Chapter 49

1.8K 77 24
                                    


Love is the hardest pain in your life and the sweetest delight you can ever experience.

________________________________________________________


DENNISE

"Okay ka lang ba besh?" Tanong ni Ella pagkahinto niya ng sasakyan. She even held my hand and looked straight into my eyes. "Pwede naman tayong bumalik na lang sa ibang araw o kaya hintayin mo na lang si na bumalik si Alyssa."

I shook my head and looked at her. Ngumiti din ako at hinawak din ang kamay niyang nakapatong sa kaliwang kamay ko. "No besh. I think I am ready." I responded. She just nodded and gave me a reassuring smile.

I have to do this. Tulad ng sabi nila, he is still my father. And yes, nandito kami ngayon kung saan naninirahan ang tatay ko base sa impormasyon na iniwan sa akin ni Hon.

I am scared, terrified or whatever you call those. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. I am about to meet the man I hated for the past 10 years. The man who first broke my heart. The man who took away my belief in love. The man who is supposed to be my father but did not complied with the thought.

Huminga ako ng malalim at hinawakan ang pintuan ng sasakyan ni Ella. Tinignan ko muli si Ella at ngumiti bago tuluyang buksan ang pinto at lumabas.

Naglakad ako papunta sa isang talyer dito. Nalanghap ko ang amoy ng langis at kung ano ano pa. Tinignan ko ang kinatatayuan ng talyer. Inilibot ko ang mga mata ko hanggang sa mapako ito sa isang lalaking nakatalikod sa akin at halatang seryoso sa ginagawa nito sa harap ng isang sasakyan. May mga kasama din itong kalalakihan na masasabi mong trabahador niya niya.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko and napakapit ng mahigpit sa bag ko. I was about to enter the shop when one of his employee turned his gaze towards my place.

"Ah, ma'am magandang umaga po. Ano po ang maitutulong namin sa inyo?" Sabi nito at ngumiti. In fairness magalang ang tauhan niya.

Hindi ako nakasagot at napakong muli ang tingin ko sa tatay ko kaya natigilan sa ginagawa nila ang tatay ko at mga katuwang niya. "Mang Bert ikaw yata ang hanap. Nakatingin sa'yo eh." Siko sa kanya noong lalaking kumausap sa akin kanina.

"Hala ka Mang Bert baka nagkaproblema sa isang sasakyan na ginawa mo." Biro naman sa kanya ng isa pa nilang kasama.

Napailing ang tatay ko sa kanila at napangiti base sa pagangat ng pisngi niya. Kinuha niya ang isang basahan at nagpunas ng kamay. He turned around and saw at me.  Napatigil siya sa pagpupunas ng kamay niya at napatitig sa akin na parang nakakita siya ng multo. 

"D-denden?" Utal na sabi nito. Kita naman ang pagtitinginan nga mga tauhan niya at mga nagkibit balikat. "Ha-halika nak, pasok ka mainit dyan." Pag-anyaya nito sa akin. 

I stepped inside his shop. Mainit kaya nabibilad na din ako. Medyo humapdi ang balat ko sa tirik ng araw sa labas e. Kailan kaya lalamig sa Pilipinas?

Nakita ko din na mabilis na kumilos ang tauhan nito at naglagay ng upuan malapit sa pwesto ko. Umupo ako nagpasalamat. Nahihiyang tumango at ngumiti naman sa akin yung lalaki na nag-ayos ng uupuan ko. 

The Bachelorettes: The Sweet CharmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon