ALYSSA
"Anong ginagawa mo dito?!" Sigaw ni Bang sa labas. Oo si Bang. Kilalang kilala ko boses noong taong yon e. Napatayo ako sa kinauupuan ko para labasin si Bang.
Pagbukas ko ng pinto, parehas silang napatingin sa akin. "You two, inside my office. Now." I said in a firm tone.
Sumunod naman agad yung dalawa sa akin. "What was that?" I said with an authoritative tone. Napatingin lang sa akin yung dalawang nilalang sa harap ko.
"It is her fault!" Sigaw naman bigla ni Bang at tinuro pa yung taomg nasa harap niya.
"It is not my fault Ly. Its just that a certain girl out of nowhere kissed me." Depensa naman nito.
"Nagustuhan mo naman?" Mataray naman na sagot ni Bang.
"We-we-wait! Naguguluhan ako sa inyo." Awat ko sa mga ito. "Bakit kayo mag kasama ni Ara aber?" Baling ko kay Bang.
Bigla naman namula lang ang mukha nito at hindi makatingin ng maayos sa akin. Sabi ko na nga ba e. Bibigay din tong isang to.
"Remember your deal? Hindi ko pinatuloy sa kanya yon kahit na hindi niya tinuloy yung tournament. Ang sabi ko kasi, dapat kapag pumayag siya, bukal sa loob niya hindi yung dahil lang sa deal." Sabi naman ni Ara.
"Nako naman. Para kayong nga bata." I said while crossing my arm. "Have you heard her side Bang?" Baling ko ulit kay Bang. Umiling naman ito at nagtaas ng kilay kay Ara. Napakamot na lang ng kilay yung isa.
"Nako ayusin niyo nga yan. Please act like an adult ano ba. And please, don't shout around the company's premises. Ayokong mawalan ng respeto sa inyo yung mga empleyado ko. Nakakastress kayo." Sabi ko pa at napahilot sa sentido ko.Natahimik naman silang pareho. They both know that I am serious when I sounded like this.
"I'm sorry for my actions Alyssa." Sabi ni Bang sa akin bago tumingin kay Ara. "We'll talk after office hours." Mataray na sabi nito kay Ara at lumabas na ng opisina ko.
"Sorry for the commotion dude." Sabi naman ni Ara at napakamot muli sa kilay niya.
"Ara, you do know how important in my life Bang is. Wag kang magkakamali." Seryosong sabi ko dito dahilan para mapahinto siya sa paglalakad patungo ng pinto.
"Is that a threat Balds?" Natatawang sabi nito.
"You can treat it like one." Sagot ko dito at nakangiting nagkibit-balikat sa kanya.
"Don't worry. I'll treat her like a precious gem." Sagot ulit ni Ara at nilahad ang kamay niya sa akin.
"I trust you dude." Nakangiting sabi ko dito at inabot yung kamay niya. Tuluyan nang lumabas ng opisina ko si Ara napansin ko naman na tinaasan lang siya ng kilay ni Bang nang magpaalam ito. Napailing na lang ako sa mga 'to.
My friends are so important to me. Especially Bang and Ella. Alam naman ng lahat na wala akong kapatid. Sina Bang at Ella ang naging kapatid ko. Kaya, saktan na nila ako, wag lang ang taong mahahalaga sa akin.
Bumalik ako sa swivel chair ko at nagsimula ulit magbasa ng mga proposals na nasa harap ko. Sa dami ng binabasa ko, medyo sumasakit ang ulo ko. Hindi ko lang din naman kasi binabasa to, inaaral ko din ang bawat isa.
I am in the middle of reading when a good smell of coffee limgers my nose. Napatingin ako sa mug na nasa harap ko. May sticky note na nakalagay dito.
Stressed? Hindi man 'to kasing sarap ng kay mama pero sana magustuhan mo. Smile. *wink
Nag-angat ako ng tingin kung sino ang naglapag ng kape sa harap ko. Nakangiting mukha ng isang Dennise ang bunungad sa akin. Kusang gumuhit din ang mga ngiti sa mga labi ko. Tumango lang ito sa akin at lumabas na ng opisina ko.
BINABASA MO ANG
The Bachelorettes: The Sweet Charmer
Fanfiction"You had your chance but you blew it. Now, it is my turn to let her feel the love she deserves. She is mine. So back off!" "Hayaan mo na akong maging masaya. Nirespeto ko yung pinili mo noon. Binigay ko kung ano yung sabi mo na makakapagpasaya sayo...