I don't know why I've fallen in love with you. But I know for sure that you are my DESTINY.
________________________________________________
DENNISE
"Ate! Gumising ka na daw dyan sabi ni Mama." Katok ng kung sino sa pintuan ng kwartong tinutulugan ko. Pero base sa boses na yon, at sa paraan niya ng paggising sa akin, malamang siJustine iyon. "Hoy Ate! Malelate ka na! Graduation mo kaya ngayon!" Sigaw muli nito at patuloy sa pagkalampag ng pinto ng kwarto ko. "Bahala ka naghihintay na dito sa labas yung glam team mo. At nakakhiya na din kanila tito. Ang hirap mo talaga gisingin! Buti napagtitiisan ka ni Ate Boss e." Pahabol nito at tuluyan ng huminto sa pagsigaw.
Speaking of Alyssa, she hasn't contacted me for almost three days. The last time we had a video call was the day when I got to talk to my father. Masaya siya para sa akin nang malaman niya na unti-unti nang naayos ang relasyon namin ng tatay ko. Pero pagkatapos noong araw na iyon, hindi na siya tumawag pa. Kapag ako naman ang tumatawag, hindi naman niya sinasagot. Nag-aalala na ako. Baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Paano kung nakakita na siya ng iba? Ano na lang ang gagawin ko? Hindi ko na kaya kapag nawala pa si Alyssa sa akin.
Pero teka, glam team? Hindi naman ako nag-hire ng glam team na yan ah. Wala pa akong pera pambayad sa kanila no. Nagulat ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. I picked it up to answer whoever it is.
"Good morning hon. I guess the glam team have arrived. Congratulations again hon. I love you. See you soon." Mabilis na sabi ng taong ilang araw ko nang hindi naririnig ang boses at nakikita.
Oh my! Napadilat at bumangon ako ng wala sa oras at tumakbo sa banyo dito sa kwarto ni Alyssa at naligo. At oo nandito pa din kami sa mansyon ng mga Valdez dahil hindi pa daw tapos yung bahay namin.
After I took a bath, I immediately headed towards the door and opened it. I am stunned when I saw Alyssa's dad in front of the door. "Good morning po dad. Kanina pa po ba kayo?" Nahihiyang tanong ko.
"Hindi naman hija. Kakatok pa lang sana ako." Nakangiting sabi nito. Napatingin naman ako sa dala-dala nitong paper bag. "Here." Sabi pang muli nito at inabot sa akin ang paper bag. "Congratulations hija. Regalo namin ng mommy mo. Use that for today's occassion okay?" Nakangiting dagdag nito. "See you at the venue." Pahabol pang muli ng daddy ni Alyssa bago tuluyan umallis.
Hindi na ako nakasagot dahil mukhang nagmamadali sina daddy. I lifted the paper bag and inspected it. Halos lumuwa ang mata ko nang makita ang nakatatak sa paper bag. They gave me a freakin' Louis Vuitton as a graduation gift. Napatingin ako sa mga taong nasa labas pa ng kwarto. They all nodded and smiled at me. I opened the bag. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. It is a sleeveless dress with chains and frills detail. Again, from Louis Vuitton guys, Louis Vuitton!
BINABASA MO ANG
The Bachelorettes: The Sweet Charmer
Fanfiction"You had your chance but you blew it. Now, it is my turn to let her feel the love she deserves. She is mine. So back off!" "Hayaan mo na akong maging masaya. Nirespeto ko yung pinili mo noon. Binigay ko kung ano yung sabi mo na makakapagpasaya sayo...