Chapter 5

3K 101 14
                                    

DENNISE

Maaga akong nakauwi ng bahay galing sa main office ng KGC. Hinatid din ako ni Ella kanina. Akala ko mapapagastos ako sa pagkain ni Ella pero sa kabutihang palad, nilibre kami ni Bang. Nasabit nga lang yata ako doon kasi sinama lang ako ni Ella.

Heto ako, basang basa sa ulan. Chos. Heto ako ngayon, nakahiga sa kama ko. Nakalagay din sa dibdib ko yung cap. Wala naman akong gagawin ngayong araw eh. Pagdating ko kasi, malinis na din yung bahay. Ang sipag ng kapatid ko eh. Libre ko na lang siya ng meryenda.

Iniisip ko din kasi yung sinabi ni Bang kanina, "Dennise, take care of that cap." Kilala niya kaya yung nagbigay sa akin nito? Pero paano niya naman malalaman na isang tao lang ang may ari ng cap na to? Iba yung design niya from the cap I normally see pero hindi naman siguro iisang tao lang ang merong ganito di ba.

Tinatanong din nga sa akin ni Ella kung paano ko nakuha to pero tuwing magkukwento na ako sa kanya, may nangyayari. Kaya hanggang sa nakalimutan na din namin at hindi na din siya nagtanong pa.

"Ate! May bisita ka!" Sigaw ni Justine mula sa baba. Hindi na ako sumagot at tumayo na lang mula sa pagkakahiga ko. Nagayos muna ako bago lumabas ng kwarto at bumaba.

"Oh besh, kakahatid mo lang sa akin nandito ka ulit?" Sabi ko ng makababa ako at makita ko kung sino yung nakaupo sa couch namin.

Tulad ng sabi ko, hindi maarte si Ella. Madalas din siya dito sa bahay at feel na feel niya dito kahit na maliit at masikip tong bahay namin. Niyayaya din niya ako sa bahay nila pero tumatanggi ako dahil nga may trabaho ako noon pagkatapos sa eskwela.

"Nag e-mail na kasi sa akin yung KGC. Tatanong ko lang sana sayo kung nag e-mail na din sila sayo." Sabi nito. Tumayo siya at dumiretso sa kusina namin. Ganyan yan kapag nandito. Didiretso sa kusina para maghanap ng pagkain.

"Sana tinawag mo na lang besh. Bumalik ka pa." Sabi ko at sinundan si Ella sa kusina na ngayon ay nakaupo na at kumakain.

"Ayoko pa din kasi umuwi kaya bumalik ako." Kibit balikat na sagot nito. "Here." Sabi nito at inabot yung cellphone niya. "Use my phone. Check on your e-mail." Dagdag pa nito at patuloy na kumain.

Kinuha ko yung phone niya at nag log-in sa e-mail account ko. Tinignan ko kung may bagong e-mail and luckily, meron nga. Binuksan ko yung attachment na naandito.

Kronos Group of Companies
0213 Johnsons Avenue
Bonifacio Global City, Taguig
Philippines
August 01, 2018

Dennise Michelle G. Lazaro
Applicant
312 Market St. Brgy. Liwanag
Makati, Philippines

Ms. Lazaro,

Good day! On behalf of Kronos Group of Companies, we are pleased to inform you that you passed the screening phase of our company.

We would also like to inform you that you are scheduled to have a personal interview with our company's President and Chief Executive Officer on August 02, 2018 at 10:00 in the morning.

Thank you.

Sincerely,

Jhoana Louisse Maraguinot
Human Resource Department Head
Kronos Group of Companies

"Base sa reaksyon mo, may interview ka din bukas di ba?" Natatawa at excited na sabi ni Ella. Napatingin na lang ako dito. Dahan dahan akong napatango at napangiti ng malaki. Hindi ko din alam kung uunahin ko ba ang kabahan o ang maexcite.

Ikaw ba naman ang makapasa sa screening test ng pinakama-malaking kumpanya dito sa bansa hindi ka matutuwa? Isama mo pa na yung presidente at CEO pa ng kumpaya yung magiinterview sa iyo, hindi ka kakabahan?

The Bachelorettes: The Sweet CharmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon