DENNISE
Nakatayo ako dito sa veranda sa kwarto ni Alyssa at lumalanghap ng sariwang hangin. Hindi muna ako dumiretso sa kwarto ko dahil ayoko na rin na mahawa ng hindi magandang aura sina mama. Kitang kita din mula dito sa kinatatayuan ako ang magandang bahagi nitong clubhouse sa Quezon. Kailangan ko to dahil na din sa nangyari sa amin ni Laura kanina. Hanggang ngayon kasi ang bigat pa din ng pakiramdam ko. Naubos yata ng husto ni Laura yung enerhiya ko.
I was at the middle of thinking when someone hugged me from behind and kissed my shoulders. "Hey. Okay ka na ba?" Malambing na tanong nito.
Hindi ako kumibo at nanatili lang na nakatayo. Hinayaan ko lang na ganito ang pwesto naming dalawa. Kumakalma ako kapag nararamdaman ko yung mga yakap niya. Naramdaman ko ulit ang mumunting paghalik nito sa balikat ko. "Relax na hon. I wont' let her be near you again." She paused and kissed my cheeks. "I promise." Masuyong dagdag pa nito at iniharap ako sa kanya.
Bumungad na naman sa harap ko ang nakangiting mukha ni Alyssa. Napangiti ako ng wala sa oras ng masilayan ang mga ngiti niya. Bakit ba kasi ang lakas makatunaw ng inis at kung ano pang hindi magandang pakiramdam ng mga ngiti niya?
"Uy, ngumiti na siya." Sabi nito ay hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Sinamaan ko lang siya ng tingin at tinanggal ang ngiting kanina ay nakaguhit sa mga labi ko. "Oh, 'wag nang sisimangot hon. Hindi bagay sa'yo." Sabi pang muli ni Alyssa at niyakap ako.
"Pero hon, I like what I saw." Biglang sabi nito at bahagyang nilayo ako sa kanya. Tinignan ko lang siya na bahagyang nakataas ang kilay. "Fierce." Nakangiting sabi pa ulit niya at kinindatan ako.
"Nako Valdez." Sagot ko dito at bahagyang kinurot yung tagiliran niya.
"Aray hon." Natatawang sabi nito at niyakap muli ako. "I am trying to lighten up the mood." Tumatawang sabi nito habang nakayakap sa akin.
Huminga ako ng malalim dahilan para bahagyang ilayo muli ako ni Alyssa sa kanya. Takhang napatingin siya sa akin. Bahagyang ngumiti ako at tumingin ng diretso sa kanya. "I'm sorry hon." Bigkas ko at napayuko.
She held on my chin and lifted up my face. She look straight into my eyes and smiled. Oh god, why do you need to possess this kind of smile Alyssa?
"Hon, you don't have to apologize for defending yourself." Sabi nito at muling hinawakan yung magkabilang pisngi ko. "I saw and heard everything hon. Well, except doon sa unang part kasi nakita ko na lang na hawak mo na yung kamay ni Lau eh." Pabirong sabi pa nito.
"You could have stopped me hon." I frustratingly answered. Dapat pinigilan niya talaga ako para hindi ko na din napatulan si Laura.
"I tried hon. Pero pinigilan ako ni Bang. Hinawakan din ako nila Bea at Ate Gretch." Pagpapaliwanag nito sa akin. Tinignan ko lang siya kaya ngumiti na naman siya ng matamis at hinalikan ang noo ko. "Relax na hon. Sorry na nga eh. I love you." Paglalambing pa nito sa akin.
Pagkatapos akong pakalmahin ni Alyssa, inihatid na niya ako sa kwarto ko para makapagpahinga na din. Kinabukasan ay maaga din kaming bumyahe pabalik ng Manila. Pagdating namin sa bahay nila Alyssa ay may isang kulay itim na sasakyan ang nakaparada sa harap ng bahay nila.
"Hon, kaninong sasakyan yon?" Takhang tanong ko at bahagyang tinapik ang pisngi nito. Naipakita na din kasi sa akin ni Alyssa yung garahe nila dito sa Manila at hindi pamilyar sa akin yong sasakyan na yon.
Nagmulat naman siya ng mata at bahagyang nag-inat. Natutulog kasi siya ginising ko lang. Haha. She was startled when she saw the car but a huge smile formed in her face. Sobrang saya ng itsura niya. "They're here." Masayang sabi niya at niyakap ako ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
The Bachelorettes: The Sweet Charmer
Fanfiction"You had your chance but you blew it. Now, it is my turn to let her feel the love she deserves. She is mine. So back off!" "Hayaan mo na akong maging masaya. Nirespeto ko yung pinili mo noon. Binigay ko kung ano yung sabi mo na makakapagpasaya sayo...