DENNISE
"Lau, like what I've told you before, I am declining your offer to eat out or to spend time with you. For the proposal you've sent, I've already read about it and I am also declining it." Seryosong sabi ni Alyssa kay Laura. Halata mo sa mukha ng huli ang pagkadismaya.
"What do I need to revise just for you to approve it?" Seryosong balik na tanong ni Laura. Nagpalipat lipat lang ako ng tingin sa kanila. Nakakaramdam kasi ako ng tensyon sa pagitan nila. Sila Bang at Ella naman matamang nakatingin lang kay Laura na tipong kapag nagkamali to ng sagot, bigla na lang nilang susugurin.
"Well." Alyssa said and paused. Umalis din siya sa pagkakayakap sa akin at sumandal sa upuan. She even crossed her arms over her chest and smiled. "Revise everything."
Sasagot pa sana si Laura nang may biglang pumasok sa opisina ni Alyssa. "Yow yow yow! Food is here!" Sigaw nito pagpasok.
"Ang ingay mo Ara." Sabi naman ni Ate Gretch. Binatukan pa nito si Ara. Kasama pa nila sina Ate Fille, Jia, at Bea. "Oh hi Laura. Wala kayong date ni ano, sino nga ulit yon? Mira? Mila?" Baling pa nito kay Laura.
Inirapan lang siya ni Laura. "It's Mika. And mind your own business Gretch. Hindi tayo close."
"Whoa. Attitude mo girl ha." Mataray na sabat naman ni Ate Fille at lumapit sa pwesto ni Bang. Kumuha naman ng chocolate si Ara sa bowl ni Alyssa bago umupo sa pagitan namin.
"Oh chill guys." Singit naman ni Alyssa. Kung kanina isa din tong bumubuo sa tensyon, ngayon, napakaaliwalas agad ng aura niya. "If you want it to be approved Lau, change it. Completely. At ikaw naman Ara." Sabi pa nito kay Laura bago bumaling kay Ara. "Ang luwag luwag dito sa kabila, siniksik mo yang sarili mo sa pagitan namin ni Hon. Lumipat ka nga." Dugtong pa nito at tinulak tulak si Ara.
"Edi totoo nga Balds. Kayo na ni Den?" Nakangiting tanong lang ni Ara.
"Oo Ara oo. Kaya umalis ka na dyan hindi ikaw ang gusto kong katabi." Sagot pa nito at tinulak ulit si Ara.
"Eh kami gusto din namin katabi si Den." Mapang-asar na sabi ni Bang at hinila ako papalapit sa kanila.
"Hoy! Ibalik niyo sakin yung mahal ko!" Sigaw lang ni Alyssa. Natawa na lang ako sa ginagawa nito heto na naman po kasi yung childish side niya. She's so adorable.
"Oh Lau, narinig mo naman. Taken na si Baldo. Kaya layo-layo na ha." Sabi naman Ella. Nandito pa pala si Laura akala ko umalis na.
"Ilugar mo na yung sarili mo girl ha. Pasalamat ka wala ako sa mood magtaray ngayon." Seryosong dagdag pa ni Bang. Lalong sumama yung mukha ni Laura at napataas ng kilay. Hindi ko alam kung ako lang ang nakapansin pero parang medyo umangat yung gilid ng labi niya. May gusto pa yatang gawin.
Tuluyan nang umalis si Laura. Nakatingin lang kaming lahat sa pinto nang may biglang yumakap sa bewang ko galing sa likod. She even burried her face on my neck. Napangiti lang ako at napakagat ng labi sa ginawa nito. Hinawakan ko na lang yung kamay niyang nakayakap sa akin.
"Uunahan na kita hon. Don't you ever feel jealous towards Laura. Ikaw lang yung mahal ko. Believe me." Malambing na sabi nito habang nakayakap sa akin. Okay the clingy monster is here which makes me giggle inside.
BINABASA MO ANG
The Bachelorettes: The Sweet Charmer
Fanfic"You had your chance but you blew it. Now, it is my turn to let her feel the love she deserves. She is mine. So back off!" "Hayaan mo na akong maging masaya. Nirespeto ko yung pinili mo noon. Binigay ko kung ano yung sabi mo na makakapagpasaya sayo...