Chapter 38

2.4K 72 7
                                    

ALYSSA

I am currently at the swimming pool area of our house drinking my favorite relaxant, CHÂTEAU LAFITE 1869, one of the most expensive wine in the world. It is my favorite because of its solid taste. Mas matagal na na-stock ang red wine, mas mahal at syempre mas masarap. Mas lumalabas kasi ang lasa nito. Its sweetness and bitterness are top notch. I am on the middle of enjoying my wine when somebody sat down beside me.

"Bakit hindi ka pa natutulog?" Tanong nito sa akin. Tumingin ako dito at ngumiti.

"Hinihintay ko pa po kasi si Dennise, tita." Tugon ko lang dito bago uminom ulit sa baso ng wine na hawak ko. At oo, mama ni Dennise ang kausap ko.

"Bakit ka nga pala hindi sumama sa kanila?" Tanong muli nito.

"It is their celebration po kasi at ayokong isipin niya na sa akin lang pwede umikot ang mundo niya. Isa pa, alam naman po ng lahat na everybody hate their boss. Ganon din kasi ako kay daddy noong nagta-trabaho ako para sa kanya." Natatawang sagot ko lang dito. Totoo naman di ba? Kahit anong bait pa ng boss mo, may masasabi at masasabi ka pa din sa kanya.

"Sabagay, may punto ka nga doon at ang swerte naman talaga ng anak ko sa'yo hija." Natatawang sagot nito sa akin at tumingin sa may pool. 

"Hindi po. I more blessed and lucky to have your daughter." Muling sagot ko dito. Tulad nga ng sabi ko noon sa usapan din namin ni Ate A tungkol kay Dennise, I really admit that I am more blessed to have Dennise in my life. She really brings out the best in me without her knowing it. 

Narinig ko na lang ang malalim na paghinga ng mama ni Dennise bago tumingin sa akin. "Sa totoo lang Alyssa, natatakot ako para sa anak ko." Sabi naman nito kaya napatingin ako dito. Tumingin din siya sa akin at bahagyang ngumiti. "Kasi tignan mo, estado pa lang sa buhay, magkaibang magkaiba na kayo. Magkaiba ang mundong nakasanayan niyong dalawa. Paano kung may dumating na problema at magiging magkaiba ang pananaw niyong dalawa sa hamon na 'yon dahil sa sinasabi kong magkaibang mundo niyo? Paano niyo haharapin 'yon? Paano niyo sosulusyunan 'yon? Natatakot akong masaktan ang anak ko Alyssa. Natatakot akong maramdaman niya yung sakit na naiparamdam sa akin ng tatay niya. Ayokong pagdaanan niya yung mga napagdaanan ko." Tuloy tuloy na sabi ng mama ni Dennise. Hindi na din nito napigilan ang pagluha. 

Ramdam ko sa bawat salitang binigkas niya ang pagiingat na ginagawa niya kay Dennise. Hindi ko naman siya masisi dahil wala namang ina ang gustong masaktan ang kanyang anak di ba? Tumayo ako at tumabi sa kinauupuan nitong poolside chair. Hinawakan ko ang kamay ng Mama ni Dennise kaya napatingin ito sa akin, nginitian ko naman ito ng matamis. 

"Tita, I met your daughter in a convenience store near her school." I said and paused. "Noong araw din na 'yon masasabi ko na, binuhay niya yung pakiramdam na dalawang taon kong pinatay." Sabi kong muli bago tumingin at ngumiti ulit sa mama ni Dennise. "Sa panahon din iyon hindi ko inisip at kahit kailan hindi sumagi sa isip ko ang kung anong estado niya sa buhay. Kung anong klaseng mundo ang ginagalawan at kinalakihan niya. Those things don't really matter on me. Lagi ko nga pong sinasabi at kahit tanungin niyo pa ang mga nakakakilala sa akin, wala sa akin ang materyal na bagay. Alam ko naman po kasi na kahit kailan, hindi magiging basehan 'yon kapag nagmahal ka." Tuloy- tuloy na sabi kong muli at huminto.

Muling tumingin ako sa pool sa harap namin at huminga ng malalim. "Tita, I have not told this to anyone but there is this thing that happened to me." Pagpapatuloy ko. Ramdam ko naman ang paglingon sa akin ng mama ni Dennise. "I was about to enter medicine school. Naipasa ko lahat ng exam na kailangan ko. Alam din ng mga magulang ko ang desiyon ko. All is well ika nga." I said and sighed. "I have a girlfriend that time. Kinausap ko siya na papasok ako at tutuparin ko ang mga pangarap ko. Hindi siya pumayag. Ang dahilan niya? Mawawalan daw ako ng oras sa kanya. Tulungan ko na lang daw si Daddy na magpatakbo nitong kumpanya at ganon din siya dahil siya yung magmamana ng posisyon ng tatay niya. Nakipagdebate ako sa kanya noon tita kasi nga gustong gusto kong maging doktor. Sabi ko pa nga na kapag doktor na ako, doon ko na lang pagaaralan ang pagpapatakbo ng kumpanya. Hindi siya pumayag. Isa 'yon sa mga naging malaking diskusyon naming dalawa hanggang sa pinapili niya ako. Siya daw ba o ang pangarap ko." Huminto ako at muling tumingin sa mama ni Dennise. 

The Bachelorettes: The Sweet CharmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon