Chapter 48

2.2K 77 15
                                    

"Be thankful for wrong relationships. They teach you, change you, strengthen you, and prepare you for the right one."

________________________________________________________

DENNISE

"Besh, nagsabi na ba si Baldo kung kailan siya babalik?" Tanong ni Ella. Dahan dahan din siyang humarap sa pwesto ko.

Tinignan ko siya at umiling. "Hindi pa besh. Wala siyang binabanggit tungkol sa pagbalik niya." Malungkot na sabi ko kasabay ang pagalis ko sa salamin na suot ko.

Sa mga nakalipas na araw, gabi-gabi kaming magkausap ni Alyssa bago matulog pero hindi namin napaguusapan kung kailan siya uuwi. Everytime that I am going to ask about her, going home, she'll immediately find a way to dismiss the topic. Kaya, hinahayaan ko na lang. May tiwala naman ako sa kanya e. At alam kong babalik siya.

"Ilang araw na lang graduation na natin. Anong plano mo?" Tanong pa ulit nito. She placed her chin on her palm and looked at me. Pinaglaruan din niya yung lapis na nakapatong sa ibabaw ng lamesa niya.

Napasandal ako sa upuan ko at humarap kay Ella. I crossed my arms above my chest. "Hindi ko alam." I said and sighed. "Hindi ko din kasi alam kung makakauwi si Alyssa at kung makaka-attend siya. So, baka sina mama at Justine na lang ang kasama ko." Dagdag na sabi ko at bahagyang ngumiti kay Ella.

Napahinga ng malalim si Ella bago umayos ng pagkakaupo. Inilagay din niya yung lapis na pinaglalaruan niya sa pencil holder.

"Paano yung tatay mo? Hindi mo pa din ba siya kakausapin?" Ella asked.

Alam din ni Ella yung tungkol sa iniwang impormasyon sa akin ni Alyssa tungkol sa tatay ko. She insisted that I should talk to my father to clear things up. Para din daw malaman ko kung ano yung pinagusapan ng tatay ko at ni Alyssa.

"That is the thing Besh." I sighed. "Hindi ko pa din alam." I said and paused. Napatitig din ako sa folder na nasa ibabaw ng lamesa ko. "Naguguluhan na ako."

Hanggang ngayon kasi nagiisip pa din ako kung pupuntahan ko yung tatay ko at kakausapin o hahayaan na lang. There is a part of me who wants to talk to him but there is also a part where it says that I should just leave it all behind. There is a part of me who is brave and eager enough to talk to him but another part is scared and coward.

"Alam mo besh, tatay mo pa din yon kahit anong mangyari. Let's just say that, you should respect him even if he does not respect you." Ella said. Hinila niya yung upuan niya lara makalapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Just give him the privilege to attend your graduation. But no matter what your decision is, I'm always here okay?" Dagdag pa nito at ngumiti.

Ngumiti ako at tumango kay Ella bilang sagot.

I have already mentioned this before but really, having these people around me makes everything tolerable. Nandyan si Alyssa, kahit wala siya sa tabi ko ngayon, sina Ella pati na din ang mga kaibigan namin. They are really my second family. And with this thought, I think I already have my decision.

I was about to say something towards Ella but Deanna suddenly appears on our area. "Ate Ells, Ate Den." Nakangiting sabi nito sa amin. "Conference room daw." Dagdag pa nito at kumindat.

Nagkatinginan na lang kami ni Ella, napailing,  at sabay napatawa. Ang gaan kasi ng mood ni Deanna ngayon e. Parang may kakaiba talaga sa kanya.

Tumayo kami ni Ella at pumunta sa conference room. Nandito na pala lahat ng kaibigan namin. Hindi man lang namin napansin ni Ella. We headed towards our designated seat and accommodated ourselves.

The Bachelorettes: The Sweet CharmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon