DENNISE
Pagkatapos namin mag-almusal, naunang umalis sina Alyssa. Halos lahat kasi sila kasali sa tournament sina Jia, Ella, at yung Ate Fille lang daw yung hindi.
"Ate Den." Tawag naman sa akin ni Jia. Medyo close na kami dahil nakapagkwentuhan kami kahit papano kanina. Napatingin lang ako dito at ngumiti. "Nakita mo na ba si Ate Laura?"
"Hindi pa. Wala naman kasing pinapakita sa akin sina Ella." Naiiling na sagot ko dito.
"Maganda si Ate Lau." Sabi nito kaya napatingin na lang ako dito. "Pero hindi ko alam kung bakit mabigat yung loob ko sa kanya." Pagpapatuloy pa nito.
Nandito pa din kasi kami sa restaurant. Si Ella, busy sa pagkakalikot ng cellphone niya kaya kami lang talaga ni Jia ang nagkukwentuhan.
"Kaya noong nalaman ko kung ano yung ginawa niya kay Ate Aly. Nako, gusto ko talaga siyang kalbuhin. Kaya pala ang bigat ng loob ko sa kanya sasaktan lang pala niya si Ate Ly." Naiinis na sabi pa nito at humalukipkip. "Pasalamat siya kinausap kami ni Ate Ly kaya hindi na kami bumawi sa kanya." Pahabol pa nito at huminga ng malalim.
"Parang ang laki ng ginawa noong Laura na sinasabi niyo ah." Natatawang sabi ko.
"Nako besh sabi ko nga sayo, hindi deserve ni Alyssa yung ginawa ni Lau sa kanya." Singit nito sa usapan namin ni Jia. Nakikinig pala ang lola mo sa usapan namin.
"Nako nakaka bad vibes pala talaga siyang pagusapan. Tara na sa area 45. Doon na lang natin sila hintayin." Sabi ni Jia at tumayo na.
Sumunod na lang kami ni Ella. Sumakay kami sa isang service car dito sa club dahil mamaya naman daw maramig kaming pwedeng sabayan pabalik.
Tulad ng unang pagpasok ko dito sa area 45, binigyan ulit kami ng goggles at headphones. Hindi pa naman namin sinuot yon kasi hindi pa naman nagsisimula yung tournament. Dumiretso kami sa lounge na nakalaan talaga para sa kanilang magkakaibigan.
May tao na doon sa lounge ng makarating kami. "Oh Ate Fille na andito ka na pala." Sabi ni Ella. "Hi kuya Lino." Baling naman ni Ella doon sa kasama noong Fille. Tumango lang yung lalaki.
Tumayo naman yung Fille at niyakap sina Ella at Jia. Napatingin lang ito sa akin at napangiti. May binulong si Ella dito at tulad ng reaksyon ni Mela kanina, ganon din ang naging reaksyon nito.
Niyakap din ako nito ng mahigpit. Ano bang pinagsasabi ni Ella sa mga to jusko. "I'm Fille Saint Merced Cainglet." Sabi nito nang kumawala sa pagkakayakap sa akin.
"Dennise Michelle Lazaro. Den na lang." Nakangiting sagot ko.
"Nice to meet you Den. Tara upo na tayo." Sabi pa nito at hinila ako sa tabi niya. "Nasaan pala si Gretch?" Sabi nito kay Jia.
"She's with ate A and ate Aly. Why?" Sagot naman ni Jia.
"Hindi lang kasi nagtetext kanina pa." Medyo malungkot na tugon ni Ate Fille. Binigyan lang ng makahulugang ngiti ni Ella si ate Fille kaya binato siya nito ng chips.
Tumawa lang naman si Ella. Ang lakas mang-asar nitong nilalang na to. Maya-maya pa ay nagannounce na magsisimula na yung tournament. Nakita na din namin sina Alyssa na dumating. Lumapit sila sa amin.
"Dennise, 7 pm later?" Alyssa said while scratching her nape. Eto na naman siya. Ang cute cute lang talaga niyang tignan sa ganyang sitwasyon kaya natatawang tumango na lang ako sa kanya.
Isang matamis na ngiti na naman ang muling gumuhit sa maganda niyang mukha. Maganda naman kasi talaga si Alyssa at mas lalong nagdagdag sa appeal at ganda niya yung mga dimples niya.
BINABASA MO ANG
The Bachelorettes: The Sweet Charmer
Fanfiction"You had your chance but you blew it. Now, it is my turn to let her feel the love she deserves. She is mine. So back off!" "Hayaan mo na akong maging masaya. Nirespeto ko yung pinili mo noon. Binigay ko kung ano yung sabi mo na makakapagpasaya sayo...