ALYSSA
"Ito na po yung mga files ng kailangan mo Boss Madame." Sabi ni Bang at nilapag yung mga files ng mga aplikante na pinakuha ko. Nag-angat ako ng tingin mula sa binabasa kong papeles.
"Salamat aking butihin sekretarya." Pangaasar ko at nginitian ng matamis si Bang.
"Oh yeah. Shut up Baldo tandaan mo 7 months na lang. Pasalamat ka may magpapaganda ng mood ko ngayon at hindi ko papatulan yang pangaasar mo." Sagot nito at bahagyang inirapan ako. Taray di ba.
"7 months 'pa' Bang." I said emphasizing the word "pa." "May lunch date kayo ni Ara kaya gaganda mood mo no?"
"Nope. Hindi siya no. Tsaka anong nakakaganda sa mood kapag siya ang kasama?"
"Nako Bang my dear. Kakaganyan mo kay Ara mahulog ka talaga sa kanya." Naiiling na sabi ko at sumandal sa kinauupuan ko.
"You wish Baldo. Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo." Sagot nito na parang diring-diri pa. Kapag lang talaga naging sila ni Ara makakatikim sa akin to ng isang taong pangaasar. "Maghanap ka na nga ng love life mo. Ay mali, pumunta ka na ng convenience store baka makita mo na siya. Haha." Dagdag pa nito at umupo sa couch.
Convenience store huh. Oo, nagpapabalik balik ako sa convenience store for the past 5 months. Same time and day of the week hoping thay I could see her again. But I guess destiny and fate is not on my side because at that time span, I was not able to see her.
"Wala nga. Semestral break na ng University ngayon." Sabi ko at binalik ang atensyon sa papeles na nasa harap ko.
"Boring." Walang ganang sagot ni Bang. "Aalis na nga ako naghihintay na sila sa akin. See you later after lunch boss." Sabi nito at tinungo ang pintuan palabas ng aking opisina. "Tignan mo pala yung file ng applicant na sa ibabaw. Yung pinakauna ha. Baka sakaling maging kapalit siya ni Ms. Convenience store. Ciao!" Pahabol pa nito bago tuluyang lumabas.
Bakit ba kasi nila ako pinipilit mag love life. Ako nga hindi ko masyadong binibigyan ng pansin yon. I was hurt and I'm not yet ready to take another. I was in a 4 years relationship before and in an instant it was gone. So, nope. Not yet.
Probably if I could see Ms. Convenience store again, I could take another risks. I could jump again in a pit of pain, chances, and what ifs. I could put my heart again on the chance of being broken. At dahil sa semestral break na nila at hindi ko pa din siya nakikita ulit, baka hindi talaga kami destined for each other.
Oo nga pala may sinabi si Bang na basahin ko daw na una. Mukhang maganda tong pinapauna niya. She rarely praise a woman. Ang taas ng standards non pagdating sa kapwa niya babae.
I reached for the folder and decided to open it but suddenly, a person came barging inside my office. "Ly!" Sabi nito pagpasok na pagpasok sa opisina ko. I placed the folder back without opening it.
"O, Ara. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko pagkababa ng folder.
"Si Bang?" See? She reslly likes Bang pero yung isa, ayaw naman. Goodluck na lang talaga kay Ara. Sa taray ba naman ng babaeng gusto niya e.
"Umalis na kanina pa. Magla-lunch out daw siya e." Sabi ko at sumandal sa kinauupuan ko.
"Ay ganon ba? I'm gonna ask her out sana. May nauna na pala." She said with disappointment. She also made a sound using her tongue.
"Ako na lang libre mo. Haha." Nakangiting sabi ko dito at tumayo sa kinauupuan ko.
"Hindi ba dapat ikaw ang manglibre sa akin? Napakarami na ng pera mo magpapalibre ka pa? Aba, bawas bawas din pre." Naiiling at natatawang sagot nito at pabalang na umupo sa couch.
BINABASA MO ANG
The Bachelorettes: The Sweet Charmer
Fanfiction"You had your chance but you blew it. Now, it is my turn to let her feel the love she deserves. She is mine. So back off!" "Hayaan mo na akong maging masaya. Nirespeto ko yung pinili mo noon. Binigay ko kung ano yung sabi mo na makakapagpasaya sayo...