Chapter 8

2.9K 106 10
                                    

DENNISE

Mabilis lumipas ang mga araw. Lagi akong kinukulit ni Ella tungkol sa kung ano ang nangyari sa lunch namin ni Alyssa. Pero hanggang ngayon, hindi ko siya sinasagot.

Yung mga chocolates na binigay sa akin ni Alyssa, nasa bahay. May iniwan din ako dito sa opisina para may energy ako kapag nagtatrabaho. Hinatian ko din naman yung mga kapatid ko.

"Besh, dali na kwento mo na kung ano nangyari dun sa lunch niyo." Pangungulit na naman ni Ella habang naglalakad kami pabalik sa work area namin. Galing kami sa baba kasi nandoon yung mini office ni Ma'am Nielsen. Nagdadagdag pa lang kasi ng opisina dito sa floor namin at iyon yung magiging opisna niya.

Today is Friday, we, Ella and I, already submitted our marketing strategy idea. Sabi nga ni ma'am Kelsi Nielsen, aayusin daw niya muna bago ibigay kay Alyssa.

"Ang kulit mo talagang babae ka ano? Kumain lang kami. Yon lang." Natatawang sabi ko dito. Ano ba dapat kong sabihin? Kung ano man yung napagusapan namin, sa amin na lang yon di ba? Privacy.

"Sige na nga." Nakasimangot na sabi nito. Finally sumuko din jusko. "Pero dapat libre mo din ako ng lunch!"

"Hala. Sa akin ka pa talaga nagpalibre ano?" Sagot ko dito. Alam naman kaso niya yung sitwasyon ko. Nakakaloka tong nilalang na to. Pero medyo okay naman na din kasi kahit papano, may makukuha kaming allowance dito kahit na trainee lang kami. Ang galante ng kumpanyang to di ba. Kaya hindi ako nagtataka kung bakit madaming gustong makapasok at ni isa yata, ayaw umalis dito.

"Ang daya niyo talaga!" Parang batang reklamo pa nito. "Bakit si Baldo nilibre mo ako hindi!"

"Bakit ikaw ba si Alyssa?" Natatawang sagot ko na lang dito.

"Bakit si Alyssa lang ba pwede mong ilibre?" Nakasimangot pa ding pagpapatuloy nito.

"Umayos ka nga dyan Jorella. Para kang bata." Pigil-tawang sabi ko dito at nailing na lang. Ang sakit niya sa ulo lalo na kapag umaatake yung ganyang side niya.

"Ah basta may utang kang libre sa akin." Determinadong sabi niya at dumila pa. Magkaroon ka nga naman talaga ng bestfriend na pasaway. Naiiling na lang akong dumiretso sa work area ko.

Magla-lunch na pero ni anino ulit ni Alyssa hindi ko nakita. Lumingon ako sa lamesa ni Bang pero, wala din ito. Baka may meeting sa labas. Nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko. Bukod kasi sa Chole Advertising Company na pinapagawa sa amin, may ibang projects pa na hinihingan din kami ng ideas.

Dito kasi sa main office bumabagsak lahat ng pwedeg gawin para mas mapalago pa yung mga kumpanya na hawak ng Kronos Group of Companies. Kumbaga parang, kami ang may "last say" sa lahat nang dapat gawin. Kaya napakagandang opportunity na isa ako sa mga aplikante na pinayagang makapag-train dito.

Mabilis lumipas ang oras dahil na din sa nakafocus kami sa ginagawa namin. We our at the end of our office hours. Hindi ko din nakita na pumasok yung dalawa. Sina Bang at Alyssa.

"Besh, hindi yata pumasok sina Bang?" Tanong ko kay Ella na nagaayos na ng gamit niya. Hindi halatang excited umuwi e.

"Ano bang date ngayon?" Balik na tanong naman nito.

"August 3. Bakit? Anong kinalaman ng date ngayon sa pagpasok nila?"

"Ah kaya pala. Wala nga sila. Hindi talaga sila papasok." Walang ganang sagot nito. Tinignan ko lang siya nang may pagtatakha.

"May tournament sa Quezon bukas. Nandon yung dalawa ngayon." Sabi nito. "Ikaw ha. Hindi mo lang nakita si Baldo ngayong araw namiss mo na agad." Sabi nito. Gumuhit pa ang malokong ngiti sa kanyang mukha at may pagtaas taas pa ng kilay.

The Bachelorettes: The Sweet CharmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon