ALYSSA
"Ma'am. Mr. Gonzalo is here." Sabi ng secretary ko, si Bang, sa intercom. Napairap na lang ako sa kinauupan ko habang nagbabasa ng mga papeles na nakalatag sa lamesa ko.
"What is he doing here?" Sabi ko at hindi ko napigilang maglabas ng frustrations.
"Aba malay ko. Ikaw hinahanap di ba?" Sagot nito. I can feel that she just rolled her eyes. Akala mo hindi ako yung boss niya kung kausapin.
"Ms. Pineda, did you just rolled your eyes on me?" I said with a smirk forming on my face.
"You don't have an evidence Ms. Valdez, ma'am." Sagot nito. Namumuro na talaga tong nilalang na to sa akin e. "Ma'am, hindi daw po aalis yung pinakamamahal niyong bisita hanggat hindi niya kayo nakakausap." Pahabol nito.
"Alright. Let him in. And please. Pakisabi sa security na 'wag basta basta papapasukin tong taong to. He's just ruining my day." Sabi ko dito at inayos yung mga papeles na nasa harap ko.
Maya maya pa ay bumukas na pinto ng opisina ko at niluwa noon si Mr. Gonzalo. Halatang may hindi na naman magandang sasabihin tong matandang to. I tried my best to give him my sweetest smile. Even if I don't like a certain person, I always make sure that I treat them right and give them my smile. Hindi sa pagpapakaplastik pero, ito ang turo ng mga magulag ko sa akin.
No matter how bad a person is, you always have to treat them right. Give them your best evem if they giving you their worst. Sabi nga sa Kingsman, Manners maketh man. I was raised by my parents to treat every person with utmost respect. Pero syempre, nagseseryoso din naman ako. Kumabaga, hindi araw-araw pasko. People have limitations. And this limitation of mine will once again be tested by this person in front of me.
I hate doing business with this person but he keeps on insisting. Nakakaubos na ng dugo. Ayoko siyang kausap kasi may mga reports about him stealing money on his business partners. At isa pa, wala siyang isang salita. I really hate those type of people.
"What brings you here Mr. Gonzalo?" Sabi ko ng nakangiti. Tumayo din ako sa kinauupuan ko bilang respeto.
"Kahit ilang beses na akong nakapasok dito sa opisina mo, hindi ko pa din maalis sa katawan ko ang mamangha." Panimula nito at naglakad papunta sa harap ng lamesa ko.
"Have a seat." Sagot ko lang dito at naupo na ulit ako sa swivel chair ko.
"Well, Alyssa." Sabi nito.
"You are on my property and my building sir, please address me properly." May paggalang na sita ko dito.
"Oh, where is the sweet charmer?" Natatawang sabi nito. Nawala na din kasi ang ngiti na nakaukit sa aking mga labi. "Okay, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Ms. Valdez. Since ayaw mo naman sa partnership na inaalok ko, gusto kong i-turn down mo din and offer ng isang partikular na kumpanya." Sabi ko na nga ba may hindi magandang salitang lalabas sa bibig nito.
"What particular offer?" Walang ganang sagot ko.
"Wow, sa tingin ko marami ka na namang prospect for business and partnership." Nakangiting sabi nito at tumingin sa akin. "Well, para hindi ka na mahirapan pa magisip. Tutal 'marami' kang inaaral na offer galing sa iba't ibang kumpanya." He said quoting the "marami" word. "Turn down the offer of the Chole Advertising Company." Diretsong sabi nito.
Napaangat ako ng ulo at tumingin ng diretso sa kanyang mga mata. "What makes you think that I am going to do things like that?" Sabi ko dito at ngumiti ng matamis. I interwined my hands and placed my chin on its back part.
BINABASA MO ANG
The Bachelorettes: The Sweet Charmer
Fanfiction"You had your chance but you blew it. Now, it is my turn to let her feel the love she deserves. She is mine. So back off!" "Hayaan mo na akong maging masaya. Nirespeto ko yung pinili mo noon. Binigay ko kung ano yung sabi mo na makakapagpasaya sayo...