha ng natutulog na Dennise ang una kong nasilayan. Ang corny man pakinggan pero kung ganito lang ang makikita ko araw araw sa paggising ko, buo na agad ang maghapon ko.
Hinawi ko ang buhok na nakaharang sa mukha ni Dennise para mas matignan siya ng maayos. Hindi talaga nakakasawang tignan tong nilalang na to.
"Baka naman matunaw ang anak ko niyan." Sabi ng mama Dennise habang nakatayo sa may pinto. Napabalikwas ako ng tayo mula sa kinahihigaan ko. Buti na lang hindi nagising si Dennise.
BINABASA MO ANG
The Bachelorettes: The Sweet Charmer
Fanfiction"You had your chance but you blew it. Now, it is my turn to let her feel the love she deserves. She is mine. So back off!" "Hayaan mo na akong maging masaya. Nirespeto ko yung pinili mo noon. Binigay ko kung ano yung sabi mo na makakapagpasaya sayo...