DENNISE
Nakarating kami agad ng area 64 na sinasabi nila. Namangha ako sa nakita ko. Malawak ang lugar na to hindi siya building type tulad ng sa area 45. Isang malawak na field ang nasa gitna nito at bleachers sa gilid.
"This area is solely for equestrian purposes Den." Sabi naman ni Bang. Magtatanong pa lang ako nasagot agad.
Nagulat kami pare-parehas nang may malakas na kalabog kaming narinig sa may ilalim ng bleachers area. Mabilis namin tinungo ang lugar na yon. Naabutan namin si Ate Gretch na nakahambang manuntok at may kinukwelyuhang lalaki. Nakita ko na tong lalaking to e.
Hawak naman ni Alyssa yung kamay ni Ate Gretch para pigilan ito. Si Ara nakayakap sa likod ni Ate Gretch para pigilan din ito at si Bea naman doon sa lalaki.
"Gretchen! Lino!" Sigaw ni Ate Fille nang makarating kami. Sabi ko na kilala ko yung lalaki e. Siya pala yung kasama ni Ate Fille noong una ko siyang makita.
"Awat na. Nakakahiya na. 'Wag dito ate Gretch." Rinig kong sabi ni Alyssa. Napansin ko din ang bahagyang pagangat ng gilid ng labi noong Lino.
Pabalang na binitawan ni ate Gretch yung damit noong Lino. Tumalikod si Ate Gretch naglakad papalayo. "Hanggang ganyan ka lang?" Mayabang pa na sabi noong Lino.
Napahinto si Ate Gretch at napalingon. "Walk it off dude. Walk it off." Sabi agad ni Alyssa at pinigilan si Ate Gretch. Nagpatuloy na lang sa paglalakad si Ate Gretch hahabulin sana siya ni Ate Fille pero inilingan lang ito ni Alyssa kaya napilitan na lang itong manahimik kasama namin.
Naglakad si Alyssa papunta kay Lino at nginitian ito. "Huwag kasing masyadong mainit ang ulo." Sabi ni Alyssa at pinagpagan pa ang damit noong huli. May binulong si Alyssa at pinaalis na si Lino.
Lumapit sa amin si Alyssa nang nakangiti. "Sorry for the commotion ladies. Nailibot niyo na ba si Dennise dito?"
"What happened Alyssa?" Ate Fille asked in a firm tone.
"Nothing much ate Fille. Don't mind them." Sagot lang nito at ngumiti. "So ano, nailibot niyo na ba si Dennise?"
"Hindi pa. Pumunta agad kami dito kasi sabi ni Jia parang may nagkakagulo daw noong tinawagan niya si Bea." Sagot ni Mela.
"Edi tapos na oras niyo kay Dennise ha. Akin na ulit siya." Natatawang sabi ni Alyssa.
"Ang daya mo Baldo. Ano to by schedule?" Sabi naman ni Ella. Nagkibit balikat lag si Alyssa at mabilis na lumapit sa akin.
"Kayo na muna bahala kay Ate Fille ha. Haha. Later guys." Sabi nito at mabilis ng hinila ako papalabas dito sa area 64.
Mabilis kaming sumakay sa isang kulay itim na golf cart na nakaparada malapit dito. "Saan tayo pupunta?" Tanong ko nang makasakay siya sa driver's seat.
"Area 14." Nakangiting sabi nito sa akin at agad na pinaandar yung sinasakyan namin.
Nakarating kami sa area 14 na sinasabi niya. Muling namangha na naman ako sa itsura ng lugar na ito. Gaano ba talaga kaganda ang bawat sulok ng lugar na ito?
We entered a certain building here in area 14. Nahahati kasi to sa dalawa, isa itong building at sa isa naman parang open area.
"Welcome to the archery area Dennise." Nakangiting sabi sa akin ni Alyssa pagpasok namin.
Katulad ito noong area 45 na puro target range ang makikita mo. Madami dami din ang tao dito sa loob ngayon. Puro tunog nang pagtama ng arrow sa target ang maririnig mo.
BINABASA MO ANG
The Bachelorettes: The Sweet Charmer
Fanfiction"You had your chance but you blew it. Now, it is my turn to let her feel the love she deserves. She is mine. So back off!" "Hayaan mo na akong maging masaya. Nirespeto ko yung pinili mo noon. Binigay ko kung ano yung sabi mo na makakapagpasaya sayo...