Chapter 42

2K 79 21
                                    

DENNISE

Mabilis na namang lumipas ang mga araw at sa bawat araw din na dumaan hindi nakaligtas si Ella sa pangaasar ng mga kaibigan namin. Kaya itong si besh, tuwing naandito ang mga kabigan namin, lalong lalo na sina ate Gretch at Ara, laging naka poker face. Hindi mo makakausap ng matino. Pikon kasi tong nilalang na to. Malakas mang-asar pero kapag siya naman na ang inasar mo, galit na.

"Pwede ba 'wag nang makulit. Ilang beses na ba kitang tinanggihan hindi mo ba maintindihan yon?" Mahina pero may diing sabi ni Ella kaya napalingon ako sa gawi nito. May kausap pala sa telepono ang lola niyo. Nako, may makakita na naman dito aasarin na naman to. "I'll call you if I'll have a free schedule. 'Wag nang makulit Tajima. Bye." Dagdag na sabi pa nito at pinutol ang tawag. "What?" Baling nito sa akin nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya.

"Sungit mo besh ha. Akala ko ba ako ang masungit sa ating dalawa?" Natatawang sabi ko dito.
Huminga siya ng malalim at binato ako ng crumpled tissue na nasa ibabaw ng desk niya. "Mang-aasar ka din kasi eh. Alam na alam ko yang timpla ng mukha mo Dennise." Sagot nito at inirapan ako. Aba't umirap ang lola niyo.

"Wow, makairap lang Jorella ha." Medyo mataray na sabi ko dito. Alam naman din kasi niya na ayaw kong iniirapan. Dukutin mo mata nito e.

"Teka nga besh. It's my time to shine. Ako yung nagsusungit ngayon pagbigayan mo muna ako." Parang bata na sabi nito. Imbis na mainis ako, natawa na lang ako sa inasal ng pinakamamahal kong kaibigan.

"Nako pasalamat ka Jorella." Sabi ko na lang dito. I faced her direction and crossed my arms into my chest.

"Ano yang pwesto na yan besh?" Takhang tanong nito sa akin.

"Kwento." Sagot ko naman dito at naghintay na ng ikukwento niya.

"Hindi din talaga ako makakalusot sa'yo no?" Sagot lang nito sa akin. Umiling lang ako sa kanya bilang sagot. "Fine." Sabi nito at huminga ulit ng malalim. "Ganito kasi yon, remember when I spent some of our summer vacation in Japan?" Tanong nito sa aking. Tumango ako bilang sagot. Kung hindi ako nagkakamali, bakasyon namin bago mag third year college yung tinutukoy niya. "'Yon. Doon ko nakilala si Tajima. Mary Mae Tajima to be exact." Dagdag pa nito.

"Eh yung isa?" Tanong ko naman dito.

"Sinong isa?" Nagmaang-maangan pa po ang lola niyo.

"Wag mo akong lokohin besh kilala kita." Sagot ko lag sa kanya.

"Amy Ahomiro? Coffee shop." Tipid niyang sagot sa akin. "Pero hindi ko alam na magkaibigan sila no." Pahabol pa niya.

"Oh no my dear bestfriend." Sabi ko habang umiiling. "You are in a big trouble. Haba ng buhok mo besh in fairness." Natatawang dagdag ko pa.

"Besh naman e. Hindi ko na nga alam gagawin ko jusko." Sabi nito at ginulo yung buhok niya. Natatawa ako sa itsura niya ngayon.

"Edi kausapin mo sila parehas. Anyway alam na ba nila na magkatunggali sila sa puso mo?" Mapang-asar na sabi ko dito.

"Besh hindi nakakatulong ha. Pero hindi ko alam kung nakapagusap silang dalawa about that kasi noong pumunta sila dito, lumabas kaming tatlo and I can feel the tension between them. Kaya to be fair, wala akong sinasamahan ni isa sa kanila ngayon." Sabi nito at pabagsak na sumandal sa kinauupuan niya.

Magsasalita na sana ako pero may biglang sumingit sa paguusap namin ni Ella. "Yow Ells, hindi ba ulit nakapasok sa baba yung mga 'kaibigan' mo?" Natatawang sabi ni Ara.

The Bachelorettes: The Sweet CharmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon