ALYSSA
Bakit kaya ang bilis lumipas ng oras kapag kasama mo yung taong mahal mo? Oo inaamin ko na I've completely fallen in love with Dennise. My feelings for her gets deeper everyday. Noong mga panahon na nakikita ko si Laura as my wife, medyo malabo at hindi ko alam kung bakit. Pero ngayon, seeing Dennise standing in front of my with her gorgeous smile, expressive eyes and lips, I can see everything clearly.
Ito siguro yung dahilan kung bakit malabo pa sa paningin ko si Laura noon kasi itong babaeng nasa harap ko ang makakapagpalinaw ng lahat. Gagawin ko ang lahat para lang hindi na siya mawala sa akin. Aalagaan at mamahalin ko siya ng walang kapantay.
Kung sasabihin ng mga kaibigan ko o ng kung sino pang nakakakilala sa akin na ito na naman ako, ibibigay ko na naman lahat ng meron ako para sa taong mahal ko, well, hindi ko na mababago yon. Kasi alam ko naman na, everyone deserves the love you can give. Sila na bahala kung sasayangin lang nila yon or aalagaan at mas lalong palalaguin. My lolo would always me that no matter how bad your past treats you, you should not let it change who you are.
Nandito na ako nakatayo sa harap ng bahay nila Dennise. Nakapasok na siya sa loob pero ako? Nakangiti habang nakatitig sa kasasarang pinto.
"Ahm, Ate Boss bakit hindi ka pumasok?" Sabi sa akin ng isang dalagang kadarating lang. Mukhang may binili sa may tindahan malapit lang dito.
"Ah, hindi na Justine. Thank you. Hinatid ko lang talaga ate mo." Nakangiting tugon ko naman dito.
"Sige po. Pero ate Boss." Sabi pa nito at huminto bago pihitin yuny pinto ng bahay nila.
"Yes?"
"Ingatan mo lang ate ko ha. Masungit yon pero sobrang mapagmahal. Kapag pinaiyak mo yon nako, kahit sa pinakatuktok ng Mt. Everest ka pa magtago hahanapin kita." Natatawang sabi nito.
"Don't worry Jus. All I want to do is to love your sister and make her happy." Nakangiting sabi ko. Tumango lang ito at nag thumbs up. Kumindat pa ito bago tuluyang pumasok ng bahay nila.
Sumakay na din ako sa sasakyan ko at tinungo ang bahay namin. Hindi na din ako muna umuuwi ng condo kasi mas malapit kay Dennise yung bahay namin. Alam niyo na. Para-paraan lang yan haha. Tulad nang palagi kong ginagawa, sinundo ko si Dennise sa bahay nila. Medyo na late nga lang ako kasi hindi ako agad nakatulog kagabi.
"Sorry Dennise I'm late." Nakangiting sabi ko at napakamot pa sa aking batok.
"It's okay Alyssa. Nakakahiya naman na magdemand pa ako. hinahatid at sinusundo mo na nga ako e." Sagot nito sa akin. Pinagbuksan ko siya ng pinto ng sasakyan at inalalayan ko siyang makapasok bago ako umikot papunta ng driver's side.
"I am giving you all the rights to make a demand Dennise." Nakangiting sabi ko. "From now on, I'll treat you as my Queen." Dagdag ko pa at kinindatan siya. Bahagyang namula na naman ang mukha niya at mahinang itinulak ang mukha ko. Grabe ang ganda lang talaga niya lalo na kapag tinatago ang kilig.
"Let's go to work BOSS. Late na po tayo." Natatawang sabi nito. She even emphasized the word 'BOSS'. Natawa na lang ako at nagmaneho papunta ng opisina.
"Alyssa." Pagtawag nito sa atensyon ko nang makarating kami dito sa building ng KGC.
"Yes?" Nakangiting sabi ko dito. Napayuko lang ito na parang kinakabahan.
"Ano kasi. Sabi ni Mama, pumunta ka daw sa bahay mamaya. Gusto ka daw niyang kausapin." She said in one breath. Lihim na napatawa na lang ako sa itsura ni Dennise.
"Sure. Let's just drop by at Ate Fille's restaurant later. Para naman may dala ako mamaya." Sagot ko na lang dito at inilahad yung kamay ko sa kanya. Malugod naman niyang tinanggap ito kaya hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon at hindi ko na ito binitawan. Naglalakad kami papasok ng opisina nang magkahawak ng kamay. Kinikilig naman po ang lola niyo. Haha.
BINABASA MO ANG
The Bachelorettes: The Sweet Charmer
Fanfiction"You had your chance but you blew it. Now, it is my turn to let her feel the love she deserves. She is mine. So back off!" "Hayaan mo na akong maging masaya. Nirespeto ko yung pinili mo noon. Binigay ko kung ano yung sabi mo na makakapagpasaya sayo...