Chapter 29

3.2K 75 47
                                    

DENNISE

"What brings you here Ms. Lehmann?" Nakangiting tanong ni Alyssa sa taong sumira ng moment namin kanina. Bumaba naman yung kamay niya na kaninang nakaakbay sa balikat ko, ngayon na sa bewang ko na. Medyon hinapit din niya ako papalapit sa kanya.

"I talked to your mom yesterday." Nakangiting sagot naman nito at tumingin sa akin. I again saw a little smirk formed in her lips. "I asked her if I could be your date on the upcoming Business Summit."

"What did she tell you then?" Ganting sagot naman ni Alyssa at mas lalong hinapit ako papalapit sa kanya. Tinignan ko yung kamay ni Alyssa at tumingin kay Laura. Napansin pala niya yung paghatak sa akin ni Alyssa kaya napa-smirk din ako sa kanya. Napansin ko ang bahagyang pagtaas ng kilay niya. Okay people we are having a silent war here.

"She just told that I should ask you not her." Sabi pa nito na parang nagpapaawa pa. Lumapit din siya kay Alyssa at ikinapit yung kamay niya sa braso nito at humilig pa sa balikat. Hindi naman na napigilan ng kilay ko ang tuluyang pagarko nito. Excuse me, girlfriend here. Makakapit parang linta lang ha.

"Actually Lau, I already have my date on the event." Sagot ni Alyssa at nakangiting tumingin sa akin. Pilit din niyang tinatanggal yung pagkakakapit ni Laura sa kanya. "This gorgeous lady beside me accepted my invitation. Maybe you should ask Mika instead."

"Psh. What should I expect?" Walang ganang sagot naman ni Lau.

"You should have expected that Alyssa is going to invite someone else duh." Mahinang sabi ko. Hindi yata narinig ni Laura yon pero si Alyssa rinig na rinig niya. Kulang na lang din kasi na yakapin na niya ako sa sobrang lapit namin sa isa't isa.

"What are you saying?" Baling naman sa akin ni Laura at nagtaas ng kilay. Ano? Papatulan ko na to. Napipikon na ako dito kanina pa. Baka yung inis ko kay Hon kanina sa kanya ko ibaling.

"I said that I should be going back to work Ma'am. I have plenty of things to do." Buong pagtitimping sabi ko at ngumiti. "See you later hon." Malambing na sabi ko naman kay Alyssa at hinalikan siya sa pisngi. Tumingin muna ulit ako kay Laura at ngumiti bago tumalikod at umupong muli sa harap ng work area ko.

"You should also be going Lau. Marami din akong kailangang tapusin na trabaho." Rinig kong sabi ni Alyssa. Narinig ko na lang din ang pag-"tsk" ni Laura bago tuluyang umalis.

Simula pa lang yan Laura. Don't you ever dare mess with me specially if it is about Alyssa. Marunong akong magpakumbaba at pinalagpas ko na ang ginawa niya kay Ella. Pero ngayon, iba na. Baka pumatol na talaga ako at makalimutan ko ang posisyon mo dito sa kumpanya. Pinaglalaban at iniingatan ko lang ang alam kong akin.

"We'll talk about that later hon. At wag nang sumimangot. Umalis na siya. I love you." Malambing na bulong sa akin ni Alyssa at humalik sa pisngi ko. Tinignan ko lang siya at ang nakangiting mukha na ulit niya ang sumalubong sa akin. Parang biglang natunaw na naman yung inis ko. Kumindat muna siya sa akin bago tumalikod at tinungo ang kanyang opisina.
_____________
Mabilis ulit lumipas ang araw at ngayon, Friday na. Pumasok kami ni Alyssa sa opisina pero half day lang. Ngayon din kasi kami babyahe pa Quezon.

"Ate Den bilisan mo naman. Ang tagal mo talagang kumilos kahit kailan." Sigaw ni Mosh sa labas ng kwarto ni Alyssa. Ako na lang kasi ang naandito. Si Alyssa, bumaba na. Aayusin daw niya yung gagamitin naming sasakyan. At oo kasama ang pamilya ko papunta ng Quezon. Si Alyssa ang nagsama sa kanila.

"Excited lang?" Sabi ko kay Mosh paglabas ko ng kwarto.

"Hindi naman masyado ate. Tara na hinahanap ka na din nila mama." Sabi nito at hinila pa ako. Akala mo hindi teenager kumilos. May usapan sila ni Alyssa na ipapakita sa kanya yung garage noong isa sa Quezon. Naiiling na sumunod na lang ako sa kapatid ko.

The Bachelorettes: The Sweet CharmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon