Chapter 17

2.9K 89 5
                                    

DENNISE

Maaga akong nagising kinaumagahan ng Sabado. Hindi ako sanay na sa isang malambot na kama ako gigising. Itatanong ko nga mamaya kanila Ella kung sino ang nagayos ng membeship ko dito. Wala nga akong pera magpapamember pa ako di ba?

Bumangon na ako sa pagkakahiga at tinungo ang sarili kong banyo para maligo. Madala nga sila mama dito. Makapagrelax man lang sila. Sakto naman na nakatapos na akong magayos nang may kumatok sa pinto.

"Good morning Dennise." Nakangiting bungad sa akin ni Alyssa pagkabukas ko ng pinto. Oh I forgot to tell you that her room is just beside my room. May idea na ako kung sino ang may pakulo ng pagkakamember ko dito. "Breakfast?" Pahabol pa nito.

"Good morning Alyssa." Nakangiting bati ko din dito. "Ah, sige." Sagot ko pa at luminga-linga sa hallway. "Si Ella?" Tanong ko pa.

"Nauna na sa baba. Maaga talaga gumigising yon kapag na-andito." Sagot ni at nilahad yung kamay niya sa akin. "Let's go?"

Hindi na ako sumagot at nakangiting inabot ko na lang yung kamay niya. Hanggang sa makababa kami at makarating sa restaurant kung saan naghihintay na din yung mga kaibigan namin, hindi niya binitawan yung kamay ko. Oo kaibigan namin. They welcomed me into their group whole heartedly. Pasimpleng napangiti na lang ako sa nangyayari.

"Good morning lovebirds." Bati sa amin ni Bang.

"Good morning Marie." Pangaasar ni Alyssa. Napairap na lang si Bang sa kanya. Ang aga aga nagaasaran agad sila. "Nasaan si Ate A?" Tanong pa ni Alyssa habang pinaghihila ako ng upuan. Ang gentlewoman lang talaga niya. Plus points talaga. Haha. Chaar.

"Inaayos po yung custody case ni Cheska." Sagot ni Jia.  "Bago lang daw kasi yung abogado na binigay sa kanya ng law firm kaya ayon stress na stress siya." Dagdag pa nito.

"Baka naman magaling talaga yung abogado kaya yon yung binigay sa kanya." Sabi ni Alyssa at umupo sa tabi ko.

"Kakapasa lang ng bar exam. Alam mo naman kung gaano ka seryoso at ka metikolosa noong taong yon." Sabi naman ni Ate Gretch.

Busy sila magusap kaya ako kumain na lang. Hindi din naman ako makarelate kasi kakakilala ko lang din naman sa kanila.

"Alam mo ba Den si Alyssa dati, may katext yata or ka-chat tapos ngumingiti. Lagi din yan dito sa Quezon. Laging may pinupuntahan." Biglang sabi ni Bang at nang-aasar na tignan si Alyssa.

"Ay grabe. Pati ba naman yon napansin niyo pa?" Naiiling na sagot ni Alyssa.

"Ayan, inasar mo kasi kanina. Kaya bumawi agad." Natatawang sabi naman ni Ate Fille.

"Tapos ka na ba kumain Den? Tara ililibot ka namin dito sa club. Iwanan mo muna yang si Ly." Sabi ni Mela at tumayo sa kinauupuan niya.

"Teka. Sasama ako." Protesta ni Alyssa.

"Alam mo Baldo, dito ka na lang haha. Samahan mo sina Ara at Ate Gretch. Kami bahala kay Besh." Sabi naman ni Ella at tumayo na din sa kinauupuan niya. Hinila din ako nito papatayo sa kinauupuan ko.

"Teka besh, dahan-dahan. Hindi naman tayo hinahabol ni Alyssa eh." Pagpigil ko kay Ella. Paano ba naman kasi tumatakbo na kami.

"Ay sorry naman. Tara doon tayo." Sabi ni Ella at hinila ulit ako papunta sa isang 6-seater na golf cart na nakapark sa harap ng clubhouse.

Sumakay kami at hinintay sina Ate Fille, Jia, Mela at Bang. Si Ella ang nagmaneho nitong golf cart. "Besh, marunong ka ba mag-drive nito?" Pabirong sabi ko kay Ella.

The Bachelorettes: The Sweet CharmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon