Chapter 40

2.8K 86 38
                                    


DENNISE

Another week has to start. Naandito na kami ngayon sa opisina at syempre, tutok na naman ako sa computer ko. May mga bagong project din kasi ang KGC. Hindi naman yata nawawalan ng mga project itong kumpanya ng mahal ko e. Naiisip ko nga minsan na paano niya nakakayanan lahat? Paano niya naiisip yung mga bagay na pwede pang mas mapaunlad yung kumpanya nila. But those thinking made me realize that she's great on everything she does and it makes me idolize her and even fall for her deeply.

"Besh. May naikwento ba sa'yo si Aly tungkol sa pinagusapan nila ni Attorney Gervacio?" Siko sa akin ni Ella. Tsismis na naman ang habol ng lola niyo. Chos. Haha.

Tinignan ko lang siya ang nagkibit-balikat at umuling. Hindi naman kasi nagkwento si hon tungkol sa paguusap nila ni Attorney. At oo, si Atty. Angeline Gervacio yung dumating at binati niya sa mini surprise party ko. Kasama siya ni Ate A. Inasar pa nga nila na si attorney na daw yung the one ni ate A eh. Nagusap sina hon at attorney sa mini-office niya bahay nila at kahit si ate A hindi sinama. Silang dalawa lang ang nagusap.

"Walang naiku-kwento sa akin si hon besh kaya 'wag mo akong kulitin." Sagot ko lang dito at ibinalik ang tingin ko sa computer na nasa harap ko.

"Sungit mo besh ha. Meron ka ba or binitin ka ni Ly?" Puna nito bago tumatawang humarap nang muli sa computer niya. Napailing na lang ako dito at binato siya ng takip ng pen na nasa lamesa ko.

Tatayo sana ako para pumunta sa comfort room nang makita ko ang paglapit ni Deanna sa pwesto ko. "Good morning ate Den." Nakangiting bati nito.

"Good morning Deanna. Kahit na nagkita naman na tayo sa bahay nina Alyssa." Natatawang sagot ko na lang dito. She greeted me as if we're not living in the same roof.

"Masama bang batiin ka ulit?" Kamot-ulong sagot lang ni Deanna.

"Hindi naman pero." I said and paused acting like I'm thinking of something. "May kasalanan ka no?" Natatawang dugtong ko pa dito.

"Hala? Kasalanan agad? Wala akong kasalanan ate Den no. Mabait ako." She said confidently. "Anyway, punta daw po kayo ni ate Ella sa conference room sabi ni Boss." Dagdag pa niya.

Napatingin si Ella sa gawi naming ni Deanna nang marinig nito ang pangalan niya. "Bakit narinig ko ang magandang pangalan ko?" Sabi nito. Napatingin lang ako dito at napataas ng kilay. "'Wag ka nga dyan besh. Maganda naman talaga ang pangalan ko no." Baling naman nito sa akin.

"Bakit? Wala naman akong sinasabi ah." Natatawang sagot ko dito. Masyadong defensive eh. "Sabi ni Deanna pinapatawag daw tayo sa conference room." Dagdag ko pa.

Tumayo lang ito at tinalikuran ako. Nagmadali itong pumunta ng conference room. Napailing na lang ako sa inasta nito. Mukhang nagtataray-tarayan na naman ang lola niyo eh. Haha. "Problema ni ate Ella?" Takhang tanong naman ni Deanna.

I get off my chair and patted Deanna's shoulder. "'Wag mo nang pansinin yon Dean, hindi yata nainom yung supplement niya kanina." Natatawang sabi ko na lang dito. Natawa na lang din si Deanna at sinamahan ako papuntang conference room.

"Bye ate Den." Sabi nito nang makapasok ako sa conference room. Nginitian ko lang ito at kumaway bago niya isara ng tuluyan ang pinto.

Napalingon ako sa loob at nakatingin silang lahat sa akin. Takhang tumingin lang ako sa kanila at isa-isa nilang inginuso si Alyssa na nakatitig lang sa akin. Ngumiti lang ako ng matamis dito. Inilibot ko muna ang paningin ko sa loob ng conference room para makasiguro kung sino-sino ang nasa loob.

The Bachelorettes: The Sweet CharmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon