DENNISE
Ilang araw na din ang lumipas pero hindi ko pa din kinakausap si Alyssa at dito pa din ako kay Ella tumutuloy. Sa opisina naman tuwing susubukan niya akong lapitan, iiwasan ko na agad siya at sisiguraduhing busy ako sa ginagawa ko. O di kaya e kakausapin ko sina Ella or kung sino man ang malapit sa akin na empleyado. Hindi ko na din alam kung bakit ginagawa ko to kahit alam ko naman sa sarili ko na miss na miss ko na si hon.
"Ate." Tawag sa akin ni Justine. Naandito ulit siya ngayon sa bahay nina Ella. Malamang kasama na niya si Alyssa na nasa baba lang.
Nilingon ko si Justine at nginitian. “Oh, Jus nandyan ka pala. Sino kasama mo?” Tanong ko dito.
“Hindi pa sanay ate? Kailan mo ba siya kakausapin?” Tanong naman nito sa akin.
“Hindi ko alam Jus.” Malungkot na tugon ko dito.
“Ate alam ko naman na miss na miss mo na si Ate Boss. Bakit hindi mo na lang lunukin yang pride mo at kausapin mo na siya. Ilang araw ka na kaya niya sinusuyo.” Tuloy- tuloy na sabi nito.
Totoo naman din kasi yon. Araw araw sa opisina pagpasok ko may bulaklak at chocolate sa lamesa ko. Kung wala naman doon, pagdating ko dito sa kwarto ni Ella, may nakalapag na chocolate at kung ano ano pa sa kama.
“Hindi naman kasi ganon kadali yon Jus. Alam mo naman kung ano ang pinagdaanan natin noong iniwan tayo ni Papa di ba?” Sagot ko lang dito.
“Ate alam mo hindi ko pa alam kung nanggagaling yang galit mo kay Papa. Ate tatay pa din natin yon.” Sagot naman sa akin ni Justine.
Nagsimulang mabuo muli lahat ng klase ng emosyon sa katawan ko sa pagkakarinig ko ng sagot sa akin in Justine. Galit na napatingin ako sa gawi nito.
“Tatay Jus? Tatay ba ang tawag mo don? Tatay ba ang maituturing mo sa ginawa non? Nasaan ang pagiging tatay doon Justine? Ipakita mo naman sa akin. Hindi ko kasi naramdaman.” Naiiyak na sabi ko dito.
“Ate hindi pa ba pagiging tatay yung nabuhay ka ng dahil sa kanya? Hindi pa ba pagiging tatay yung sa sampung taon mong nabuhay noon sa mundo, naandyan siya sa tabi mo? Na nasa tabi mo siya at ginagabayan ka noon. Na ipinaramdam niya sa’yo kung gaano ka niya kamahal. Di ba nga dapat kami pa ni Mosh ang magalit sa kanya kasi kami yung maaga niyang iniwanan?” Sagot sa akin ni Justine. Hindi na din nito napigilan ang sarili niya at umiyak na.
“’Yon na nga ang problema e. Iniwan niya tayo noong panahon na dapat iparamdam din niya sa inyo yung mga bagay na ipinaranas niya sa akin. Na dapat ipinaramdam din niya sa inyo na mahal niya kayo. Pero ano? Dahil lang sa sabay sabay tayong nagkasakit iniwan niya tayo na parang hayop sa tabi. Yon din ang hindi ko maintindihan sa inyo e, bakit hindi kayo nagagalit sa kanya.” Punong puno ng hinanakit na sabi ko kay Jus.
"Narinig mo na ba yung side niya kung bakit siya umalis ng araw na 'yon? Alam mo na ba yung pinakadahilan kung bakit niya tayo iniwan? Ate si mama nga, asawa na yon. Ni minsan hindi ko nakitang nagalit kay Papa." Pagpapaintindi sa akin ni Justine. Ramdam ko ang bawat salitang binibitawan nito pero ayaw talaga siyang tanggapin ng utak ko. My heart accepts everything but my brain does not cooperate at all. "Bakit hindi namin magawang magalit ni Mosh? Kasi ate, sinusubukan niyang lumapit ulit sa atin. Ikaw lang yung ayaw magbigay sa kanya ng pagkakataon." Madiin pang dagdag nito. "Hindi kasalanan ni Ate Alyssa na makupagusap kay Papa. Pasalamat ka din ate mabait yung tao. Kung iba yan, napagod agad yan sa pagtrato mo sa kanya." Pahabol pa nito.
Mabilis na lumabas ng kwarto si Justine. "Tara na Ate Boss. Wala ng pagasa yung tao sa taas. Buti nga hindi ka pa nagsasawa e." Rinig kong sabi nito kay Alyssa. Sinadya din niya yatang iwan na bukas ang pinto ng kwarto ni Ella.
BINABASA MO ANG
The Bachelorettes: The Sweet Charmer
Fanfiction"You had your chance but you blew it. Now, it is my turn to let her feel the love she deserves. She is mine. So back off!" "Hayaan mo na akong maging masaya. Nirespeto ko yung pinili mo noon. Binigay ko kung ano yung sabi mo na makakapagpasaya sayo...