Chapter 34

2.8K 93 13
                                    

DENNISE

Monday na naman at nakapako na naman ako sa kinauupuan ko at nakatutok sa computer sa harap ko habang tinatapos ang final plan para sa project na naka-assign sa amin ni Ella. It is approved by Ms. Kelsi Nielsen and it only needs the approval from our boss Alyssa Valdez. Which is by the way, the woman I love. Oh, it sounds cheesy huh? 

"Hoy Besh!" Biglang sabi ni Ella. Napatingin lang ako dito ng walang emosyon. "Kanina ka pa tulala dyan. Akala ko naman tinatapos mo na yung final paper na isa-submit natin kay Ly." Sabi pa nito bago sumandal sa kinauupuan niya at humarap sa akin.

"Patapos na ako noh. Tsaka anong tulala? Hindi naman ako tulala ah." Pagtanggi ko pa sa paratang nito. Natulala ba ako? Parang hindi naman.

"For your information Ms. Lazaro, I've been looking at you for about five minutes and you have not move any muscle from your body for that time span." She said in a matter of fact tone. "If you are thinking of Ly, urgent matter lang yon at sinabi naman niya sa'yo kung saan siya pupunta di ba?" Dagdag pa nito at pinitik ang noo ko. Humarap ako dito nang nakanoot ang noo ko.

Wala kasi si Alyssa sa opisina ngayon. Dadaan daw siya sa presinto dahil kailangan niyang kausapin yung detective na may hawak ng kaso sa lugar namin. Sumasama ako pero sabi niya na siya na lang daw dahil may lunch meeting din daw siya. 

"Kailangan may pagpitik ng noo?" Reklamo ko dito. 

"Para ka kasing baliw dyan." Natatawang sabi nito at inilapit ang upuan niya sa work area ko. "Iniisip mo siguro kung may ka-date si Alyssa ngayon na maganda, sexy, at hot na babae ngayon ano?" Pang-aasar pa nito kasabay ang pagtaas-baba ng kilay niya. Kahit kailan ang lakas mang-asar nitong babaeng to e ano? 

Binato ko naman ng takip ng ballpen si Ella. "Sira ka talaga. Alam kong hindi gagawin ni hon sa akin yon no. It is just that, I just want to know who is the mastermind and his or her reason for putting up some fire in our area." Sabi ko at huminga ng malalim. Sumandal na din ako sa upuan ko at tinanggal ang salamin ko.

"Just trust Alyssa on this besh." Sabi nito at ngumiti. "Kwentuhan mo na lang ako sa first meeting niyo nila tita." Dagdag pa nito. She even wiggled her eyebrows.

"Paano niyo naman nalaman aber? Wala naman kaming binabanggit ni Alyssa ah." Sagot ko na lang dito.

"Well, kayo ni Alyssa walang sinasabi. But I think you forgot someone who is currently with you guys." Nakangiting sabi ni Ella at ipinakita sa akin yung picture na kinunan habang kumakain kami ng dinner. Oo nga pala, sa bahay nila Alyssa ngayon tumutuloy si Deanna. "So, kwento na besh." Sabi pang muli ni Ella bago sumandal ulit sa upuan niya. 

"Fine." Sagot ko na lang at nagbuntong hininga. Kinuwento ko lahat ng nangyari noong araw na yon. Simula sa pagdating namin hanggang sa pagse-set ng daddy ni Alyssa ng meeting sa boards. Hindi ko naman nag kinwento yung nangyari noogn dinner dahil kumain lang naman kami at konting kwentuhan tungkol sa Summit.

"Si tita talaga ang nagsabi sa'yo na tawagin mo siyang mommy ha. Infairness. Lakas ng charisma mo besh." Sabi ni Ella matapos ko magkwento. Nagtatakhang napatingin na lang ako dito. Hindi ko naman kasi talaga alam kung ano ang nasa isip niya at nasabi niya iyon. One more thing, she's been with Alyssa and of course with Alyssa's family much longer than me. She knows them more than me. "Alam mo besh, matalino ka talaga pero minsan may pagka-slow ka e." Natatawang pahabol pa nito. 

"Wow ha. Halata naman sa mukha ko na nage-gets ko yung sinabi mo at iniisp ko lang kung papaano mo nasabi na my charisma works with them?" Pataray na sagot ko dito. 

The Bachelorettes: The Sweet CharmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon