Chapter 15

3K 106 8
                                    

DENNISE

"Oh Dennise, hindi ka pa uuwi?" Tanong ni Joshua. Isa sa empleyado dito sa KGC at kasama ko din sa marketing team. Napaangat ang tingin ko dito at ngumiti.

"Ah, hindi pa po sir Joshua. Tatapusin ko lang tong draft ng proposal para maipakita ko na kay ma'am Kelsi bukas." Sabi ko. Tinaggal ko yung salamin ko at napasandal sa upuan.

"Sige. Basta 'wag masyadong abusuhin ang katawan. Si Ella pala?" Sabi naman nito at hinawakan ang strap ng kanyang bag.

"Bumaba saglit. Bibili lang daw siya ng pagkain." Natatawang sagot ko.

"Ah sige. Una na ako. Mukhang hinihintay ka pa ni Boss e." Paalam ni sir Joshua at tinuro yung opisina ni Alyssa, na bukas pa ang ilaw, bago kumaway. Alam na din kasi dito sa opisina na nanliligaw sa akin si Alyssa. Kung paano nila nalaman? Hindi ko din alam. Siguro sadyang may pakpak lang talaga ang balita.

"Sige sir. Ingat." Sagot ko na lang dito at kumaway pabalik.

Sinuot ko na ulit yung salamin ko at binalik ang tingin sa computer sa harap ko. Napahilot ako ng bahagya sentido ko dahil na din sa pagiisip dito sa draft na ginagawa ko.

I am at the middle of typing my draft when a mug of hot chocolate was placed on my table. Napaangat ako ng tingin sa naglapag nito. Nakangiting mukha ni Alyssa ang bumungad sa akin. Tinaggal niya yung salamin ko at kinuha yung upuan ni Ella para gamitin.

"Masyadong seryoso sa ginagawa Ms. Lazaro." Sabi nito at nilapag yung salamin ko sa tabi ng keyboard.

Ngumiti lang ako dito at humigop sa mainit na tsokolate na hawak ko. "Wala yatang sticky note Ma'am Valdez?" Sabi ko at tinignan yung mug bago ulit tumingin kay Alyssa at ngumiti.

Nagkibit-balikat lang siya at inurong yung inuupuan niya papunta sa may likod ko. "Let me do this." Sabi niya at hinilot yung sentido ko. Napakagat na lang ako ng labi para pigilan yung kilig ko. "Take break Dennise. Masyadong nakatutok e."

"Galing pa talaga sayo Alyssa no. Ikaw nga yung nakakalimot kumain ng lunch sa sobrang tutok sa pagtatrabaho." Sabi ko at mabilis na humarap sa kanya. Mali yata ako ng ginawa kasi sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Konting konti na lang maglalapat na yung labi namin. Ramdam na ramdam at amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga.

I was about to close my eyes when somebody barged into the picture. "Ahem." Tikhim nito. Nagulat ako kaya bahagya kong naitulak yung mukha ni Alyssa.

Sabay naming tinignan yung taong dahilan para maudlot yung first kiss ko. Oo first kiss. Nagkaboyfriend ako pero sa pisngi lang ako nagpapahalik. Kaya siguro ako iniwan at naghanap ng iba.

"Ang ganda ng timing mo baby Ella." Alyssa said sarcastically.

"Bitin?" Sagot lang ni Ella at tumawa. Napailing na lang ako dito. "Besh oh, binilhan na din kita ng sandwhich pang meryenda. Tutal 5:30 pa lang naman." Dagdag pa nito at inabot sa akin yung sandwhich.

"Thank you besh." Sagot ko at inabot yung sandwhich.

"Balds magpadeliver ka naman ng dinner. Ikaw may kasalanan kung bakit nandito pa kami ni besh e." Baling naman nito kay Alyssa.

"Oh paanong naging kasalanan ko?" Natatawang sagot nito kay Ella.

"Excuse me Ma'am Valdez. Ikaw ang may sabi nang 'Make an official proposal for this. I need it by Friday and you have to present it to the boards by Monday.'" Parang bata na sabi ni Ella. "At hello, Tuesday na ngayon. Ipapasa namin yan bukas tapos yung pinaka final proposal sa Thursday kailangan ibigay na namin kay Ma'am Nielsen para ibigay sayo sa Friday." Reklamo pa nito.

The Bachelorettes: The Sweet CharmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon