Chapter 6

3K 101 10
                                    

ALYSSA

Naunang lumabas si Dennise ng opisina ko. Nagpaiwan saglit tong si Ella. I looked at her. She stares at me intently and gave me a smile telling that she saw something.

"What?" Pigil ngiting sabi ko.

"'You too Ms. Lazaro. You are going with us and I won't take no as an answer.'" Panggagaya ni Ella sa sinabi ko kanina. "What was that?" Sabi pa nito na may himig ng pangaasar.

"I am just inviting her for lunch. May mali ba don?" Sabi ko at umupong muli sa swivel chair ko.

"Sa akin ka pa talaga magsisinungaling Ate? Mahigit dalawang taon lang akong hindi nagparamdam pero kilalang kilala kita no." She said placing her hands on my table. "You never invited someone over lunch that easily unless it is business or it is us." Sabi pa nito at nag-smirk.

"Para lang maiba. Tsaka di ba bestfriend mo yon?" Sagot ko na lang dito.

"Wag mo nga akong pinagloloko Baldo. You like her." She said in a matter of fact tone.

Nginitian ko na lang siya at nagkibit-balikat. I don't want to say anything yet. "Lumabas ka na nga para matapos ko na yung mga iinterviewhin ko at nang makakain na tayo. Sabihan mo din pala si Bang na i-cancel yung appointments ko ngayon hapon. I'm gonna spend the rest of my day with you guys." I said and winked at her.

"Kami ba ni Bang o si Dennise talaga ang gusto mong makasama." Natatawang sabi nito at nag-cross arms pa.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at tinulak palabas ng opisina si Ella. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko na nakatingin sa amin si Dennise. Napahinto ako sa pagtulak kay Ella. Naging mabilis na naman ang pagtibok ng puso ko.

"Uy natigilan." Pangaasar ni Ella. Tinulak ko na lang ulit siya palabas. Tinignan kong muli ang pwesto ni Dennise. Nakatingin pa din siya sa amin ni Ella kaya binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti. Ngumiti din naman ito sa akin.

Biglang nag open for business status yung zoo ko sa tyan. Halos lahat yata ng paru-paro at kung ano ano pa ay sabay sabay na naglikot sa loob nito. Ngiti pa lang niya ganito na ang epekto paano pa kaya yung iba. Am I doomed?

I successfully pushed Ella out of my office and immediately closed the door. Hindi ko alam bakit natataranta ako. Dinaig ko pa ang kumausap ng mga investors eh. Napapaypay na lang ako ng sarili at bumalik sa swivel chair ko. Hindi naman ako ganito kay Laura noon.

Pinagpatuloy ko na lang amg pagiinterview sa mga aspiring applicants mg kumpanya. "I'll just let my staff send an e-mail for confirmation." Seryosong sabi ko sa huling aplikante. We both stood up from our seats and shaked hands.

Tinanggal ko yung long sleeve black blazer ko, naiwan ang long sleeve white button-up top at syempre yung black pencil cut knee length skirt ko tutal pina-cancel ko yung appointments ko for this afternoon. Ang simple ba? Sabi ko nga, I don't like to spend much time on choosing what to wear.

Lumabas ako ng opisina at naabutan kong nagkukulitan yung tatlo. Sina Ella, Bang, at si Dennise. "So." Sabi ko nang makarating ako sa pwesto nila. Napatingin lang sila sa akin. "Let's go." Nakangiting sabi ko sa kanila.

Naglakad ako patungong elevator. Hindi pa rin tumatayo sa kinauupuan nila yung tatlo. Tinignan ko sila at napansin ko na binubulungan noong dalawa si Dennise. Biglang napayuko na lang ang huli. Lagot tong dalawang to sa akin.

Tinaasan ko lang sila ng kilay kaya biglang napatayo na sa kinauupuan nila yung dalawa. Hinila naman nila si Dennise. "Tawagan niyo na ang mga driver niyo para kunin yung sasakyan niyo. Ako na maghahatid sa inyo pauwi mamaya." Sabi ko sa kanila pagpasok namin ng elevator.

The Bachelorettes: The Sweet CharmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon