Chapter 46

2.1K 79 13
                                    

DENNISE

"Ate Den." Pagtawag ni Bea sa atensyon ko. Tinignan ko lang siya at bahagyang ngumiti. "Hindi mo pa ginagalaw yang pagkain sa harap mo oh." Sabi pa nito at tinuro ang laman ng plato ko.

We are back here in the conference room to have some lunch. Pero hindi lahat kami ang bumalik.  Nagmamadaling umalis kasi si Ate A kanina. At oo, hindi ko nga nagagalaw yung pagkain na nasa harap ko ngayon. My thoughts are consuming me.
Bakit bigla bigla na lang umalis si Alyssa?

"Wag mong isipin yon mahal ka non." Biro naman sa akin ni Ara. I looked at her direction with a questioning look plastered on my face. "Sabi ko, 'wag mong isipin yon mahal ka non." Nakangiting ulit naman nito sa sinabi niya.

I jist smiled weakly at her. Ibinalik ko naman ang tingin ko sa pagkain na nasa harap ko. Wala akong ganang igalaw ang kamay ko para ilapit sa bibig ko 'tong pagkain.

"Besh, kung ayaw mo akin na lang." Bulong naman sa akin ni Ella. Tinignan ko lang siya at tinabig papalapit sa kanya yung pagkain ko. "Sana lagi na lang kayong magkaaway ni Baldo. More food for me!" Masayang sabi pa nito.

"Lagot ka kay Alyssa kapag nalaman niyang kinuhanan mo ng pagkain si Den." Sabi naman sa kanya ni Bang.

"Excuse me. Kitang kita niyo naman. Binigay sa akin ni besh yung pagkain niya." Sabi nito. She stuck her tongue out towards Bang.

"Nako. Magsisimula na naman kayong dalawa e." Awat naman sa kanila ni ate Fille. "Anyway Den. Wag mong pinagiisip si Baldo. Malaki na yon." Pagaalo naman nito sa akin. Again, I weakly smiled at her.

"Ate Den. Malalagot kami kay Ate Ly kapag nalaman non na pinabayaan ka namin." Sabi naman ni Jia.

"Umalis-alis siya ng hindi nagpapaalam tapos magagalit siya?" I blurted out. Napatakip na lang ako ng bibig ko dahil sa sinabi ko. Hindi ko din alam kung bakit lumabas ang mga katagang yon sa bibig ko.

Natahimik naman lahat ng nasa loob ng conference room at tumingin sa akin. They were completely starig at me and all of a sudden, they burst out laughing. Napakunot na lang ako ng noo sa kanila.

"Ayan tayo e. Ayaw mong kausapin. Ilang araw kang sinuyo. Naghihintay ng ilang oras sa bahay mabigyan mo lang ng chance na makausap, tapos ngayon umalis ng hindi nagpapaalam nagagalit ka." Tuloy-tuloy na sabi ni Ella. "Ikaw ang nagtulak sa kanya palayo tapos nitong lumayo, hahanapin mo." Pang-aasar pa nito. Hindi na din siya mapiit sa kakatawa.

"Eh besh naman. Alam mo naman ang issue ko tungkol sa tatay ko tapos ganon yung ginawa niya." I childishly said.

"Oh ano ba ang ginawa niya Ate Den? Di ba kinausap lang niya tatay mo?" Singit naman ni Deanna.

"Eh bakit niya kailangan itago sa akin yon?" Sagot ko.

"Kung sinabi ba niya papayag ka?" Balik na tanong naman sa akin ni Bang. Dahan-dahang napailing ako dito at napayuko.

"See?" Sabi naman ni Ate Fille. "Pero wag kang magalala Den. She just wants the best for you. At alam namin na maganda ang intensyon ni Aly sa pakikipagusap sa tatay mo." Dagdag pa nito. She even smiled and winked at me.

"Pero besh, inaamin mo nang mali ka?" Singit naman ni Ella.

"Besh hindi ako ang mali dito. Natural ganon ang magiging reaksyon ko sa ginawa niya." Depensa ko naman.

"O natural nga na ganon magiging reaksyon mo pero hindi ba parang pride lang ang umiral sa'yo ate Den?" Sabi naman ni Bea.

"Bakit ba pinagtutulungan niyo ako?" Reklamo ko sa mga to. Hindi sila nagsalita at nakatingin lang sa akin. "Fine! Oo na! Napairal ko din yung pride ko." I admitted. Nahihiyang napayuko na lang ako.

The Bachelorettes: The Sweet CharmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon